Diary ng Pandaliang Pag-ibig

8 1 0
                                    

Dear Diary,

Alam kong noong una pa lang ay hindi mo na ako kayang mahalin. Kaso ang hirap pigilan ang aking nararamdaman para sayo. Lagi ka kasing nandyan, halos buong araw kitang nakakatext, sa gabi naman ay halos hindi na tayo matulog dahil sa haba ng paguusap natin sa cellphone. Kung hindi pa ako maggoodnight ay siguro hanggang bukas ay kausap kita.

Sa mga sweet words mong kahit ang korni ay kinikilig ako. Sa pagsandal ng ulo mo sa balikat ko noong lumabas tayo, sa pasimple mong pangiliti sa akin, sa simpleng pagalala mo sakin na dapat lagi akong maging thankful sa mga bagay bagay na dumadating sa buhay ko. Sa pagaalala mo sakin tuwing hindi pa ako nakauwe sa bahay. Sa tuwing sinasabi mong miss mo na ako.

Kaya naman itong puso ko hulog na hulog na sayo.

Sinubukan ko namang pigilan. Kasi alam kong sa una pa lang matatalo na ako. Matatalo ako dahil alam kong iba ang mahal mo. At sa tuwing naiisip ko na iyon ay nasasaktan na ako dahil alam kong one sided lang ito.

Pero bakit mo ako binibigyan ng rason para mas mahalin kita lalo? Bakit sa tuwing magsisimula na akong umiwas ay lalo kang lumalapit sa akin? Kaya naman hinayaan na kitang pumasok sa buhay ko. Pikit mata akong sumubok, pikit mata kitang minahal at pumayag na maging tayo kahit alam kong sa dulo ay masasaktan ako. Dahil mahal kita, sobra.

Handa akong masaktan makasama ka lang. Kaya kong tiisin iyon alang alang sayo. At alam kong dadating ang araw na mawawala ka sa buhay ko. At sa pagkakataong iyon nakahanda akong palayain ka.

Atleast, sa maikling panahon na naging akin ka naramdam ko kung paano mahalin ang isang tulad mo at naging parte ako sa buhay mo.

Kahit hindi man tayo hanggang sa huli.

Dear Diary,On viuen les histories. Descobreix ara