Sweet Dreams (2/2)

39.7K 1.6K 386
                                    


"Wanna grab dinner with me?" I blurted out of nowhere.

Her expression shifted from confused to shock. Maski ako nagulat sa sinabi ko pero wala namang masama kung kumain kami sa labas, 'di ba? Magkaibigan naman na kami.

She quickly recovers and looked at the wall clock of the café, "I'll be out in a few minutes. Can you wait?" she asked shyly. Sa ilang linggo naming pagkwekwentuhan dito, ngayon ko lang siya nakitang nahiya. Hindi ko napigilan mapangiti dahil alam kong dahilan ako kung bakit siya nahihiya.

"Sure," I grinned.

She looks taken aback by my reaction. She giggled, stood up and patted my hair, "Haven't seen you smile like that since ever. I'll go back to work. Wait for me, okay?"

Habang naghihintay ay pinagpatuloy ko na lang ang trabaho ko. May mga pagkakataon din na natitingin ako sa direksyon niya. Kapag nagtama ang mata namin ay ngingiti siya kaya gano'n din ang ginagawa ko.

Every time she smiles, I feel something weird. It's a nice kind of weird though.

Nang matapos siya ay saktong natapos din ako sa ginagawa ko.

"Where are we going to eat?" tanong niya habang pinagbubuksan ko siya ng pinto ng café.

"Saan mo gusto?"

"I thought you have some place in mind since you asked, you know," biro niya at saka ako siniko.

"May bagong bukas na restaurant sa kabilang street. Gusto ko sanang i-try. Okay lang?"

"Yeah, sure."

Nang makalabas na kami ng building, bago pa man ako makatawag ng taxi ay nagpaalam muna sandali si Imee dahil may biglang tumawag sa kaniya. Lumayo siya ng kaunti at habang hinihintay ko siyang matapos ay may tumawag naman ng pangalan ko. Nang lingunin ko kung sino 'yon, nakita ko si Alaiza at James na papalapit sa akin. Kumakaway si James habang may kausap sa phone si Alaiza.

"Bro, uuwi ka na ba? Magdidinner kami ni Alaiza baka gusto mong sumama para hindi ka naman loner."

Bago pa man ako makatanggi sa alok ni James ay binati na ako ni Alaiza na kakatapos lang makipag-usap sa kung sino man. "Tara! Kawawa ka naman kung mag-isa kang kakain sa flat niyo."

"Actually, may – "

"I'm sorry for making you wait. My friend just called. Let's go?" biglang dating naman ni Imee.

Nang mapansin niya na hindi lang ako ang nandito ay tumingin siya sa dalawa. Nakangiti ng nakakaloko si James habang nanglalaki naman ang mata ni Alaiza.

"Nice, bro. May – "

"Anong ginagawa mo dito? Magkasama kayo?" tanong ni Alaiza kay Imee at saka ako tinuro. "Siya ang sinasabi mong kasama mo kaya hindi ka sasama sa akin? Siya 'yung dahilan kung bakit tumanggi ka nang ayain kita ngayon lang para maipakilala ko sa 'yo 'yung – "

Bago pa man matuloy ni Alaiza ang sinasabi niya ay lumapit na 'tong isa para takpan ang bibig niya. Hineadlock ni Imee si Alaiza kaya nagkatinginan kami ni James sa inasal ng dalawa.

Nang pakawalan na ni Imee si Alaiza ay inayos nito ang buhok niya at tumingin ng masama.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Imee.

"Magkakilala kayo?" balik na tanong naman ni Alaiza sa kaniya.

"Magkakilala kayo?" tanong ko sa kanilang dalawa.

"Ayos. Magkakakilala tayo. Yehey," biro naman nitong si James.

"Kumain muna tayo please."

So we ended up eating together.

Sweet DreamsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon