Blue Dress

3.6K 227 38
                                    

Photo:  @stylizedstudio IG Account 

Lapit na New Year mga bes! Malapit na rin matapos ang kwentong ito at sana, napasaya ko kayo sa maiksing panahon na nagkasama tayo dito.  Gusto ko lang ipaalala sa inyo na sa January 2 na po ang launch ng bago kong kwento ang THE SURROGATE WIFE, na sana suportahan niyo rin tulad ng pagsuporta niyo sa Broken Promises at Love, Anonymous. 

Huwag niyo po kalimutang mag iwan ng comment sa baba, alam niyo naman, sa comments niyo ako nasisiyahan. Sana'y magustuhan niyo ang chapter na 'to.


Nakahiga sila sa kama, nagkatitigan. Hinaplos siya ni Richard sa pisngi, pababa sa leeg, at bumaba pa ang kamay nito hanggang sa dumantay sa kanyang dibdib. Marahang hinimas ni Richard ang dibdib niya, at siniil ng halik ang kanyang leeg. Pumaikot ang mga bisig niya sa balikat ni Richard, hinilang papalapit ang katawang kinasasabikan niyang makasiping.

Nagdikit ang mga labi nila, nag-duelo ang mga dila. Bumaba ang mga kamay niya sa likod ni Richard, habang nagbuhol ang kanilang mga binti. Ramdam na niya ang umbok ng pagkalalaki ni Richard, unti-unti na rin siyang hinuhubaran ng damit. Nang pareho na silang walang saplot, pumatong sa kanya ang init ng katawan ni Richard at unti-unting ipinasok ang kanyang----

Nabigla siya sa matinding ingay ng alarma ng cell phone niya. Grabe, panaginip lang pala. Pinagpapawisan siya kahit bukas naman ang aircon. Bumangon siya, tumingin sa paligid at nalungkot, wala talaga si Richard sa paligid. Shit. Sana man lang natapos niya yung panaginip, parang ang init tuloy ng ulo niya kasi hindi maganda gising niya.

Isang buwan na silang "wholesome" ni Richard at may mga oras na nagsisisi siya sa desisyon niyang bumalik sila sa getting-to-know-you stage. Kasi ang OA naman ni Richard, nakakapikon na minsan. Nang sinabi niyang maging wholesome sila, hindi naman niya hinangad na talagang kahit dulo ng daliri niya hindi hawakan ni Richard. Naging masyado namang maingat sa kanya, bagay na kinakainit ng ulo niya.

Nami-miss niya kasi yung lambing ni Richard sa kanya. Yung pagyakap niya kahit walang dahilan, yung paglalakad nila na magkahawak-kamay, at siyempre yung mga halik ni Richard. Yung halik na nakakapanlambot ng tuhod, yung nakakawala ng ulirat na dampi ng labi niya.

Naligo siya at nagbihis, paalis na sana siya pero biglang may ideyang pumasok sa isip niya. Bumalik siya sa kuwarto at nagpalit ng damit, napapangiti habang sinuot ang ipinalit niyang damit. Pag ito hindi pa tumalab, ewan na lang niya.

-----

Pinag-isipan ni Richard maigi ang susuotin niya ngayon. Gusto niya guwapong guwapo siya sa paningin ni Maine. Ilang araw na niya kasing napapansin na parang yamot si Maine sa kanya. Wala naman siyang matandaang pagkakataon na may nagawa siyang hindi maganda, sa katunayan nga ay napaka-ingat niya. Lahat naman ng sinabi ni Maine, ginawa niya. Gusto niya na magkalilanlan sila kaya naging transparent siya sa buhay niya, kinuwento niya ang tatlong mga naging karelasyon niya at dahilan kung bakit sila naghiwalay. Gusto niyang maging wholesome sila kaya naging maingat siya, kasi hindi pa naman niya girlfriend si Maine diba?

Maraming beses na natutukso siyang halikan o yakapin si Maine pero nagpipigil siya, sa takot niyang magalit si Maine at tuluyan siyang hindi sagutin. Kaya heto, tiis muna siya. Mahirap na, baka mawala pa sa kanya ng tuluyan.

Ngayon parang medyo late yata pumasok si Maine. Hindi pa naman alas-diyes pero kadalasan kalahating oras bago mag-alas diyes dumadating yun. Ngayon halos oras na nila wala pa. Magsisimula na siya sana magtext nung nakita niyang paparating si Maine.

Anak ng tinola, napakaganda naman ng baby niya ngayon. Imbes na naka jeans at nakaugaliang simpleng pang-itaas lang, naka-dress siyang asul (ok sorry ayoko gamitin ang bughaw) na sleeveless at medyo maiksi pero disente pa rin tignan. Ang haba talaga ng makinis niyang legs at naka-ponytail lang ang buhok niya pero napanganga siya sa ganda ni Maine ngayon. Anong araw ba ngayon? May date ba sila na nakalimutan niya? Di pa naman niya girlfriend para magcelebrate ng monthsary. Papalapit sa kanya si Maine na ang tamis ng ngiti.

Mainit na PaskoWhere stories live. Discover now