Chapter 5

198 3 3
                                    

Kelley's POV

Tumakbo ako, tumakbo ako ng pagkabilis bilis. Nawala na sa isip ko ang pag papa enroll ko. Ang gusto ko lang ay tumakbo ng tumakbo po para makalayo sa lugar na iyon.

Di ko na alam ang gagawin ko, basta ang nararamdaman ko ay ang sakit na muling bumalik muli. Tama na, pagod na'ko sana di ka nalang bumalik ang sakit, sakit! Ang dami daming school na pag aaralan bakit dito pa!?
Dito po kung saan nandun yung taong nanakit sakin ng sobra sobra..

Habang tumatakbo ako ay di ko na mapigilan ang pag agos ng luha ko. Panay ang hikbi ko. Hanggang sa may nakita akong bench na mauupuan ko, at may puno na nakaharang sa araw.

Dito ako umiyak ng umiyak, di ko pala kaya na makita sya muli. Sa di inaasahang pagkakataon pa, balak ko lang mag pa enroll para sa papasukan kong school pero di ko alam na makikita kita. Sariwa pa rin yung sugat sa puso ko, ang sakit pa rin.

"Kelley?" may nagsalita sa likod ko.

Nilingon ko kagad kung sino iyon, at nakita kong si Zac na may nagaalalang mukha sabay lapit sakin.

Nakita nya akong umiiyak kaya hinawakan nya ang magkabilang braso ko at hinarap sakanya.

"Bakit ka umiiyak!? Kelley, anong nangyari, huh? sabihin mo sakin" tanong nyang may pag aalala sa mukha.

"Wala Zac, ayos lang ako. Salamat." sabay alis ng kamay nya sa braso ko at iwas ng tingin sa kanya.

"No, Kelley. May problema ka. You need to tell me, so that i can help you, please?" sabi nya habang hinaharap uli ako.

Umiyak na ako sakanya at hinilig nya ang ulo ko sa kanyang dibdib.
"It's just-just, i can't move on with my past." Sabi ko habang humihikbi.

Nakita ko ang pag kunot ng noo nya. "Hindi mo naman kailangan pilitin yung sarili mo na mag move on, kusa mo nalang marerealize na wala na, wala kanang nararamdaman sakanya, wala nang bumabalik balik na sakit dyan" sabay turo kaliwang dibdib ko.

Well, oo alam nya na kung sino yung tinutukoy ko. Syempre bilang kaibigan ko sya nak-kwento ko na sakanya yun dahil nakikita nya kong madalas na nakatulala.

"E, pano kung walang magbago, mahal ko pa rin sya." sabi ko habang pinupunasan nya ang luha sa mga mata ko.

"Nasasayo pa rin yan, pero subukan mong bumaling sa iba.. sa katulad ko" pabulong nyang sinabi ang huli.

"What?" parang ganun yung sinabi nya kaya, tinanong ko i wanna make it sure kung totoo yung narinig ko.

"Huh!?" Halatang gulat syang tanong ko. "I mean bumaling ka sa iba kahit para mawala yang hinanakit mo" sabi nya sabay ngiti sakin.

"Okay." sabi ko.

"Thankyou, Zac huh? alam kong lagi na lang kitang iniiyakan nagiging pabigat na ako sayo."

"No kelley, don't say that. Mas maganda nga yun kase mas nailalabas mo yung hinanaing mo yung hindi lang kinikimkim."

Napangiti ako sa sinabi nya.
"Thankyou Zac, Talaga!!!" sabay yakap ko sakanya.

"Hahahaha! No problem, basta ikaw haha. sabay kindat nya.

Tumawa ako sakanya. "Hahaha, baliw!"

"So, let's go?" sabi nya sabat lahad ng kamay nya.

Tinanggap ko naman yun at naglakad na kami paalis para mag enroll.

Nang nakapag enroll na kami sa bago kong school ay nakaramdam na kami ng gutom kaya tumungo kami sa isang fastfood na malapit dun sa school namin.

Dito ko napiling kumain dahil ayoko dun sa coffee shop kung saan nakita ko si Zild, gusto ko kasing umiwas na.

Maganda ang ambiance dito sa loob. Dito ako pumwesto sa malapit may bintana kung saan makikita mo yung mga tao sa labas, gusto ko kaseng malibang ako paligid.

"Anong sayo?" tanong ni Zac habang kinukuha ang menu.
Kinuha ko din ang menu at tumingin ako ng kakainin ko.

"Uhm, steak na lang." sabi ko.

"Yun lang?"

"Yap." tugon ko.

Sinabi nya na sa waiter yung order namin at mabilis din naman na serve yung food namin.

Nang natapos na kami kumain ay agad na kaming pumunta sa parking lot kung saan na kapark yung kotse nya. Nagyaya na kase akong umuwi dahil pagod na ako.

Pinagbuksan ako ni Zac ng pintuan sa kotse.

"Thankyou"

Ngumiti lang sya sabay pasok sa kotse. Kinabit ko na ang seatbelt at umalis na din kami.

"Nabusog kaba?" tanong nya sakin nang nakitingin sa kalsada.

"Ah oo, thankyou nga pala sa treat."

"No problem."

"Uhmm, Kelley sorry to ask this, huh? pero yun lang ba yung dahilan ng pag iyak mo kanina?"

Natigilan ako at napatingin sakanya. Di agad ako nakasagot sa tanong nya. Ayoko sanang sagutin yung tanong nya kaya lang parang ambastos ko naman nun diba, kaya napilitan na lang akong sagutin sya.

"Uhm, Oo bakit?" pagsisinungaling ko.

Nakatingin pa rin sya sakin.

"Nothing" sabi nya.

Nakauwi na kami, hinatid nya ako sa loob ng bahay namin.

"Oh anak, nandyan kana pala."
"Zac nandyan ka pala. "

"Ah hello po tita!" Sabay ngiti nya kay mommy.

"Hi, Mom!" Sabay beso ko kay mommy.

"Kumain na ba kayo?"

"Yes po tita, kumain po kami dun sa malapit na fastfood sa school namin." Sabi ni Zac

"Ah okay, pero kung gusto nyo. kuha lang kayo." sabi ni mommy

"Mom, alis na po si Zac, hinatid nya lang po ako" sambat ko sa usapan nila dahil gusto ko nang pumasok sa kwarto ko.

"Ay oo nga po pala, hinihintay pa po ako nila Mom at Dad sa bahay sige po alis na po ako bye tita bye kelley!" paalam ni Zac at tsaka umalis na.

Di ko na sya nahatid dahil sa tinatamad na ako, di naman talaga ako yung mabait at caring na kaibigan.

"Mom, akyat na po ako magshoshower na po ako, goodnight po."


"Hayyy!" humilata na kagad ako sa kama ko, habang iniisip yung kaninang nakita ko sa school.
Hindi ko makalimutan, nandito na sya? Dun din ba sya mag aaral? araw araw ba kami magkikita?

"Kelley, dun lang sya kumain, or tumambay pero di sya dun mag aaral! Wag mong pangunahan" pabulong kong sinabi.

Nag shower na ako para makatulog na din ako.

Nang natapos na ako, nag bihis na ako ng pantulog ko at dumiretso na ako sa kama ko nag blower ako ng buhok ko para matuyo at makatulog na agad ako. Pagkatapos kong mag patuyo ng buhok ay pinatay ko na ang ilaw at binuksan ang lampshade.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 23, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

My Bass Guitarero Boyfriend [ON-GOING]Where stories live. Discover now