Unforgettable Experience

1.4K 5 26
                                    


Hindi makalimutang karanasan ba kamo?

Marami...

Dito, doon at diyan.

Masakit?

Marami...

Sa kaliwa, kanan, harapan at sa likod.

Hindi ninyo ako sineseryoso?

Pwes, huhugot ako para sa inyo.

Marami akong karanasan sa buhay na puno ng masakit na mga pangyayari at gusto 'kong ibahagi sa inyo ngunit isa lamang ang aking ikwekwento at gusto 'kong pagpulutan ninyo ito ng aral.

Sa katunayan ay hindi naman ako laking kapal ang mukha dahil sa ganda at madaldal na bata sa simula pa lamang. Isa akong napakatahimik, mahiyain, may sariling mundo, at palaging nag-iisang bata dahil nga unica hija ako ng aking mga magulang.

Laking Cordilleran dito sa Benguet. Ako ang pinakamalaking bata sa elementarya na babae. Malaki, matangkad at mataba. Kaya nga parati akong naaapi dahil lamang sa aking pangangatawan.

Kadahilanang mababa ang pagpapahalaga ko sa aking sarili at sumusunod sa mga kagustuhan ng mga taong nasa paligid ko. Hindi nagdedesisyon para sa sariling kapakanan, gustong gawin lahat para lamang mapasaya ang mga taong nasa paligid at masyado'ng mapagbigay kahit na ako na ang palaging nawawalan.

Ginawa ko lahat ng mga iyon dahil sa aking pagkaka-alam ay iyon lamang ang makakapagpabigay sa akin ng kasiguraduhan na sila ang aking tunay na kaibigan. Ngunit nagkamali ako dahil sa huli ay kulang ang aking mga ginawa upang maramdaman na talagang isa ako sa itinuturing nilang kaibigan.

Alam 'kong masakit dahil nga ginawa ko naman ang lahat upang mapatunayan 'kong hindi lang kamag-aral ang turingan nila sa akin kundi kaibigan din. Simula noong elementarya hanggang secondarya ay ganyan ang naging takbo ng aking 'layuning pangkaibigan'.

Nagsimula sa lahat nang lumipat ng pinag-uupahang bahay ang nag-iisa 'kong kababatang kaibigan, tuluyan nang nagkalayo ang aming pagkakakilanlan sa isa't-isa. Ang tanging taong kilala ako at tumulong sa pagpuno ng kulay at saya sa aking napakatamlay na buhay. Mas lalong nagkaroon siya ng marami at totoong kaibigan kahit wala ako sa tabi niya dahil sa kanyang masayahing pag-uugali na mismong humila sa akin noong musmos pa kami.

Ako lamang ang hindi nagbago. Ang hindi humakbang ng isang baitang patungo sa pagbabago ng aking buhay nang nagtapos ako ng elementerya. Itinuloy ko ang pagkakamaling iyon at siya namang dahilan upang mahulog ako sa sarili ko'ng hukay.

Naging mas masakit at mas tumagal ang mga segundong iyon sa kalbaryong tinahak ko. Mas lalong naramdaman ko ang kirot at dumoble ang bigat ng aking damdamin. Parang impyernong paulit-ulit 'kong dinaranas ang mga iyon sa kawalan ng masasandalang balikat ng isang tunay na kaibigan. Na walang mapagsasabihan sa aking mga problema kahit na napakadaming tao dito sa mundo.

Mas lalong ramdam ko na nag-iisa lang ako sa buhay, na walang nandiyan para sa akin, na walang may gustong makipag-kaibigan sa akin. Maraming katanungang bumungad sa isipan ko at sinabi ko sa Diyos na..."mas maganda sanang kinuha mo na lang ako noon. Na hindi mo na ako binuhay pa muli."

Ang Diyos pa mismo ang pinag-tuunan ko ng galit ano? Ngunit hindi ko rin namang ipag-kait na nagkamali ako dahil talagang nararamdaman ko na iba ang dahilan nila sa pag-alok sa akin ng kanilang kalinga bilang 'kaibigan'.

Awa, iyon lamang ang aking nararamdaman sa pekeng pagkakaibigan ng aking mga kamag-aral. Bakit? Siguro sa hindi ko pagsama sa kanila tuwing gagala sila pagkatapos ng klase. Siguro yung hindi ko pagsabay sa kanilang iniidolong mga K-POP na grupo. O sa mga drama sa telebisyon o kinagigiliwang mga artista. Siguro iyon nga ang mga dahilan nila.

Ngunit wala namang masama roon hindi ba? Tao din naman ako tulad nila. Babae rin naman, ngunit iba nga lang ang gusto. Hindi naman ako alien para hindi nila ako magustuhan at dahil doon ay nagtangka ako'ng magpakamatay.

Oo, talagang iyon lang ang naisip 'kong paraan upang tapusin na ang paghihirap sa buhay ko. Ngunit hindi ko rin lang naman nagawa dahil sa takot, kaya ang ginawa ko na lamang ay mas lalo ko pang pinahirapan ang aking sarili sa pamamagitan ng pag-pinsala ng aking katawan.

Iyon lamang ang makakapag-bigay sa akin ng kompiyansang makakaya ko ang lahat at iyon din ang nagbibigay ng pamamanhid sa nararamdamang sakit. Ngunit sa pamamagitan naman ng ganoong paraan ay hindi rin nakatulong sa pag-hilom ng aki'ng mga sugat.

Mas lalo lamang lumalim ito't napunta sa wala ang ginagawang pagpipinsala sa sariling katawan. Lalong naging walang kwenta ang pakiramdam ko, na wala akong halaga sa mata ng iba pati na rin sa sarili. At sa apat na taong pamamalagi ko sa secondarya ay kinaya ko ang sakit ng kawalan ng totoong kaibigan. Sa apat na taong iyon ay mag-isa 'kong binuhat lahat ng pasakit at masasakit na pangyayari sa aking buhay.

Sa apat na taong iyon ay inimda ko na lamang ang lahat at nagmaskara ng isang pekeng ngiti. Pineke ko na lamang ang isang masayahing batang babae na walang pake kung siya man ay nag-iisa sa group o seatwork. Na naging manhid at hindi pinake-alam kung maaapi siya o hindi papansinin ng mga tao. Na binale-wala lahat ang mga masasakit na ginagawa ng mga taong nasa paligid niya. Na wala siyang maka-usap sa loob ng silid-aralan.

Magsimula muli, iyon ang gusto 'kong ipag-sabi sa inyo bilang aral ng aking buhay.

Na sana'y matuto tayong magsimula muli sa lahat ng ating pagkakamali. Na magkaroon tayo ng lakas upang tumahak ng isang hakbang patungo sa pagbabago ng ating buhay. Hindi mo malalaman ang magiging resulta kung hindi ka tatahak kahit na maliit na hakbang lamang. Ang isang tahak na iyong ini-hakbang ay magkakaroon ng napakalaking halaga dahil hinangad mong magbago sa halip na tumigil na lang sa sulok at magmukmok.

Lahat tayo ay may pagkukulang.

Ang mahalaga ay matukoy natin kung ano man ito at gagawin ang lahat upang baguhin natin ang ating sarili upang mas gumanda ang ating buhay dahil hindi naman tayo perpektong tao. Hindi tayo alien sa ating sariling mundo dahil walang perpekto.

At wala ring magpakailanman na buhay dito sa mundo dahil hindi tayo tulad ni dead pool. Ang buhay ay parang bula na mawawala sa isang iglap. Hindi mo mapapansin na sinayang mo lang ang pagkakataong magbago sa panahong hindi mo mamamalayan na wala nang natitirang oras.

Pahalagahan natin ang ating mga desisyon dahil ito ang mismong magpapabago sa ating sarili patungo sa kung saan tayo hahantong sa takbo ng ati'ng sariling buhay. Kung pinahahalagahan mo ang iyong desisyon para sa sarili ay ipinapakita mong mahal mo ang iyong sarili. Walang ibang taong magmamahal at tatanggap sa iyo sa una pa lamang kundi ikaw mismo. Tulad sa coke, sprite at royal.

Nagmamahal, ang napakagandang mataba sa mundo ng Wattpad.

D.

Unforgettable Experience✔(Maikling Kwento)Where stories live. Discover now