Spoken Words

41 2 0
                                    

Spoken Words

Naaalala mo pa ba? Yung mga panahong tayo pang dalawa? Sinabi ko sayo na mahal kita. Pero anong sinabi mo? mahal mo sya? Akala ko mahal moko. Akala ko ako yung gusto mo. Akala ko lang pala. Ako nga pala yung taong iniwan mo sa gitna, Sa gitna na kung saang umaasa ako na ikaw yung makakasama ko. Dahan dahan ang pag bitaw mo, ramdam ko ang lambot ng iyong mga kamay. Mabuti nalang at hindi mo binigla. Buti nalang unti unti. Sa pa unti unti na yon natuto ako. Napaisip ako nagtaka at nag tanong. Anong meron sayo? Anong meron sayo at kahit nasasaktan na ako ay mahal parin kita? Mahal na mahal. Kahit dumating pa sa puntong ako nalang ako nakikipaglaban mahal kita. Ilang beses ko bang sasabihin na mahal kita. Kahit masakit na mahal kita. hinawakan kong muli ang iyong mga kamay at inilagay ko sa tapat ng aking dibdib . labdub labdub. Nararamdaman mo ba? Ikaw yung tinitibok nyan. Hindi ko alam kung bakit tinapik ko ang sarili ko. Tila nananaginip yata ako. Tama ba? Nananaginip ba ako? Bigla ko nalang naramdaman ang mainit at malambot mong mga labi. hindi ko alam bakit tila huminto ang pag inog ng mudo noong dumaan ka sa harap ko. Dumaan ka sa harap ko na parang hangin sa bilis. Katulad nalang din ng pag alis mo hindi ko namalayan na wala kana sa tabi ko. Bakit wala kana sa mga panahong kailangan kita.  pero hayaan nalang sanay na ako. Sanay na akong masaktan. Sanay na akong mag isa. Sanay na akong palaging mag isa. Habang nag lalakad ako at tinatanaw ang kawalan. Bakit ganon?inaalis na kita sa puso, Pero ikaw parin ang nasa isip ko. Pinipilit kong alisin ka sa puso't isipan ko. pero kahit anong pilit ko hindi ka mawala dito. Oo dito, dito sa tanga kong puso.  Nakikita kona, Kitang kita kona. Malapit na, konting oras nalang. Makakasama na kita, Nakakatuwang isipin na magsasama na ulit tayo. Hintayin moko ha? Malapit na ako.

SPOKEN WORDSDonde viven las historias. Descúbrelo ahora