The 8th Element
TaurusDindo
Main Characters
Blake – Taglay ang kapangyarihan ng Elemento ng Hangin. Kalahating Elf at Tao. Lumaki sa mundo ng mga tao at lingid sa kanyang kaalaman ang lihim ng kanyang tunay na pagkatao at taglay na kapangyarihan. Sa kanyang pagtuklas sa kanyang tunay na sarili, makakaya kaya niyang tanggapin ito ng buong-buo? O itatakwil niya ang kanyang pinagmulan para sa sariling katahimikan?
Morisson – Taglay ang kapangyarihan ng Elemento ng Tubig. Isang purong Maharlikang Sireno. Sa pagpili niya sa kanyang sariling tadhana, matatanggap ba niya ang nangyari sa kanyang nakaraan, o magiging sanhi ito upang lamunin siya ng nais niyang paghihigante sa kanyang mga kalahi at kaharian?
Zeke – Taglay ang kapangyarihan ng Elemento ng Lupa. Isang Bampira na naghahangad na mabuhay ng kagaya ng isang mortal. Sa paglalakbay niya sa mundo ng mga tao at pakikisalamuha sa mga ito, makakamit kaya niya ang kanyang matagal ng minimithi? O tutugunan pa rin niya ang tawag ng kanyang pagkatao bilang isang nilalang na kumakain ng tao at umiinom ng dugo ng mga tao?
Drix – Taglay ang kapangyarihan ng Elemento ng Apoy. Isang Prinsipe ng mga Dragona na itinakwil ng sariling mga kalahi dahil sa nakakasirang kapangyarihan nito. Sa kanyang paghahanap ng mga nilalang na matatanggap siya sa kanyang tunay na pagkatao, makakaya kaya niyang kontrolin ang taglay na lakas ng kanyang kapangyarihan? O magiging sanhi ito upang mawala ang mga nilalang na nais niyang pakisamahan?
Sky – Taglay ang kapangyarihan ng Liwanag o Araw. Isang ganap na Wizard. Sa kanyang pag-aasam na mahanap ang kanyang kakambal, malalaman din niya na siya ay isa sa mga itinakda na tagpagligtas ng mundo. Makakaya kaya niyang unahin ang kapakanan ng mundo? O ang kapakanan ng kanyang mahal na kakambal?
Ramier – Taglay ang kapangyarihan ng Dilim o Buwan. Isang ganap na Black Magician at kakambal ni Sky. Matagal na niyang batid ang kanyang kapalaran. Ngunit sa pagdating nito, kaya ba niya itong harapin? O kanya nalang tatalikuran?
Aldin – Taglay ang kapangyarihan ng Oras at Espasyo. Isang Imortal na maituturing dahil sa haba ng kanyang buhay. Siya ang magiging tulay upang magkatagpo-tagpo ang mga itinakda sapagkat ito ang kanyang misyon. Makakaya kaya niya ang bigat ng responsibilad na kanyang dinadala? O siya rin ang magiging sanhi sa pagkakawatak-watak ng mga itinakda ng tadhana?
Alamin ang magiging kwento ng bawat isa at ang kung ano ang kanilang pipiliing desisyon. Sila nga ba ang magliligtas sa mundo? O sila rin ang wawasak nito?
Abangan. . .
-
The 8th Element
TaurusDindo*
YOU ARE READING
The 8th Element (BoyXBoy)
FantasySinasabing ang mundo ay isang nakapa'espeyal na lugar sa kadahilanang ito lamang ang natatanging lugar na kinahuhumalingang tirahan ng iba't-ibang nilalang. Mga nilalang na may kanya-kanyang prinsipyo, mula sa iba't-ibang pinagmulan ng iba-ibang dug...
