Chapter 8

2.4K 46 0
                                    

*Maxi
Practice day! Kami na lang ang natitira ni Ali sa court. Umuwi na ang mga tamad naming kasamahan.

"Dud! Talaga bang sigurado ka sa ginagawa mo ngayon! Tsak! Sa isang iglap kaya mong masaktan si Trich" sabi ni Ali habang nilalaro ang bola.

"Naniniwala naman akong kaya ko syang mahalin na kay Latreng na ang lahat!" Sabi ko naman dito.

Itinigil na ni Ali ang paglaro sa bola at tumabi na sa akin.

"Di mo naman kailangan ipagpilitan ang nararamdaman mo kay Trich, Oo nga't na kay Trich ang lahat! Pero ikaw na ang nagsabi na may mga babaeng binebespren at may babaeng ginegerplen" sabi niya at hinawakan ang balikat ko.

"Oo nga sinabi ko nyun! Pero iba na ngayon! Bakit ka ba nangengelam kakambal mo na mismo ang nagpumilit ma gawin ko to!" Sigaw ko na sa kaniya.

Tumayo ito sa harapan ko "Ang sabi ni Madi! Buksan ang puso para sa kaniya hindi maging girlfriend mo na! Kung di ka naman talaga sigurado wag mo nang ituloy! Masasaktan lang naman si Trich sayo!" Sigaw niya.

Nainis na ako kaya napatayo na ako "May gusto ka ba kay Trich?" Pikon na tanong ko dito habang pinapasingkit ang mata.

Tumawa itong Sarcastic "wow! Ngayon napagbibintangan mo ako na may gusto sa kaibigan natin! Concern lang ako sa feelings niya Maxi! Ayokong masaktan si Trich!" Ngayong mahinahon pero may diin..

"Wow ka rin! Alam mo palang nasasaktan ang mga tao! Ikaw ba alam mo ba na napakarami mo nang nasaktan? Marami ka nang pinaiyak at ngayon pangangaralan mo ko na baka masaktan ko si Trich! WAG KANG MAGMALINIS....." naputol na ang sasabihin ko na suntukin niya ako syempre natumba ako.

"Ali!" Boses ni Madison.

Tumayo ako habang tinanggal ang dugo sa bibig ko agad ko ding sinugod si Ali at sinuntok, tumayo agad ito at susugod kaso na pigilan na sya ni Madi ako naman hawak ni Trich. Tapos nasa gitna si Rein.

"DI MO KO KILALA MAXI KAYA WAG MO KONG HUSGAHAN!" sigaw niya at tumulo na ang luha.

Natigil ako sa pag-aalboroto at huminahon na.

"Oo ngat nasasaktan ko sila pero di mo alam ang likod ng lahat kung bakit ako nagkakaganto!.....First year high school makilala ko ang girl na yun! Madaming nagsasabi na wala daw sineseryoso yung babae na nyun kaya ipinangako ko sa sarili ko na hahantayin ko ang araw na magseseryoso na ito kaya dinederetsa ko ang mga taong nagkakgusto sa akin na 'hindi ko sila gusto' minsan masasakit na salita pa kasi mas ok na nyun! Kaysa naman taluhin ko sila tapos wala ding mangyayari....mas lalo lang silang masasaktan! Pero hanggang ngayon di pa rin ata sya nagsesesryoso!" Umiiyak na sya niyakap sya ni Madi, lumapit na din ako.

"I'm sorry Ali! Di ko naman sinasadyang sabihin nyun! Gusto ko lang magtiwala ka! Ang totoo siguro di ko pa alam ang sagot pero ang totoo may kakaiba na akong nararamdaman sa kaniya....di ko pa lang alam kung ano" sabi ko dito at niyakap ko ma din sya.

Pinunsan na niya ang luha niya at humarap na sa amin.

"Sorry din Dud!" Sabi nito.

Tumango na lang ako. Tahimik lang kami hanggang sa naghiwalay-hiwalay na kami ng daan papunta sa mga sasakyan nila pinakausapan ko na lang si Trich na sumabay sa mga Gonzales sa pag-uwi.

"Oh! Maxi anong nangyari sayo? May sugat ka sa mukha, gusto mo upakan ko yung gumawa nyan!" Biro ni Kuya Winston driver namin.

"Ok lang po ako Kuya" sabi ko dito at hinawakan ang pasa sa bibig ko.

"Nga pala may problema ang ate mo!" Sabi nito habang nagdridrive.

"Ano po?" Tanong ko.

"Hiwalay na sila ng boypren niyang hilaw! Bakla pala!"

"Matagal ko na pong alam!"

"Bakit mo naman nalaman?"

"Ewan ko po pansin ko lang!"

"Baka may raydar ka!"

Napailing na lang ako at ngumiti....May alam kaya ito?

"Panu nyo naman po nasabi kuya Winston?" Tanong ko dito.

"Secret!" Naka grin na sabi niya.

"Ang duga naman kuya!" Nakangiting sabi ko dito.

Dumating na kami sa bahay nakita ko si Kuya na may pasa din sa mukha.

"Kuya anong nangyari sayo?" Tanong ko agad kay Kuya Junior.

"Yung jowa kasi ni Marj! Ikaw anong nangyari sayo?" Baling naman nya sa akin.

"Nagka suntukan kami ni Ali" sabi ko dito.

"Huh!" Gulat na sabi niya.

"Ok naman na kami!" Sabi ko.

Pumunta ako sa taas at kumatok sa kwarto ng siteret ko.

"Ate Marj!" Tawag ko.

Binuksan niya ang pinto, nakakita kong maga ang mata niya sa kaiiyak. Niyakap agad ako nito.

"Baby Girl!" Umiiyak na sabi niya.

Pumasok kami sa loob ng kwarto niya. Umiiyak sya tapos nagkwento na nakaharap kami sa isa't-isa.

"Di ko naman akalain na magiging bakla sya!" Umiiyak na sabi nito.

Nakatulog na si Ate ng kaiiyak tapos pumunta na ako sa kwarto at natulog....

+-----------------+

Will You Be Mine Bestfriend (GxG) COMPLETEWhere stories live. Discover now