Treinta y Nueve

18.7K 277 26
                                    

Hirap si Sophia na buksan ang mga mata dahil sa sobrang pamamaga. She's been crying nonstop. Simula nang iuwi siya ni Kiah noong isang gabi ay hindi na siya tumigil kakaiyak. Nagsawa na lang yata ang lachrymal glands niya sa kaya wala nang luhang lumalabas sa mga mata niya.

"Anak?" she heard her Dad's voice. Hindi siya kumibo o lumingon sa gawi ng ama. "Tinawagan ko na sina Mama. Ayos na sa kanila lahat."

She's too tired to talk or to even nod so she didn't do nor say anything.

Narinig niya ang pagsarado ng pinto. Next thing she heard is the footsteps and the dipping of the bed.

"Sigurado ka na ba sa gagawin mo, anak?" tanong ng ama habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang kamay.

Tumango siya.

"I don't approve of what you are about to do pero kung ito ang makakatulong sa'yo, anak, I'll accept it."

Alam niya na masakit para sa ama ang gagawin niya pero kailangan niyang gawin ito. Kapag nanatili pa siya sa Manila ay baka hindi niya na mapigilan ang sarili at baka makagawa siya ng masama.

"I'm sorry, Pa," ang tanging nasagot niya.

"Wala kang kasalanan, anak, kaya huwag kang humingi ng tawad. Kung may kasalanan mang may kasalanan..." her father trailed off.

Hindi na nito itinuloy ang sasabihin. Napapikit siya ng mariin dahil alam niya kung anong gustong sabihin ng ama.

"I'll go ahead, anak. Dadaan lang muna ako sa opisina saglit. Will you be fine here?"

She bit her lip. Kailangan niyang pumunta sa bahay ni Claude para kunin ang ilang mga gamit at papeles na naiwan doon. Hindi niya rin pwedeng ipasabukas ang mga iyon dahil bukas na ang alis niya.

"May pupuntahan lang po ako, Pa," sabi niya sa ama at dahan-dahang bumangon.

Nangunot ang noo ni Manuel. "Saan? Sasamahan na kita."

Umiling si Sophia. "I can do it, Pa. Iilang papeles lang po tapos magpapasama na lang po ako kay Pauline o Vivian."

Tumango ang ama at nagpaalam na kay Sophia. Hinintay niyang makaalis ang sasakyan ng ama bago siya bumangon para maligo at magbihis.

She used Pau and Vivian's name as an excuse kahit na ang totoo ay wala siyang balak isama ang mga ito. Kapag nakita ng mga kaibigan niya si Angeline sa bahay ni Claude ay alam niyang dadanak ang dugo.

She prepared for the worst. Alam niyang hindi madali ang makita ulit si Angeline but she needs to face her fears. Besides... it'll be the last time she'll ever face the bitch.

She opted to dress something comfortable before picking up the keys. Good thing her brother let her borrow the car kahit hanggang bukas lang. Kapag nakapag-ipon-ipon na siya, saka na siya bibili ng sariling kotse.

She drove to Claude's house. Hindi niya na sinabihan si Yaya Turdy na pupunta siya ng bahay. Hindi rin naman siya magtatagal dahil ayaw niyang makita si Angeline o si Claude.

Dahil kilala naman siya ng guards sa village ay pinapasok si Sophia sa loob. She parked the car in front of Claude's driveway bago lumabas ng kotse.

Gulat si Gabriel na nakatingin sa kanya habang nagdidilig ng halaman. Kamuntikan pa nitong matamaan siya ng tubig.

"Ate!" tawag ng binata sa kanya. Lumapit pa ito at niyakap siya. "Grabe ilang linggo rin kitang 'di nakita! Kamusta na?"

Magsasalita na sana siya ng makitang naglalakad si Angeline sa may front lawn ni Claude suot-suot ang two-piece nito at slip on. Medyo kita na ang baby bump nito pero parang walang pakealam kung may ibang makakita sa katawan niya.

Life After MarriageWhere stories live. Discover now