Kabanata 13

71.5K 1.2K 11
                                    

"..Hindi ko naman kasi alam na ganun ang gagawin ng babaeng yun. Nasaktan ka ba?"

Wow. Ang bait niya. Nakakatuwa sya. Mukha syang friendly. Tumawa ako ng mahina. Nakakawalang poise naman kung hahagalpak ako ng tawa di ba?

"Ha? Naku, hindi naman. Nabasa lang itong damit ko. Ako nga tong dapat humingi ng dispensa dahil saken muntik ng masira ang birthday mo. Sya nga pala, happy birthday Xenon! Ako si Christina. Pasensya ka na wala akong gift sa'yo ha? Di ko naman kasi alam."

Tumawa ito."Yus lang. Sige, mauna na ako. Ikinagagalak kitang makilala Christina, enjoy the rest of the night. Sige Kuya.."

"Happy birthday ulit. At ah! Sorry ulit sa kanina."

Tumango lang ito sa akin saka na bumaba sa hagdan. Mukhang head turner rin ang isang yon. Kitang-kita ko ang pagbaling ng ulo ng mga babae sa bawat pagdaan nila.

Mukhang tama nga si Tiya Linda. Maraming kababaihan ang humahanga at maghahabol sa mga magkakapatid. Pero teka, kung kapatid iyon ni Heros, posible na magdudugo ang ilong ko sa mga nagsisigwapuhang kapatid niya. Dalawa palang ang nakita ko may apat pa.

"Christina let's go."

Naramdaman ko ang paghigit niya sa kamay ko at muli syang nagpatuloy sa paglalakad. Ngayong kami na lang ulit. Parang nakaramdam ako ng kaba. Naalala ko nanaman yung ginawa niya kanina dun sa babae. Baka saktan din niya ako.

"Get off me Rude Peñafranco! You shitness!"

"Get back here Maxene or I'll rape you!"

Napatigil kami sa paglalakad. Sumunod ang tingin ko sa magandang babae, sexy na halos malukot na ang mukha sa sobrang inis ata pero maganda pa rin na lumagpas sa amin.

"Rude," tawag ni Heros. Nalaglag ang panga ko sa nakita. Ang gwapo ng kaharap namin. Medyo may hawig sya kay Heros. Pero mas gwapo pa rin si Heros.

Etong si Rude, maangas ang dating. Ala Robin Padilla ang angas pero mas gwapo pa kay Robin Padilla. What I mean is yung angas lang ang nakuha.

"Kuya Heros.." bati nito na mukhang may inis pero nawala rin nang makaharap ang kuya niya. Teka, kuya? Ibig sabihin kapatid rin ito ni Heros?

"Do you have extra dress in your room?"

Nahigit ko ang hininga ko. Don't tell me this greek god handsome guy is a hemaprodite? Oh no sayang ang hotness at ang mukha. Saka, bakit niya sasabihing rereypin daw niya yung Maxene kung bakla ito? Di kaya namali lang ako ng dinig?

"I don't know. Just check my closet. Baka may naiwan duon si Max."

Napatingin sa akin yung Rude. Unlike nung nauna na friendly ang approach sa akin. Eto, mukhang naninipat. Tapos bigla syang nagsmirk.

"Heres the key kuya. I'll just find that chesire cat." inabot nito ang susi. Pero bago pa ito makalayo ay tinignan muna ako nito saka ngumisi.

Okay? What was that? Muli kong naramdaman ang mga paa kong naglalakad at hawak pa rin ni Heros ang kamay ko. Hanggang sa huminto kami sa isang kwarto. Wala ng katao-tao sa hallway na dinaanan namin. Nakita kong ginamit niya ang susing binigay nung Rude sa kanya at hawak pa rin ang kamay kong pumasok sya sa loob ng kwarto pagkabukas ng pinto.

"Stay there I'll get a dress." iniwanan niya ako sa malawak na sala ata yun at pumasok sya sa isang kwarto. Nilibot ko ang paningin ko. Ang linis at ang ganda. Parang kasing laki na ito ng bahay ni Tiya. Napakalaki.

"Here. Magpalit ka ng damit."

Napatingin ako kay Heros na nakatayo sa gilid ko. Tinignan ko yung magandang damit. Actually, it's a dress. Above the knee. Kulay pink at may belt na manipis. Sleeveless. Simple but elegant. Teka san niya yan nakuha?

"A-ah, nakakahiya. Baka magalit sa akin yung may-ari niyan." nahihiyang sabi ko pero sa totoo lang gustong gusto kong isukat yun!

Tumaas ang isang kilay niya at nangislap ang mga mata. Naririnig ko nanaman ang mabilis na pintig ng puso ko. Napakagwapo niya ngayon. Totoo. Kung nung unang nagkita kami eh nagwapuhan kagad ako sa kanya, ngayon naman ay natatameme na lang ako at umuurong ang dila. Wala akong masabi. Hindi ako sanay na ganyan sya. Parang ibang tao. Nag-iwas ako ng tingin.

"I didn't know may hiya ka pa pala."

Kumunot ang noo ko nang marinig ang mahina niyang pagtawa. Muli akong napatingin sa kanya at nakita kong umiiling sya habang kinakagat ang labi.

"Ansabe mo? Talaga namang may hiya ako noh? Anong akala mo saken makapal ang mukha? Akin na nga yan!" hinablot ko yung dress sa kamay niya at naglakad. "San ang banyo dito?"

"Left side then go straight."

What a nice direction. Nakakahilo naman. Ang laki kasi ng kwarto na 'to parang isang malaking bahay. May sariling sala, kusina, kwarto at cr.

Grabe ngayon lang ako nakakita ng kwarto na parang bahay. Pagpasok ko sa cr. Nalaglag ang panga ko. Ang linis at ang bango. Kumpleto lahat ng kagamitang pambanyo. Ang yaman nga nila-noh! Sobrang yaman nila. Nakakalula. Parang ang hirap naman kung yung babaeng mapapangasawa nila ay mahirap na tao lang o ordinaryo. Kawawa yun. Mahuhusgahan.Tinignan ko ang sarili ko sa salamin pagkatapos kong magbihis.

Peñafranco Brothers #1: Heros (UNEDITED)Where stories live. Discover now