Chapter Two

1 0 0
                                    

Third Person POV

"Mama! Pwede po ba muna akong lumabas? Pupuntahan ko lang po si mayu!" Masiglang sabi ni Zach sakanyang nanay

"O sige baby pero wag masyadong magpapagod ha? Wag tatakbo!" Paalala sakanya ng nanay nya



"Opo mama!" At masigla syang lumabas ng kwarto nya


Pumunta si zach sa lugar kung saan andon lagi si mayu


Sa may bench sa labas ng ospital may isang puno dun na malayo sa mga bench at silang dalawa lang ang may alam kanila daw yun kumbaga


At nakarating na doon si Zach

Nakita nya si mayumi na parang may hinahanap sa gilid ng puno


"MAYU!" Masiglang tawag nya sa kaibigan


Tumingin si mayumi sakanya


"Oh! Zach nakalabas ka na pala" at muling ibinalik ang atensyon nya sa paghahanap sa maliliit na damo


"Anong ginagawa mo?" Takang tanong ni Zach


"Naghahanap ako ng four leaf clover!" Sabi ni mayu "Sabe daw kase nila kapag nakakita ka ng four leaf clover at nagwish ka matutupad ang wish mo" at naghanap ulit sya


"Bakit? Ano bang iwiwish mo?" Tanong ni zach at naupo sya at naghanap naden


"Ako ang wish ko lang ay maging astronaut! Gusto ko kaseng makapunta sa moon!" Masiglang sabi ni zach "At gusto kitang pakasalan kapag tumanda tayo mayu!" Masaya ulit nyang lahad


Napatingin sakanya si mayu ng parang hindi makapaniwala sa narinig nya sa kaibigan


Muli namang tumungo si Zach at sa pagtungo nyang yon nahanap nya ang hinahanap ni mayu


"Mayu!" Tawag nya dito

At tinignan ni mayu ang Four Leaf Clover na nakita ni Zach


Agad nyang tinulak si zach sa pwesto nya at tinignan ang four leaf clover


"Sana po matagal pa po kaming magkakasama ni zach! Sana po matupad nya ang gusto nya!" Malakas na sigaw ni mayu


"Please po!" Sigaw nya at tumungo sya sa clover


"Please po!" Sigaw nya ulit at si Zach naman ay gulat na gulat at di parin nakakatayo mula sa pagkakatulak sa kanya ni Mayu


"Please poo! PLEASE!" Sigaw ni Mayu at si Zach naman ay pinapanood sya


Maya maya ay biglang narinig ni zach ang pag hagulgol na iyak ni mayu

"WAHHH PLEASE POO WAAAHH!" Sabi ulit nya


"Mayu" at tumayo si Zach para puntahan si mayumi


"Tahan kana" sabi ni zach kay mayu na malakas paden ang hagulgol


"Mayu" *MUAAAAAH*


At hinalkan ni Zach si mayu sa labi nya para matigil sa pag iyak



Makalipas ang ilang araw....

"Mayu! Kain na!" Sigaw ng tatay ni mayumi sakanya



"Mayu" tawag ulit sakanya ng hindi sya nasagot ay pinuntahan na nya ang anak sa kwarto



"Mayu! Anong ginawa mo sa kurtina?" Nag tatakan tanong ng ama at nilapitan ang gupit gupit na kurtina nila



Biglang humarap sakanya si Mayumi na naka suot ang ginupit na kurtina at naging style gown ito ay ang kapirasong gupit na kurtina ay nasa ulo nya na nagsisilbing parang belo at hawak nya ang kanyang teddy bear



"Sabi ni Zach papakasalan nya daw ako kapag lumaki na kami!" Masayang laad ni mayumi at inayos ayos ang teddy bear nya

At napangiti nalang ang kanyang ama sa kakulitan ng kanyang anak











--------
A/N: yo guys kinilig ba kayo?😂 ireremind ko lang na 6 years old palang sila at flashback ang nang yayare hahaha ayun alam ko namang alam nyo na hahaha😂

READ! VOTE! SPREAD!☺

Author's acc

Fb: Alliah Gabrielle Solano Castillo

Twitter: @alliahgbrll_

IG: alliaahgbrll_

💕💕💕
-authorA

Four Leaf CloverWhere stories live. Discover now