Part 25: Tagaytay

4.6K 127 15
                                    

Maine's POV
Nag-aayos na kaming tatlo nila Valeen, Patricia at ako dito sa condo ko. Oo, dito sa condo ko. Buti nga eh natapos ng maaga yung celebration namin.

"Guys, nagtext sakin si Jerald" sabi ni Valeen habang hawak hawak niya ang cellphone niya

"Oh, ano sabi?" Tanong naman ni Patricia

"Nandyan na daw sila sa baba" sabi ni Valeen

"Wow, nagbago sila? Ang bilis nila ah?" Sabi ko at tumawa sila ng mahina

"Alam niyo, bumaba na tayo. Baka pagalitan pa tayo ng bumbay dun!" Sabi ni Patricia at binuhat na niya ang bag niya. Binuhat na rin namin ni Valeen ang mga bag namin

Bumaba na kaming tatlo at umalis na sa condo. Nakita na agad namin ang kotse ni Alden. Binuksan na namin pero naka-lock

"Tok! Tok! Tok! Nandito na po kami!" Sabi ko habang kumakatok ako sa bintana ng kotse ni Alden. Binuksan na niya ang pinto

Pumasok na kaming tatlo sa kotse

"Maine, dito ka na sa tabi ko" wala na akong magagawa kun'di sundin siya

"Mga dalawang oras lang siguro ang biyahe" baka mga 7 am nandun na kami

Kinuha ko ang cellphone at earphones ko sa bag ko at saka nagpatugtog

Pinikit ko ang mga mata ko at saka natulog
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako sa sinag ng araw

"Nandito na ba tayo?" Tanong ko

"Nandito na tayo pero kakain muna tayo" sabi ni Alden ng walang tinginan sa'kin dahil nagdadrive siya

Nandito kami sa drive-thru ng McDo. Kumuha ng apat na papel si Alden at saka niya cinrumple at pinagbababato sa apat

"Hoy! Gumising na nga kayo!" Sabi ni Alden

"Inaantok pa 'ko!" Sabi ni Jerald

"Ah ganon ah. Ano sa'yo Maine?" Tanong niya sakin ng pabulong

"Coffee at saka pancake na lang" bulong na sabi ko

"Ayaw mong gumising ah?" Nagsmirk siya

"*Ehem* Dalawa nga pong coffee at pancake. Yun lang po, wala na po akong idadagdag" sabi ni Alden

"Oy! Ako rin!" Sabi ni Jerald

"Wala! Wala ka na! Diba ayaw mong magising? Haha!" Sabi ni Alden

"Hoy, kayong tatlo? Hindi kayo mag-oorder?" Tanong ni Jerald sa tatlo

"Meron kaming pagkain dito ni Patricia" sabi ni Valeen

"Ikaw Samir?" Tanong ni Jerald

"Meron akong isang sandwich dito" sabi niya

"Edi kayong lahat may pagkain!" Sabi ni Jerald

"Miss, pakidagdagan na nga lang ng isa pa" sabi ni Alden

"Sabi na nga ba eh! Hindi mo 'ko matitiis. Labyu fafa Alden!" Sabi ni Jerald

Kinuha na ni Alden ang order at pumunta kami ng hotel

Agad kaming pumasok sa kwarto at natulog si Alden

"Mukhang pagod si Alden" sabi ni Sam

"Oo nga eh, kawawa naman" sabi ko

"Pahinga rin tayo guys" sabi ni Valeen. Tatlo lang kasi yung kama dito kaya magkatabi kami ni Alden sa isang kama
.

.
.
.
.
.
.
.
.
Nagising ako sa bigat na nararamdamn ko. 'Yun pala kamay ni Alden, nakayakap siya sakin. Buti tulog siya

Tinanggal ko ang kamay niya sa'kin. Tumayo ako at tinignan ko na ang oras

Binuksan ko ang cellphone ko at 9:48 am na pala hala magtatanghali na pala

Gigisingin ko muna si Alden

"Alden, Alden. Gising ka muna" sabi ko habang tinatapik tapik ko ang pisngi ni Alden

"Hhmmmmm, bakit po?" Sabi niya habang nag-uunat

"Anong oras tayo aalis?" Tanong ko

"Mga 10 am" sabi niya

"9:48 na kaya Alden" sabi ko

"Ha?!" Bigla siyang napabangon

"Nakakagulat ka naman! Jusko!" Sabi ko sabay lagay ng kamay sa dibdib ko

"Sorry po. Sige bihis na po ako" sabi niya sabay tayo. Pumasok siya ng banyo na may dalang damit

"Guys, gising na kayoooo!" Sigaw ko para magising sila

"Aalis na tayo maya-maya" pagpapatuloy ko
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nandito kami sa Sky Fun o mas kilalang Sky Ranch. Pagkatapos daw nun kakain daw uli kami sa McDo. Pagkatapos naman nun, nagsasarili sarili muna kami

"Alden, sakay tayo ferris wheel. Please?" Nagpuppy eyes ako

"Sige na nga. Buti na lang, cute ka!" Sabi niya at hinawakan niya ang kamay ko

Sumakay na kaming anim sa ferris wheel. Magkatabi kami ni Alden, magkatabi sila Valeen at Jerald at sila Patricia at si Sam. Naiinis nga si Patricia eh, ayaw pa naman niya yung bumbay

Nandito na kami sa pinakamataas. Nagsasakay pa kasi sila. Nakakatakot tumingin sa baba >_<

"Takot ka?" Tanong ng katabi ko

"H-hindi ah! Kaya nga ako nagyaya diba?" Sabi ko na may halong tapang tapangan

Dinuyan ni Alden yung sinasakyan namin

"Alden! Wag mong galawin! Natatakot ako!" Sabi ko habang hawak ko ang kanang braso niya at sa tabi kong rehas

"Sabi mo 'di ka takot?" Sabi niya. Lumayo ako sa kanya

"Uy! Sorry na po!" Sabi niya at niyakap niya ako

"Ang bilis naman magtampo ng Maine ko!" Sabi niya habang nakapatong yung chin niya sa balikat ko

"Sige na po! Mamaya pagsabihan pa tayong naghaharutan tayo!" Sabi ko at tinulak ko siya ng mahina para lumayo siya ng konti sakin

"Kaya love kita eh!" Sabi niya. Para siyang payb years old. Nakakainis, ba't kasi 2 in 1 siya? Gwapo na nga, cute pa!

Omagash! Nagsimula ng umandar >_<. Shete! Pabilis ng pabilis

"Aaahhhhhh!" Tili ko habang pababa yung ferris wheel

"WAHAHAHA!" Tawa ni Alden. Tawang tawa pa siya dun ah? -_-

Tapos na yung ride

"Jusko! Muntik na ata mawalay kaluluwa ko dun ah?" Sabi ni Valeen habang hingal na hingal

"Kaysa naman 'tong sa tabi ko! Dinuduyan yung sinasakyan namin!" Sabi ko habang tinuturo si Alden

"San next?" Tanong ni Alden

"Mukhang game na game ka ah?" Sabi ni Jerald at tumawa sila ni Sam

"Roller coaster!" Sabi ko

"Game ako dyan!" Sabi ni Alden

"Edi, tara!" Hinila ko siyang papuntang roller coaster

Sumakay na kami. Kami yung nasa pinakauna. Tili ako ng tili

Tapos na yung roller coaster. Hindi nga sumakay yung apat. Takot daw

"Tara, punta na tayo ng McDo!" Sabi ni Alden

Nandito na kami ni McDo. Pare pareho lang kami ng order. Chicken Fillet Italiana ❤_❤

Tapos na kaming kumain at nasa hotel muna kami. Lumabas muna yung apat may bibilhin daw. Kaya kami lang ni Alden yung nandito

"Thank nga pala, Tans ah?" Sabi ko habang nakasandal ako sa kanya

"Welcome. By the way, ano yung 'tans'?" Tanong niya

"Secret" sabi ko at humiga muna ako

Itutuloy....
Happy birthday sa ating payb years old! Nagsix na siya ngayon!

Alam niyo ba yung tans? Ayan yung tawag ni Maine kay Alden kanina sa twitter. Alam ko ang true meaning nyan!

[C] The Campus Heartthrob Is My BoyfriendWhere stories live. Discover now