Never Too Late. [Short Story]

24.4K 405 34
                                    


Never Too Late.

Hindi naman sa gusto ni Edlive na maging single siya at age 22. Ang totoo kasi n'yan e, wala siyang choice dahil kahit anong gawin niya, single siya... at age 22.

Pero teka, dapat ba pag-20 plus na ang edad mo, awtomatik na may boyfriend ka na? Hindi ba pwedeng binibigay mo lang ang buong atensyon mo sa med school, dahil ikaw lang ang inaasahan ng pamilya mo? Scratch that, masyado naman siyang diplomatic sa lagay na 'yan. Hindi naman siya mahilig sa drama kaya lang, 'di niya mapigilan.

Lalo na't bonding time nila ngayon ng mga high school friends niya sa bahay niya.

"...and I swear, I didn't know what to do! I was frozen on the spot. I can't even remember half of what happened! I was literally shaking," panimula ni Ella, ang best friend niyang, you guessed it right! Engaged at age 22. "I just didn't expect it from him of all people, you know?"

"Yeah, you're right, akala nga namin nakainom ka nang ibinalita mo sa'ming malapit ka na maging Mrs. Gonzaga e," natatawang sabi ni Denise.

"Magkabaligtad tayo Eds, akala ko si Luke ang nakainom!" dagdag ni Jerrysaen na ikinahalakhak ng lahat sa grupo.

Nag-pout lang si Ella at binigyan si Denise at Jerrysaen ng masamang tingin. "Ang mean n'yo, ah. Bakit ako ang inaasar ninyo? Asarin n'yo si Eds!"

"Ako na naman trip mo, Ellaine? Are you for real?"

"May angal ka? Joke lang, alam mo namang labs kita e. Pero nakalimutan mo na ba 'yung promise mo nung g-um-raduate tayo six years ago?"

Nagpalabas na lang siya ng buntong-hininga. "Hindi naman sa ayaw kong magka-boyfriend, wala lang talaga akong time."

"Walang time?" taas-kilay na tanong ni Ella. "Okay, first year mo sa physical therapy. You met that guy, um, what's his name again?"

"Ell--"

"--Kevin. His name is Kevin and you pined over him for a year! That douchebag. Lagi ka kaya niyang inuutong gawin 'yung lab report niya, nagpapauto ka naman."

She rolled her eyes. "No, it's not like that--"

"Nung nagbakasyon tayo sa Caramoan, three years ago, si Andrei--"

"Let's not go there--"

"No, I'm not finished. Sinabi ko sa'yong magkunwari kang loser pagdating sa swimming—"

"That idea was absurd and you know tha--"

"--para magkaroon kayo ng alone time pero bumigay ka sa takot mo, naunahan ka tuloy nung isang babae!"

"Lifeguard siya Ella, hindi siya swimming instructor!"

"Hmm, sino pa ba? Oh yes! Si Sebastian from that department store last year na akala mo type ka, 'yun pala, kinaibigan ka lang dahil type niya 'yung escort mo sa mini fashion show ng course mo!"

She sighed. "Okay, past is past. So what's your point?"

"My point is, you have all the time in the world to find a proper boyfriend, pero you chose to distract yourself for a reason."

'Di niya napigilang tumawa. "I'm trying to distract myself? From what?"

"From Phytos," bulong ni Denise.

Natahimik silang lahat. Scratch that, natahimik ang lahat.

Hindi naman sa untouchable na topic si Phytos, ayaw lang talaga niyang marinig 'yung pangalang 'yun. Kung tutuusin, swerte siya. Kaunti lang ang lalaking may pangalang Phytos.

One-Shot Stories: A CollectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon