Chapter 12

188K 5.5K 513
                                    

⋅•⋅⊰∙∘☽༓☾∘∙⊱⋅•⋅

'Tanaka Rules'


"Bakit wala tayong alam sa bagong mob?" tanong ni Demo at tiningnan si Stone na nakaupo sa gilid ng sofa sa Silver Manor.

"Kasi akala natin walang kayang gumawa ng bagong mob sa Japan. After all, Japan's requirements to get a new mob is more difficult than the other countries that the Twilight Society is connected with," Stone said.

"So, kung kinaya ni Saph na gumawa ng bagong mob sa Japan, ibig sabihin ba no'n ay mas malakas pa siya kay Zero?" tanong ni Kiel.

"Obvious ba? Sa level test nga nila 9.5 'yong may Saph habang almost twenty seconds naman 'yong kay Zero," sabi ni Zack.

"I mean, with the body enhancement, pretty sure she's stronger than a normal person," sabi ni Demo.

"I hate it." Tumingin sila kay Stone dahil sa sinabi nito. Nakatingin ito sa kawalan at humuhugot ng malalim na hininga. "I hate it when she fights. When she bleeds," dagdag niya.

"Pare, mukhang iba na 'yan. Akala ko ba kay Nyx ka may crush," natatawang sabi ni Zack pero tiningnan siya ng masama ni Stone.

"If you care for a girl's well-being, ibig-sabihin agad in love ka na? I care for my sister's well-being too. It's like that. She's a girl and yet she fights too much."

Seryoso si Stone habang nagsasalita dahilan para magkatinginan 'yong tatlo tsaka binalik ang tingin kay stone. Halata sa mukha nito sa seryoso ito sa mga sinasabi niya.

"We just became friends and just a few minutes ago, she looked like a different person. It's like she has bloodlust in her. 'Yong ngiti niya kanina parang... parang Tanaka," Stone expressed how he felt earlier when he saw her smile in the most intimidating way.

"Well, for one, she is a Tanaka," sabi ni Demo.

"What am I going to do with her?" tanong ni Stone at sinapo ang mukha. Umayos na upo si Zack dahil nakita niya na seryosong nag-aalala si Stone kay Saph. He sensed that it was not in a romantic way, but in a way that he does care about her and he's not afraid to show it.

"Ganyan ba ang epekto ng unang nakahawak sa buhok mo?" pabirong sabi ni Demo at naaalala niya ang mukha ni Stone noon nang mahawakan ni Saph ang buhok nito. Hindi sumagot si Stone at nanatili itong nakatunganga.

"She's like a gem. What should we do with gems? We protect it, right?" Stone asked and lifted his palm as if he was looking at an imaginary gem.

"Well, she is a gem. Sapphire pangalan niya," Natawa si Zack sa sarili niyang mga salita kaya tinapunan siya ng unan ni Stone.

"Ang cute 'no?" tanong ni Kiel dahilan para tingnan siya ng tatlo.

"Stone ka tapos gem siya. Gemstone."

Tumawa sina Zack sa sinabi ni Kiel at pati si Stone ay natawa na rin. Nakita pa ni Demo na pumula ang pisngi nito pero hindi na lang siya nagsalita pa tungkol rito.

"On a serious note, 'wag na natin pakialaman ang gustong gawin ni Saph. Let's leave her be. We'll just help her if she asks for one. She's a Tanaka. She can handle herself well," Demo noted.


✥✥


"Ate! Nakita ko 'yong laban mo sa arena!"

Sumisigaw si Kyo mula sa kabilang linya habang nakatingin si Saph sa kanya. Nasa kusina ito at nakaharap sa tablet. Nakita niyang sumingit si Zyd sa video call nila. "Hoy, ang sakit sa ulo bantayan ng mga tauhan mo rito," sabi nito. Nakita naman ni Saph na dumaan si Ami mula sa likod.

Fukitsu AcademyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon