KUBLI

56 1 0
                                    

Mga kaibigan mahilig kaba sa malapantasyang kwentuhan, ito subukan  upang maintindihang mabuti. basahin ang kwentong hango sa makapangyarihang imahinasyon ng may akda.  Naglalakad ako sa isang  napakagandang tanawin na binalot ng hiwaga,  ang buong kapaligiran. Dahil sa naglalakihang kahoy at ugat nang naglalakihang mga ugat ng punong pagatpat o kilala sa tawag na baliti, at mga matandang punong lawaan, papunta ako sa bayan ng Liloan upang makidalo sa kanilang pyesta. Kong saan namahay ang aking kapatid na lalaki , siya'y nagkaasawa at naroon rin ang aking mga pamangkin,  ano ba kailangan ko nang magmadali tiyak pagdating ko doon magsisimula na ang kasayahan sa pyesta,  itong si Edgar naman kasi hindi pa sumama ayan tuloy mag isa nalang akong pupunta ngayon. sige  di bali nalang lang ang ganda naman dito pero! bakit kakaiba ang samyo ng hangin. Parang mayhalong mabangong bulak-lak,  naglalakihang puno ang nakabalot sa hiwaga ng kapaligiran bulyaw ko sa aking sarili. ng may marinig akong isang tinig na nagmula sa isang napakalayong dulo ng punong balite. tinitigan ko itong mabuti at parang lumalapit sa akin ang isang diko maipaliwanag na nilalang. nataranta ako ng labis nang aking makitang isang lamigas na ang katawan ay parang uod may pak-pak at ang ulo ay tao ang pangit ng itsura, nito gulat na gulat ako ng biglang yumanig ang paligid. nakita kong may mga nakakatakot na mga bagay na nakapaligid sa akin ganoon na lamang ang aking pagtakbo, ng bigla silang nag litawan hinahabol nila ako takbo ako ng takbo hanggang hindi ko na napansin ang kaibahan ng kapaligiran parang nawala ako sa daang aking tinatahak na dati isang napaka  gandang tanawin na subrang ganda ang kapaligiran nagmistulang isangmga bangin.  bigla akong napa tunganga ng makita ko ang isang napakalaking ahas na nakapulupot sa isang napakaking  ugat ng batang ng punong baliti. natutulog ito  halos di ako maka galaw ng makitang nakaapak pala ako sa isang napa kalaking matinik na  tuod isang buwayang subrang laki  nang pumikit ako at idilat muli ang mga mata ay napakahindikdik ng lugar na pinalilibutan ng mga  kalansay at bungong dekorasyon   napa talon ako ng biglang gumalaw ang aking naapakang   mantaga. humihingal ako sa takot at pagod na huminto saglit sa isang puno ng saging, habang dinig na dinig ko ang rumaragasang bagay na humahabol sa akin na nagbabadyang ano mang oras ay maari niya akong kainin o sakmalin. nagpatuloy ako sa pagtakbo hanggang makatawid ako sa isang ilog, parang subrang payapa ng lugar at doon lang ako kumalma nang kunti at dahil sa subrang pagod ay naisip kong magpahinga sa isang malaking bato. Ngunit di pa pala doon nagtatapos ang lahat nang may makita akong isang napakalaking isda na tumalon buntot lang ang aking nakita. Halos umabot sa langit ang alon  natakot na naman ako at bigla kong naitanong ano kaya iyon! iyon kaya'y isda o isa na nmang pakana ng panlilinlang. Ganoon nalang ang aking pagka bigla halos kalahating oras akong di maka galaw at napatunganga nalamang ako sa isang napaka gandang babaing lumitaw sa kalagitnaan, nang malinaw na sapa naka ngiti siya palangoy palapit sa aking kinatatayu-an, halos dalawang segundo lang ang bilis nito at agad nasa harap ko na di naman niya ako ginalaw. Ngunit dahil sa linis ng tubig kahit kalahati lang ng kanyang katawan ang naka lutang ay napansin ko parin ang kanyang napakahabang buntot, na parang isdang nilagyan lamang ng adorno, o palamuti parang ginintuang kaliskis. Ang umiilaw sa tubig kaya naman napaatras ako, dahil alam kong isa siyang dalangitaw isang babaing ang kalahati nang katawan ay tao, ngunit ang kaputo nito ay isda, mababait daw ang iba sa kanila. Ngunit ang ilan ay nag kukunwaring maganda para mangakit ng tao, wala silang pinipiling bibiktimahin bata, matanda, babae o lalaki. Ngunit lulunurin ka nila pag na akit kana. ganon nalamang ang takot at kabog nang aking dibdib nang palapit siya sa akin na parang iba talaga ang anyo nito nakikita ko sa kanyang mga ngiti ang isang matalim na tingin, bigla akong napalundag at nagtatakbo palayo sa tubig  napilitan akong akyatin ang pangpang. Dahil sa takot ay diko na namalayang tuyong sanga pala ang aking nahawakan, ganoon nalamang ang aking takot na naramdaman nagsisigaw ako sa takot na mahulog habang nakikita ko ang mga nakakakilabot na lugar sa paligid, habang nahuhulog ako sa isang pangpang nakikita ko ang isang lupang umaapoy na parang may nagmamadaling mahulog ako at may sinyales nang paghatak o paghila sa akin walang ano-ano'y napilitan ako ipikit ang aking mga mata parang lumakas ang hangin at doon akoy nabigla sa isang napakalaking ibon ang akay-akay ako sa balikat, iniligtas niya ako subrang saya ko nang mga oras  na iyon, Nagsasalita ako ngunit. di siya umiimik hanggang sa natanaw ko ang napakataas na bundok na aming binabagtas  ang inaakala koy ibaba niya ako ngunit iba ang nasa isipan ko patas ng patas ang kanyang paglipad. Nang makarating na kami  sa dika kalayua'y  nakita ko ang isang higanting pugad, na nasa dulo nang napakalaking punong bagras isang malaking gintong puno na tanging sa matatas na bundok lamang tumutubo at naka dungaw pasa isang napakatas na bangin. Dumapo siya doon at kitang-kita ko talaga ang gutom na gutom niyang mga inakay. Halos mangiyak ngiyak ako sa takot at putlang- putlang  iniisip ko ang aking pamilya mga magulang ngunit huli na ang lahat bago kasi ako umalis ay sinabihan akong wag magpagabi at umigib daw ako ng tubig. Dahil sa katigasan nang aking ulo nagdulot pa ito sa akin nang kapahamakan. Habang wala akong magawa pakiramdam ko at iyon na ang aking katapusan,  naisip ko ang kwento sa akin ni lola noon. Tungkol sa isang ibong sinasabi nilang Barak- barak mabait daw at dating mga kaibigan ng mga mortal ang mga ibong ito sinasakyan pa ito nang mga tao.   nagtataglay rin daw sila ng kapangyarihan, kaya nilang maging normal na tao. Ngunit talagang ipinagbabawal ang umibig sa isang mortal na tao lamang , lalo na kong isa kang prinsesa. Minsan sa kahariay may isang prinsisang barak Barak na nagkataong umibig sa isang mangangaso, madalas silang magkita sa isang tagpuan nila  sa maaliwalas at luntiang kakahuyan. Walang kaalam-alam  ang mangangahoy sa tunay na katauhan ng dilag siya si Luntian na prinsisa ng mga barak-barak at tagapangalaga ng buong kagubatan. Lumipas ang nagmamadaling panahon ang pag- iibigan nilay nagdulot ng bunga saunay, masayang-masaya sila. Ngunit sa hindi inasahang may  mangangasong napadpad sa kakahuyan nakita nila ang napakalaking ibon. Kong kayay walang sinayang na oras ang mangangaso ano- anoy pinana nito ang ibon nahulog at namatay. masayang- masaya ang mangangaso, naghahalakhakan pa sila patawang nagtumawag ng kasamahan at dahil sa laki ay kailangang pagtulungang buhatin may pulutan na tayo, bulyaw ng iba pang kasamahan biglang yumanig at nagdilim ang kapaligiran nagsisigawan ang galit na mga tinig ng Kong anong di nila maipaliwanag.sabi ni lola umabot sa buong kaharian ang nangyari sa prinsesa namatay siya dahil nawalang bisa ang kanyang kapangyarihan lalo pat umibig siya sa isang mortal. kong kaya mula nooy naging masamang ibon ang iba sa kanila .habang inilagay ako ng ibong barak-barak sa kanyang mga gutom na inakay, nagsisimula nang bumuka ang kanilang mga tuka at ang mga ito'y parang lagaring pagkatalim-talim sumigaw ako ng malakas.. ng aray ko nay sinampal ako ni mama. nanaginip lang pala ako, mula nooy palagi ko nang sinusunod si mama

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 10, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

AKLAT NANG HIGAWA ni Arneil M. LiloanWhere stories live. Discover now