Ano Ba Ako Sayo?

93 3 0
                                    

Lauren's POV

Ano ba ako sayo ?

Yan ang tanong na laging nasa isip ko. Lalo na sa mga araw na nandyan ka lang sa tabi ko. Matutulog na ikaw yung katabi. Gigising dahil sa mga munti mong halik. Pagtapos non ay aalis at walang kasiguraduhan kung kaylan babalik.

Tanong na di ko maitanong sayo dahil natatakot ako sa magiging sagot mo.

"Uwi na ko." yan agad ang bungad mo pagkagising ko.

"Di ka na ba kakain? Aalis ka na agad?" patanong na sagot ko at itinakip ang kumot sa hubad na katawan ko. Pilit pinapatagal ang oras ng pananatili mo. Dahil alam ko sa sarili ko na matatagalan bago ka bumalik.

"Di na. Uuwi na ko." sagot mo habang isa isang pinupulot ang damit mo. Pinagmasdan na lang kita sa ginagawa mo. Unti unting naninikip ang dibdib ko. Pero ayokong ipakita sayo. Pilit na pinipigilang lumabas ang mga luhang nagbabadya ng tumulo.

"Aalis na ko." sabi mo. Hinalikan mo ko sa noo ko. Naramdaman ko ang kaisa isang luhang pumatak mula sa mata ko at palihim itong pinunasan.

"Kaylan ka babalik?" mahinang bulong ko pero sapat na para marinig mo.

"Hindi ko alam. Pero pangako babalik ako." sabi mo at agad na tumungo sa pinto.

Sa pagsara ng pinto. Ay ang pag alpas ng luhang kanina ko pang pilit na pinipigilan. Ang mga luhang dulot mo sa tuwing umaalis ka at ang pagbalik mo na naman ang aking inaasam.

"Ano ba ako sayo ?" tanong na tanging ako lang ang nakakarinig.

--

AN : hi&hello. So ito po ang kauna unahang short story na ginawa ko. Sorry for the wrong grammars . Please leave some comment , so I'll be able to have some improvements . Sana magustuhan nyo. Gomawo :*

Ano Ba Ako Sayo ?Where stories live. Discover now