Chapter 7 Girlfriend!!

936 43 0
                                    

Stacey's POV

"Stace, oh my where did you go? Pinagalala mo kami lalo na itong si Jans di mapakali." Sabi ni Micah nang makalapit ako sa kanila dito sa tambayan sa garden at naabutan silang kumakain.

"Sinong di magaalala, iniisip ko kung saan siya nagsuot samantala ang alam ko nasa likod ko lang siya na sumusunod. Eh Saan ka ba talaga galing?" Tanong ni Jans pero di ko muna siya pinansin at naupo na lang muna at bumuntong hininga.

Pagtapos kasi nang kabayaran sa 'ginawa' ko daw ay umalis na sila. Naiwan ako at nalaman ko na sa gym lang pala ng school ako dinala na tinakpan ng tela kaya mukhang madilim. Pagalis ng gang ay di muna ako umalis para magisip kung tama ba ang desisyon ko.

"Wala nagisip at naglakad lakad, bakit masama?." Sagot ko sa tanong ni Jans

"Alam mo Stacey walang masama pero nagcut ka lang naman kasi ng dalawang subject. Ikaw at ang tatlong kolokoy na rebellion ang absent dahil remember sa dalawang subject ay may quiz tayo."

Nagulat ako kaya nanlaki ang mata sa sinabi ng pinsan ko.

"WHAT?"" Sigaw ko kaya napangiwi sila. Wow, galing dahil sa mga abnormal na gangster na iyon bumagsak ako sa quiz ng dalawang subject.

"Makasigaw ang oa naman, oo may quiz tayo at bagsak ka..... kasi naman alam mo nang may quiz ngayon mo pa naisipan na magtour sa buong univ." Sermon ni Jans. Bakit kasi na pamgatlong araw ng klase may quiz? Kesyo daw na kailangan malaman kung may natutunan kami noong highschool. Bagsak tuloy ako sa first quiz at dalawang subject pa. Urgh. Bwisit na mga gangster iyon pinahamak ako...tama kaya na pumayag ako sa deal ng gangster na iyon? Basta magbabayad ang abnormal na Angelo na iyon.

"Saan ka nga ba galing, Stacey?" Tanong ni Micah

"Ahh....sa-" naputol ang sasabihin ko nang may nagtapon ng pagkain namin at may umupo sa harapan namin. Kung di ba naman bastos na tigwak na mga lalaki, sasapatusin ko mga ito kapag nabwisit ako. Ibato ba naman ang chips sa harap namin.

Tiningnan lang namin sila. Pero mga nakangisi sila sa amin.

"Bakit ganyan kayo makatingin? Kung magrereklamo kayo sabihin niyo lang baka gusto niyo nang mamatay." maangas na sabi ni Diego na may masamang tingin. Grabe, feeling ba niya matatakot ako dyan sa tingin niya? Marami na akong pinagdaanaan at mas nakakatakot pa diyan ang hinarap ko pero nakaya ko, sila pa kaya na isang pipitsuging mga gangster lang?

"Ikaw babae, Stacey ba ang pangalan mo? Hanga din ako sa tapang mo, si master Angelo pa napili mong kalabanin." Sagot ng lalaking may bigote habang nakaturo sa akin. Samuel yata ang pangalan pero naiinis ako sa pagmumukha niya.

Itinuro ko ang sarili ko na parang tinatanong kung ako ba kausap niya pero tumaas lang ang kilay niya. Aba! Bakla ata itong lalaki na ito. Inirapan ko na lang siya, I think mas makakasundo ko pa ang lahat maliban sa bwisit na ito.

Pansin ko lang si Lein na kanina pa tahimik na palingon lingon sa palogid na parang may hinahanap.

"Alam mo hindi ko nagustuhan kung paano ka makipagkasundo kay master. Ha!..... How dare you mess with him?" Dugtong pa ni Diego kaya napangisi ako.

"Lein itigil mo iyan, di mo ba nakikita wala siya dito, di mo siya makikita kahit anong gawin mo." Napansin din ni Diego si Lein na tingin ko si Nick ang hinahanap.

"Wala naman, alam mo bang wala akong kinakatakutan kahit gangster pa iyan?" Sabi ko na nakangisi kay Diego. Kahit matapang ang tingin niya sa lahat pansin ko lang ang paglambot ng expression niya sa tuwing mapapatingin kay Lein.

"Ikaw babae ka-" naputol ang tangka niyang pagsampal sa akin ng may humawak sa kamay niya.

"Itigil mo na iyan." -Angelo

The Gangster's Girlfriend (Completed)Where stories live. Discover now