Chapter 6

483 23 0
                                    

(A/N: The song is "I LOVE YOU" by Alex and Sierra. The chords and strumming written in this story is not accurate. Stream on Youtube. No copyright intended)

•Alex's POV•

Maaga akong nagising kahit 8:30 pa first subject ko. Dumiretso na ako sa CR at nanghilamos agad at nag tooth brush. Nag luto na agad ako ng pancakes para sa breakfast ko. Pagkatapos naligo agad ako at nag suot na ng uniporme ko. Naglagay ako ng konting face powder at lip balm para magmukha akong tao haha. Sinuklay ko na buhok ko at tiningnan ang oras. 8:05 palang. Di ko na kailangan magdala pa ng pera dahil lahat ng nandito sa Hellion Academy ay libre. Naalala ko yung sabi ni Tita Victoria na may isang rule dito ito yung 'BAWAL lumabas ng Academy kung walang misyon o walang pahintulot mula sa royalties' nagtaka ako kung anong misyon ang sinasabi niya. Pero di bale na papasok nako. Tinungo ko na ang Music Classroom, 8:25 na rin kasi eh. Pag pasok ko dun ang ingay ng mga kaklase ko. Natigilan sila sa mga ginagwa nila at tiningnan ako. Nung nakita nila ang simbolo ng kapangyarihan ko nagulat sila at biglang nagbulong-bulongan. Nakaka-asar haist. Umupo ako sa may bandang likod at linabas ang cellphone ko, I took my earphones out then nakinig na ako ng kanta. Mahilig ako sa kanta, marunong akong kumanta, sumayaw at mag play nang iba't ibang intruments. Pinag aral kasi ako ni daddy sa isang Music School nung pagkatapos ng aksidente ni mommy para ma divert nalang daw ang isipan ko.

Lumipas ang ilang sandali at pumasok na ang guro namin na ikinatahimik ng mga kaklase ko. Nag introduce ang teacher namin na si Mr.Don Sevilla at nag good morning.

"Students, may bago kayong classmate. Ms. Han introduce yourself." ani ni sir Sevilla

"Hi I'm Alexandria Han but you can call me Alex. 16 y/o. I have the power of Super-Elemental Power. Treat me well" ani ko sabay ngisi.

"Thank you miss Han. Please seatdown". ani ni sir Sevilla. Pagkatapos niya yun sabihin bumukas ang pinto ng room at iniluwa nito ang isang lalaki na may jet black hair. Pamilyar ang mukha niya sakin. Ah naalala ko na, siya yung may pula na mata. Tiningnan ko ang simbolo ng kanyang kapangyarihan, pareho kami Super-Elemental Power. Siya yata ang nabanggit ni tita.

"Mr.Grey Cullen, why are you late?" ani ni sir na parang galit

"I woke up late" ani ni Grey sabay upo sa bakanteng upuan sa tabi ko.

Inirapan nalang siya ni Sir.

"Now class, today we'll have an activity by partner. One of you shall sing then one of you will be the instrumentalist. Since the columns of the chairs are by two your  seatmate will be your partner. Do you get me?" aniya

"Yes, sir"  tipid na sagot ng buong klase.

"When I call your name and your partner's name you'll start to perform in front of the class. No participation gives you a failing grade. Get me?" ani ni sir

"yes sir." sambit naming lahat.

"Ikaw na ang kumanta. Ako na ang maggigitara" ani ni Grey

"Okay, ang kanta ay I LOVE YOU" ani ko

"Huh? you love me?" ani ni Grey na natatawa

"Gago, title ng kanta. 3rd Fret to balik balik lang ang chords tuturuan nalang kita sa pagkaskas. Ang Chords ay Em, C, Dm, Am, Em, G, F balik balik lang yan."

"Okay pano ba ang pagkas kas?" tanong ni Grey

"Up 2x, Down 2x, Up, Down 3x, Up 2x. Yun lang"

Then natuto naman sya agad, we practiced twice then sakto lang na tinawag na kami pagkatapos nang ikalawang subok.
Nang nagsimula na sya sa intro,kumanta na ako.

"I fell in love with a beautiful boy and he still takes my breath away. When we lay down on the soft warm ground for a week and thirteen days.. Coz' I love you more than you think I do and I love you more than you want me too.. Every time I try to fight  it everything just turns out wrong, maybe if i got my timing right I wouldn't end up alone.."

Pagkatapos sa verse nabigla ako nung dugtungan pa ni Grey

"I fell in love with a beautiful girl and she still takes my breath away..."

Ang ganda pala ng boses ni Grey kung di lang sya masungit,tsk. Pagkatapos nun nag bow kami. Aaktang pupunta na kami sa upuan namin ng pigilan kami ni Sir.

"Ang ganda ng kanta. Nice job. You got A+ for your grade. Hmm miss Alex may I ask who the composer is?" ani ni sir

"Sir ako po yung nagsulat nung kantang yan." ani ko sabay ngiti. Namangha silang lahat. Pero si Grey parang di nagulat. Pagkatapos nun umupo na kami.

•Grey's POV•

Una ko palang na narinig yung kanta parang alam ko na yun. May naalala ako eh. Ang ganda nang boses niya. She remind me of someone I don't know. It's in the tip of my tounge but I can't blurt it out. Di ako magsasawa na marining ang boses niya na kinakanta yun.
Lumakas nga tibok ng puso ko nung narinig ko boses niya. Di ko alam kung bakit basta bigla nalang itong bumilis. Nagtaka nga ako kung bakit ko pa dinugtungan eh. Nadala ako, sa ganda nya.. I mean ng boses nya. Naramdaman ko na to noon eh. Pamilyar. Masyadong pamilyar...

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Hellion Academy (On Edit)Where stories live. Discover now