ALICE IN CHRISTMASLAND

14 1 0
                                    

I entered this in Book and Pen Enthusiast one-shot writing contest. I chose the above title among given choices on the mechanics and this entry landed on 11th place only.


Napapitlag si Bern nang magising. Naliligo sa malalagkit na pawis ang buong mukha niya. At mabibilis ang pagkukuha niya ng hininga. Ang mga puyat niyang mata ay halos humulwa na rin. Bumalik lang siya sa kaniyang diwa nang mapansin siya ng katrabaho at tinanong kung ayos lang siya.

Tumango naman siya. Walang kabuhay-buhay at agad na hinilamos ang kamay sa mukha patungo sa mga buhok. Ilang beses na niyang napapanaginipan ang kapatid ngunit ngayon lang yata niya nakuha ang huling parte ng panaginip na 'yon.

Tulong. Pinaulit-ulit niya iyon sa isip hanggang mamasa na naman ang mga mata. Tumingala siya para hindi ito bumagsak. Doon naman niya nakita ang dekorasyon ng opisina. Mga Christmas lights at ilang palamuti. Magpapasko na naman pala. Magdadalawang taon na rin nawawala ang kapatid.

Ipinikit at iminulat niya ang mga mata pagkatapos ay tumayo siya. Lumabas siya ng opisina dala-dala ang ilang kopya ng papel na may mukha ng kapatid.

Huminto siya sa maraming naglalakad na tao saka siya nagbigay ng papel sa bawat dumadaan.

"Sir, baka ho kilala niyo ang kapatid ko. Nawawala po siya. Mga dalawa—" Hindi pa siya natatapos sa pagpapaliwanag sa pinakiusapan niyang mama ay iniwan na siya nito.

Nagbasakali pa siyang makipag-usap sa isa sa mga binibigyan niya ngunit tumatanggi lang. Nakita niya pang itinapon no'ng isa ang papel na kakabigay niya lang. Napatiim-bagang siya at pinulot na lang ito ulit. Luminga-linga siya. Hindi nga sila siguro interesado hangga't hindi nila alam kung gaanu kasakit mawalan ng nag-iisang kapatid at pamilya. Wala silang pakialam dahil may mas pakialam sila sa nalalapit na pasko.

Isipin lamang iyon ay naiinis siya. Ni minsan ay hindi siya natutuwa sa pagdating ng pasko. Bakit pa? Wala naman siyang dahilan pa para magsaya. Dahil mas naaalala lang niya ang kawawang kapatid. Ilang minuto pa siyang nangulit hanggang naramdaman na lang niya na may humihila sa suot niyang uniporme.

No'ng una hindi niya ito inintindi ngunit no'ng magsalita ito ay napatigil siya.

"Ate... Ate..."

Hindi niya alam pero sa pandinig niya'y katulad iyon ng boses ni Arch sa kaniyang panaginip. Gano'n na gano'n ang timbre ng pagtawag sa kaniya. Hindi inaasahan ang pagguhit ng ngiti sa labi niya habang papalingon siya sa tumatawag ngunit mabilis iyon nawala nang makitang matanda itong nakatalukbong at marumi.

"Bi-Bitawan mo nga ako!" Nanlaki ang mga mata niya sa inasal. Hindi niya iyon sinasadya na mabulyawan ng inis ang taong kalye.

"Ano ba kasi ang kailangan mo? Hindi mo ba nakikita? May mahalaga akong ginagawa kaya puwede ba—"

"Hihingi lang sana ako ng kunting aginaldo."

Naningkit ang mga mata ni Bern. "Aginaldo? Humihingi ka ng aginaldo sa 'kin? Bakit? Kapag ako ba humingi rin sa 'yo o sa iba, magbibigay din kaya sila? Pag binigyan ba kita, maibabalik mo ba ang kapatid ko? Hindi naman 'di ba? Dahil—" Pumikit na siya ng mata sapagkat ramdam na naman niya ang pagtubig nito. Tumingala siya at suminghot. Idiniin niya ang mga labi bago kumuha sa bulsa ng pera at nagsalita. "Pa-Pasensya na. Ito... Kunin mo."

Hinintay niya na kunin iyon ng matanda ngunit nakita niyang umiling ito. "Ang sinasabi ko ay iba sa pagkakahulugan ng mga tao. Ang atensyon at presenya mo ay maituturing na ring aginaldo. At sa bawat pagtulong ay may karampatang sukling ibabalik ito."

Sumalubong lalo ang mga kilay ni Bern sa sinabi ng matanda at ikinagulat niya nang kunin nito ang kamay niya at ibinigay ang isang snow globe. Napokus ang atensyon niya sa bagay na iyon nang maisip muli ang matanda ay hindi na niya ito mahagilap.

Rhapsody in LettersWhere stories live. Discover now