Entry 4

21 2 2
                                    

Kyungsoo

"Congratulations, Suho! Galing natin ah, valedictorian!" dinig na dinig ko dito sa dulo ang malalim na boses ni Chanyeol.

"Thanks, thanks! Punta kayo sa bahay, ah! Uwi na kami para makapaghanda."

"Sige, sige."

Graduation namin ngayon. Tapos na kami sa highschool, nairaos din namin ang taong ito.

"Psst, Kyung."

Naramdaman ko na lang na nasa tabi ko na ang Panget na to.

"Oh?"

"Kyungsoonget. Hahahahaha, congrats sa atin!"

" Baliw, salamat." Ngumiti na lang ako. Ayokong tumawa, magmumukha akong psycho.

"Pupunta ka kila Suho mamaya? Punta ka ha, pupunta din ako."

"Oo, pupunta na. Nakakahiya naman kung hindi ako pupunta sa celebration ng bestfriend ko diba?" Nakalimutan niya ata. Hahaha.

"Sabi ko nga. Teka, si Luhan ba yun?"

"Alin? Asan?" Tanong ko at tiningnan ang tinuturo niya.

"Ayun. Nasa may kotse na itim. Sino yung kahalikan niya?"

"Ah, akala ko naman. Si Mika yun, fiancé niya."

"Ang bata pa nila, ah."

"Buhay nila yan, wag mo ng pakialaman."

"Ikaw, kelan mo gustong mag pakasal... tayo?"

"Ewan ko sayo. Uwi na din kami. Nababaliw ka na naman."

"Hahahahaha, ingat kayo nila tita. Bye!"

Nagbibihis na ako para sa party mamaya kila Suho.

Ngayon ko na din planong sabihin sa kanya bago pa mahuli ang lahat.

To: Damuhong Panget

CY, may sasabihin ako sayo mamaya. Hintayin mo ako sa park.

Sent

From: Damuhong Panget

Sige, okay. 😁😘















"Oy, Kyungsoo. Ano? Sasabihin mo na sa kanya?!" Pasigaw na tanong sa akin ni Suho dahil sa lakas ng tugtog dito sa bahay nila.

"Oo. Ikaw? Umamin ka na din kay Lay at tigilan mo na ang paglalandi kay Kris baka kalbuhin ka ni Tao. Hahaha"

"Psh. Ni hindi ko nga alam kung aware siyang may gusto siya sa akin, ayoko nga. Sige punta muna ako dun." Sabay tapik niya sa balikat ko. Tumango na lang ako.

Sana hindi ka mag sisi, Suho. Bahala ka.


Nakatanggap ako ng message galing kay Chanyeol.

From: Damuhong Panget

Psst. Andito na ako. Antayin na lang kita sa may bench malapit sa fountain. Ingat ka. 😁

Ni replyan ko naman siya ng 'Okay'



Nag pa alam na ako kay Suho at nag lakad papunta sa park. Medyo malapit lang kasi yun dito sa bahay ni Suho.


Kinakabahan akong naglalakad papunta sa lugar na iyon. Iniisip ang tamang salitang sasabihin para mamaya.

Ano kayang magiging reaksyon niya?

Yan ang tanong na hindi mawala sa systema ko. Nakaka bwisit. Bahala na.

Malapit na ako. Natatanaw ko na ang kulay abo o silver niyang buhok mula sa kinatatayuan ko.

Nasa gitna ako ng kalsada ng bigla na lamang akong mahagip ng isang kotse.

Ilaw, dugo, at puting sasakyan na lamang ang huling nakita ko bago ako mawalan ng malay.

❄❄❄❄❄❄

Nang magising ako sa hospital noon, nawalan ako ng ala ala. Ang pangalan ko, edad, pamilya, kaibigan, at pati na ang taong mahal ko ay tuluyan ko ng nalimutan.

Ipinagamot ako sa ibang bansa dahil doon, tanging pamilya ko lamang ang may alam. Sila ang nagdesisyon para sa akin.

Makaraan ang mahigit isang taon ay bumalik kami sa bansa. Bumalik ako na baon ang ala alang nakalimutan ko at ang pag asa sa aking puso na may babalikan pa ako.

Nabigo ako. Na bigo dahil sa pag babalik ko ay hindi ko inaasahang kinalimutan na din pala niya ako. Masakit nga lang  dahil hindi naman siya nag ka amnesia tulad ko.

Funny, isn't it?










Vote. Comment. Share
Thank you!

IМесто, где живут истории. Откройте их для себя