Chapter 18

147 3 2
                                    

Gabrielle finished thanking the other photographers bago nagpaalam. Kanina pa kasi siya pinipilit ni Cass na magpahinga na. May kasunduan ito kay Lea na magiging guest siya sa wedding reception at hindi na magtatrabaho.

Ayaw din magpatalo ni Cass kaya wala siyang nagawa kundi ang sumabay na rin dito papunta sa venue. The lady was urging her to change her clothes. Kasama niya kasi ito ng bumili siya ng susuoting dress kaya nangungulit ngayon.

Gabrielle was only wearing a formal dress in the wedding to distinguish that they are photographers. Dinala na lamang niya ang damit at sapatos na susuotin sa reception. At tama nga ang kanyang hinala dahil pagkarating nila doon ay hinila siya agad ng kasama papuntang ladies rest room.

"Change your clothes! I can't wait! Aayusan pa kita ha," Cass excitedly said bago siya pumasok sa loob. Gabrielle just followed her. Palihim pa siyang napairap dahil mas excited itong makapagpalit siya kaysa sa kanya.

She's now wearing a white fit and flare dress. Hanggang tuhod niya ang haba nito that somehow made her comfortable. Then she wore her black pumps. Nang makapagbihis ay inayusan siya agad ni Cass. Nilugay nito ang kanyang buhok and applied a small amount of makeup.

"Perfect! Lalo kang gumanda!" sabi sa kanya ni Cass and Gabie can't hide her smile. Madalas itong mag-compliment pero pakiramdam niya ang ganda nga ng pagkakaayos sa kanya nito. Simple but not too plain.

"Tara na! Dapat makita ka niya ngayon!"

That made Gabie confused. Nagtaka ito kung sino ang tinutukoy ng kasama. May naghihintay ba sa kanila?

Madami na ang nandito sa lugar kaya nagpalinga-linga si Cass. Nagtataka pa rin si Gabie kung sino ang hinahanap nito. Pero nahila na naman siya ng babae at nakarating sila sa isang lamesa na nasa gitna.

"Hey Zion!" pagtawag ni Cass sa kaibigan.

Right. Bubuntot na naman siya kay Zion.

Pero biglang kinabahan si Gabrielle nang makita niya ang lalaki na nakatalikod sa kanilang direksyon. Naalala niya ang mga nangyari kanina. Hindi nito narinig si Cass. Lumapit na lamang sila sa binata.

"Zion!" This time, the guy looked at her. Kumunot pa ang noo nito sa biglaang pagsigaw ni Cass sa kanya. But the latter laughed sheepishly then she grabbed her arms.

"What is it now?" tanong ng binata but what they didn't expect is when Cass pulled her closer at iniharap kay Zion.

"Tada! Meet Gabrielle Sandoval!" sabi nito na parang nagpapakilala.

The guy looked--no, he stared at her. Tumingin ito sa kanya mula ulo hanggang paa like he's inspecting her whole. But what made it more awkward is when Zion kept silent for awhile.

What does his silence means?!

Nakayuko na talaga si Gabie at nahihiyang tumingin dito. She heard Cass cleared her throat that stopped Zion from staring.

"Gabrielle looks beautiful, right?" The lady asked, nudging him at his side.

Pakiramdam ni Gabie ay nag-iinit ang kanyang mukha dahil sa mga sinasabi nito. Hindi siya sanay na pinupuri siya ng iba. Mas sanay ang dalaga na sarili niya ang nagpapataas ng kanyang confidence.

"Yes," surprised, Gabie looked at Zion because of what he said. They met each other's gazes.

"She's beautiful"

She can feel her cheeks flashed red. Nagharumantado naman ang kanyang puso at biglang naaligaga. Hindi na talaga niyang magawang tumingin dito.

Kanina ay ilang beses itong ngumiti sa kanya. Ngayon naman ay bigla itong magsasabi ng ganoon. Kakaiba na talaga ang kinikilos ng binata. Pero palihim na napapangiti si Gabrielle dahil kay Zion. Lalo itong naging gwapo sa paningin niya dahil sa inaasta nito ngayon.

Let Me BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon