Simula

73 7 1
                                    

Lambana?

Diyosa?

Diyos?

Diwata?

Duwende?

Lobo?

Bampira?

Mangkukulam?

Pangalanan niyo na lahat ng mga nilalang na umaaligid sa mundo kasama ang mga tao, mga nilalang na namumuhay kasama ng mga tao sa halos ilang siglo. Kahit na ilang ulit mo pa siyang pagsabihan at kwentuhan tungkol sa mga nilalang na ito ay hindi mo siya mapapaniwalang may mga nilalang na kagaya nila.

Sa lahat ng mga tao sa kanilang lugar ay siya lang ang tanging may lakas ng loob para sabihin na hindi totoo ang lahat ng mga nilalang na iyon. Na gawa-gawa lamang ang mga ito ng mga tao upang takutin ang mga batang ayaw sumunod sa mga magulang nila.

Pero paano na lang kung dumating ang isang araw na malaman niyang isa siya sa kanila?

Na ang mga nilalang na pinaniniwalaan niya na  imahinasyon lamang at gawa-gawa lamang ng mga tao ay ninuno niya pala? Na matagal na pa lang nagmamatyag sa kanya at wala siyang kaalam-alam at may balak na kunin siya? Maniniwala ba siya at sasama sa kanila? O sasabihin niya na lang sa sarili niya na ang lahat ng ito ay panaginip lamang?

HALF BLOOD.
ALL RIGHTS RESERVED.
©BLACKMARIPOSA_
JANUARY 2017.

Half BloodWhere stories live. Discover now