[ 25th ] Bite

580 7 4
                                    

[ 25th ] Bite

The next day, hindi na ako pumasok. Ayaw ko munang makakita ng ibang tao...pakiramdam ko nawawala na ako sa sarili ko...parang...nawawalan na ako ng control sa sarili kong katawan.

Ayaw ko ding makita si Khael. Baka kasi kung ano ang magawa ko kapag malapit siya sa akin.

Lumabas na lang ako nga bahay at naglakad lakad. Class hours ngayon kaya konting konti lang ang tao, kahit na nasa kalsada na ako.

*Flashback*

Nasa kusina kami ni Khael, naguusap. Nakatulog ako sa bahay nila. Tumawag ako sa mommy ko para magsorry na hindi ako nakauwi. Pero pagtawag ko, nalaman kong hindi din pala umuwi si mommy. Tapos may sinabi pa siya na kapag may ginagawa daw kaming kalokohan ni Khael, eh siguraduhin ko lang daw na gwapo si Khael kasi ayaw daw niyang magkaroon ng pangit na apo.

[A/N: remember this scene? hahaha]

Pagbalik ko ng kusina, tumatawa siya. Ayun pala, pinapakinggan niya yung usapan namin ng mommy ko! Tapos nagpaka cheesy kaming dalawa tapos...

...Tumumba ako.

Tumumba ako, at nagdilim ang paningin ko ng kon ti. Kitang kita kong nagaalala si Khael sa nangyayari sa akin. Nakahawak siya sa mga balikat ko habang nakasalampak ako sa sahig. Tinatanong niya kung okay pa ako pero nakakaramdam na ako ng matinding uhaw nun. Gustuhin ko mang tumayo, pero alam kong nawalan na ako ng lakas para gawin yun. At alam ko namang kahit kumuha ako ng tubig na iinumin, hindi parin mawawala yung uhaw na yun.

Alam ko naman kung saan ako uhaw eh...uhaw ako para sa dugo.

At nandito si Khael, malapit sa akin. Nagaalala siya kasi nakaupo lang ako sa sahig, nakahawak sa leeg ko na parang nagiinit na sa pagkauhaw. Ang lapit ni Khael....ang lapit ng leeg niya sa labi kong tinutubuan na ng pangil.

Pero...parang may pumipigil parin sa akin. May pumipigil sa akin sa pagsunggab kay Khael...kaya itinulak ko na lang si Khael palayo, pero napalakas ata kaya natama ng konti yung ulo niya sa counter. Nawalan siya ng malay. Pero mamaya ko na iintindihin ang bukol na tutubo kay Khael. Kasi kung hindi ako lalayo kay Khael kaagad, mas malala pa sa bukol ang aalalahanin niya.

MY Girlfriend Is A VAMPIREWhere stories live. Discover now