"ANG tIYAnAK"

131 4 4
                                    

Magandang araw po sa mga mahilig po magbasa nang mga nakakatakot na mga kwentong kabablaghan para sa inyo ito subukan niyong basahin.

Hango po to sa totoOng buhay nang aking lolo. Ngunit dadagdagan kulang para po mas klaro Ang aking lolo ay isang albularyo! sa bayan namin.

Noon kami po ay mga bata pa mahilig talaga kaming makinig nang mga kwento ni lolo nang siya ay nabubuhay pa!.

        Ayon po kay lolo ang kanyang pang gagamot ay hindi raw madali sapagkat kung ano - ano rawng mga nakatira, sa kabilang buhay ang iyong makikita.

Ayon sa kanya noong siya ay bata pa ay may roon daw siyang kaibigang mga duwendi, kapre at kung ano-ano pang mga lamang lupa na bumabalot ng kahiwagaan.

Iwan kuba kong totoo o hindi pero alam niyo ba nasabi ni lolo sa akin .

Pumunta daw sila nuon sa  bario, kasi malayo sila kailangan  pang umakyat nang dalawang bundok at tatlong sapa bago ka makarating sa sentro.

 kong kaya doon kana lang magpapalipas nang umaga sa sentro.

Dahil dilikado sa daan baka makatapak ka nang ahas !  pupunta sila doon para dumalo sa pyesta ang tatay ko raw ay subrang lasing na lasing.

 e !!totoo naman hanggang ngayon nga ang aking nanay daw nuon ay buntis nang anim na buwan sa aking manong.

Ang ikaapat sa aming magkakapatid akalain munga naman saan pa kayang parte sa itlog nang tatay ko ako naroroon sa mga panahong iyon.

 hehehe biro lang tika ipagpapatuloy muna natin subrang estorbo tong makina o..ang bilis gumana palibhasa bago kasi. 

Sabi ni lolo ginabi daw sila nang uwi noon hindi na sana sila uuwi ngunit itong si mama ko nagpupumilit umuwi.

Dahil ang kanya rawng mga alagang baka at kambing baka daw nakawin kaya napilitan nalang si lolo sila lang dalawa nang nanay ko ang umuwi.

Dahil iniwan na nila ang tatay ko sa sentro dahil subrang lasing nito alas 3 sila lumakad pauwi.

Ngunit dahil sa layo ay kinapos sila nang oras at naabotan nang gabi sa daan klarong-klaro pa  naman daw nila ang daan.

 dahil sa subrang ganda nang liwanag na dulot nang bilog na  buwan habang sila ay naglalakad ay may napansing sumusunod na pusa ang aking nanay.

Para bang galit ito o kakaiba talaga iba ang pakiramdam ni nanay.

Sa kanyang narinig para rawng hindi ordinaryong pusa ito tapos kapag lumingon siya ay wala naman siyang nakikitang pusa.

ganon nalamang ang kabog nang kanyang dibdib agad niyang sinabi kay   lolo ang tungkol doon.

Ngunit pinagalitan lamang siya nito nanahimik nalang si nanay hanggang sa papalapit na sila doon sa masukal na kakahuyan palabas doon sa taniman nang mga pinya .

Ganoon nalamang ang bigla na may halong awa na di maipaliwanang nararamdaman ni mama.

 bumulagta ang isang pagka gwapo-gwapong batang kasisilang palamang na sangol dumudugo at hindi pa daw naputol ang pusod nito.

Nakalagay ito sa isang dahon nang saging at dahil sa subrang aliw daw ni nanay sa bata ay kanya rawng dadamputin ang bata.

 Nang biglang sinabi ni lolo "do Linia busaw man hayan kagaton on iman sa liog no tayan"ibig po sabihin syensya na higaunon kasi yan Linia.

wag mong galawin yan halimaw ang batang iyan kakagatin niya ang leeg mo pag hinawakan mo yan.

Ganon nalamang ang takot at talon ni mama habang ang bata raw ay subrang pagkalakas-lakas nang iyak nito na para bang mamamatay na sa kakaiyak ! iniwan nalamang nila ito.

kinabukasan ay binalikan nila ang kinalalagyan nang bata wala mi isa mang patak nang dugo o kahit ang dahon man lang ang kanilang nakita sa daang iyon. 

                          Ayon kay lolo sa lugar daw mismo kong saan naroon ang tiyanak na iyon ay doon daw inilibing  si Dallia isang buntis na babaing nakatira sa lugar na iyon kong saan pinatay matapos gahasain.

 habang pauwi ito nang kanilang bahay sa kinalalagyan daw mismo nang tiyanak na iyon inilibing ang babaing buntis na kong saan naghihiganti ang bata na nailibing na buhay. ABANGAN ANG IBA PANG NAKAKAKILABOT NA MGA KWENTO.!


AKLAT NANG HIGAWA ni Arneil M. LiloanWhere stories live. Discover now