Just to Insfire you! [Comercial Time]

32 8 5
                                    

Hi! Narito ako upang maibahagi ang isang maikling istorya ng buhay ko simula ng maging at bagong writer ako sa wattpad.

Grade 5 pa lang ako ng may mga iilang ideya ng pumapasok sa isipan ko.Kapag kasi nanonood ako ng isang pelikula o palabas ay pagkatapos nun,iniisip ko na ako yung isa sa mga tauhan don na para bang kabilang talaga ako nakakahalubilo nila ako.Well yeah right, just an imagination.

Eh sa sobrang likot ng isipan ko nun,di ko na alam kung ano ang pinag-iisip ko(in a good way,di po ako baliw or something) then naisipan kong unti-unting bumuo ng sarili kong palabas sa mismong aking isipan.Bawat pagmulat ng aking mata sa umaga,iniisip ko kung nasaang dako o kabanata na ako kagabi at ipagpapatuloy ko yon.

One time,I tried to tell my imagination to my classmate but I failed kasi di nya gets.Magulo daw kasi 'yong criteria (which is di ko pa gets non) so she suggest na isulat ko muna sa notebook bago ko ipabasa sa kanya.And so i did.

Hmm.Sa pagkakaalala ko ang una kong sinulat ay isang horror novel.Ewan,nasa bahay kasi ako non ng mag-isa and just try to scare myself kaya epic ang kinalabasan ng gawa ko dahil parang totoo at ang maganda don ay ramdam mo yung takot dahil nai-experience mo habang nagsusulat ka talaga (at yun ang isa sa mga strategy ko.EXPERIENCE) And good thing dahil hindi ako naihi sa pants ko non bago pa makauwi non si kuya.

Then after kong matapos ang isang notebook na yon(Yes,pinagpuyatan ko talaga).Kinabukasan binigay ko iyong notebook kay Angela na nag-suggest na ilagay ko sa sulatan para lang ma-gets nya.After nyang mabasa iyon nabwisit ako dahil pinagtawanan nya lang iyon.Kaloko ang loka!Ang pangit daw kasi ng ending!

Eh anong masama kung medyo naging comedy ang last part?!Ay jusko,kamuntikan ko na syang masapak non sa inis dahil ang loka ayaw huminto sa pagtawa.

And after a thousands years huminto naman sya at nagbigay ng payo.Sabi nya that time,kapag seryoso ang buong scenario dapat panindigan din daw iyon hanggang dulo.Ano na lang daw kung ipapabasa ko pa iyon sa ibang kaklase namin?Baka pagtawanin din daw nila ako gaya ng ginawa nya kaya tumango na lang ako kahit labag sa kalooban ko.

So,pagkatapos non.Sinubukan ko naman ang romance na novel.Inabot siguro ako ng 9 na notebooks noon (di ko na sure dahil naitapon na iyon) dahil nahirapan akong talaga.At ang mas nakakaloka pa kailangan ko pang ma-experience yung kilig (which is wala pa ko non so kailangan talaga) sa ka-school mate ko na lalaki (Oy gwapo pala yun! Shems!) Kaya first time kong kiligin non na halos maihi na ako.

And once again na natapos na ako.Natatandaan ko pa kung ano ang itsura ng Angela na iyon ng makita nya ang  notebooks na pinagsulatan ko! She's so priceless! Kaya kinuha nya at sinabing sa pag-uwi na lang daw nya babasahin.

Mga 2 days after nya ibalik sakin yong notebooks at hindi ko inaasahan na mag-iiba yong itsura ng dati kong kaklase.Lumaki yung eyebags nya at parang namumugto pa yung mata nya that time.Nagulat pa nga ako nun ng batukan nya ako at sigawan ng 'Bakit mo pinatay si ano!' (Sorry,di ko na maalala kung anong name ng character ko non e.

So pinagpatuloy ko ang pagsusulat sa notebook til grade 6 and yeah,napagsasabay ko iyon pati lectures sa school.

Grade 6 ng makilala ko ang Ebook na ni-recommend sa akin ng cousin ko.At first medyo na-cornihan ako kasi di pa ako nun sanay magbasa sa cellphone na mga tulad non pero may isa talagang istorya ang nagtulak sa akin na ipagpatuloy ang pagbabasa ng ebook.If I'm not mistaken,its MHIAMB and I know na alam nyo ang istoryang yan kahit given letters lang iyan by YanaJin! 5x ko na pala iyan nabasa kaya kabisado ko na ang lahat ng parte ng book 1 yung book 2 tatlong beses pa lang.

Tinanong ko yung cousin ko kung saan iyon nakukuha so sabi nya sa wattpad daw.Na-curious ko so I entered the world of Wattpad and damn! Napatanong ako sa sarili ko that timr kung bakit ngayon ko lang ito nalaman!

Kinabaliwan ko talaga ang wattpad at halos nakababad lang ako sa pagbabasa ng buong summer.At sa sobrang hanga ko sa mga authors non,na inspire ako at dito na ipagpatuloy at ibahagi ang aking mga nasa isipan.Nahirapan ako nung una dahil Jeje pa ko mag-type non sa computer kaya di pa ganon kagaling.The first story I wrote here in Wattpad is I Met A Magnetic Eyes Girl (Corny title it is?) Its a story of a girl na cold super and she's been so called MEG kaya binigyan na lang ng meaning.

Nagulat nga ako dahil umabot iyon ng 2+k na reads and 600+ votes.Hindi ko talaga iyon inaasahan.Bukod sa pagka-jeje ko non magulo pa ang plot non kaya unexpected talaga.

Sinubukan ko munang i-refresh ang pagka-jeje ko at tumino so I focused on Kpop kaya hiatus ako non hanggang sa malulong ako at naisipang i-delete na lang iyon.Naisip ko kasing gumawa ng bagong story na okay na ang lahat at hindi na maguguluhan ang readers.

At dun na nagpatuloy ang mga sunod-sunod na istoryang napa-publish ko rito sa wattpad.

And I just share this to inspire you and seek for more.Hindi mo kailangang mag-focus sa isang bagay at ipagsawalang bahala ang nasa loob ng iyong isipan.Sabi nga nila,try and try until you suceed.Hindi dahilan ang kawalan ng pag-asa at kung ano ang nakasanayan mo. Try to change it and do something new.



For all authors,wattpad is now part of our life. So don't feel shy and share what's on your mind. Trust me,you'll be thankful someday.

Your secret admin but cute,
YM (try to find me xD)

WPFamily_101 [One-Shot Contest!]Onde histórias criam vida. Descubra agora