Chapter 12: Their Love Affair

6K 157 0
                                    

Hanna's POV

"Ano po bang meron sa inyo ni chards Miss?"

"I'll tell our story hanna. But please release my brother first." BOOM! Napahiya level 9999999999. Okay so tinanggal ko yung pagkakatali sa kamay ng brother niya kaya nagsalita siya.

"Me, Morgan and Chards are Bestfriends. Nung dito pa kami sa Univ. Nag-aaral, palagi kaming magkasama. Just like you guys na komokopya ng assigntments, Blah blah. Di nagtagal, umamin sakin si chards na mahal niya ako ng higit pa sa kaibigan."  OMO! Parang true story lang sa ordinary world ah. Haha.

"Inamin sakin ni chards na gusto niya ako pero inamin ko rin sa kanya na si morgan ang gusto ko at hindi siya." Para tuloy akong nakikinig ng isang lovestory sa radio nito. Haha.

"At ang naging resulta , nagalit si chards kay morgan. Naglaban sila dati ni morgan at kung sinong matatalo ay lalayuan na ako. Syempre as their bestfriend , ayokong mangyari yun pero nanigas si chards sa disisyon niya at nagpatuloy sila sa laban."

"Nalaman po ba ni Mr. Morgan na may gusto kayo sa kanya?". pero nagpatuloy lang siya sa pagsasalita.

"Natalo si chards nun at puno siya nang dugo. Pinuntahan namin siya ni morgan at dinala siya sa hospital. 1 week na natulog si chards that time. Nung umuwi kami ni morgan para kumuha ng damit pagbalik namin nawala na si chards sa kwarto. Hinanap namin siya ni morgan kahit saan at nabalitaan nalang namin na kumampi na siya sa distroyers."

"Nalaman po ba ni mr. Morgan na may feelings kayo sa kanya?"

"Oo nalaman niya. Pero simula nung nawala si chards parang may isang importanteng tao ang nawala sakin at dun na din ako nagkaroon ng feelings kay chards. Binalewala ni morgan ang feelings ko sa kanya at narealize ko na si chards pala yung gusto ko."

"Bakit niya po kayo sinasaktan?"

"Ginamit niya yung magic niyang Controler. Kino-control niya ako araw-araw kaya minsan parang baliw na ang turing nila sakin. Parang ginagawa ni chards na paglaruan ako. Ginamit din ni chards ang magic niya para maging kakampi niya yung kapatid ko. Hindi alam ni mike na si chards pala yung kausap niya dati at hindi ako. Kaya nung nalaman ni mike na pinaglalaruan lang kaming dalawa ni chards lahat ng plano nila sinasabi niya sa akin."

"Ba't po siya ikinulong?"

"Dahil nga sinabi niya sakin yung mga plano nila. Nalaman yun ni chards nang nacontrol niya ulit ako at nakita niya si mike na sinasabi niya sakin yung plano nila kaya ipinakulong siya ng ng mahigit 8 years siyang nakakulong dun."

"Naku! Baka controlin niya ulit kayo miss."

"He never do that. Nagpaspell ako sa friend kong si Lily Williams. Ina ni Sheena. Na hindi na ako mako-control ni chards ever."

"Cool~ Anyway, bakit di niyo sinabi na may kapatid kayo?"

"I was scared na malaman nila na galing siya sa distroyers , baka papatayin siya."

"Ahh... miss I suggest na dito mo siya papa-aralin so that we can manage what to do so."

"That's a nice idea but before that you should be on training now ! Ang lakwatsera mo hanna ah"

"Grabe ka naman miss! Pasalamat ka nga nasense ko yang kapatid mo!"

"Okay thanks. Now move!"

Okay! So lumabas na ako sa office ni miss. Now I get it. It's a great advantage for us na baka may nalalaman din ng konting details si mike about sa plans ng distroyers. Oh well, I should be on training now. Mas ginaganahan tuloy akong magtraining. Haha.

Mayer's POV

(This song is Author's Original Composition. Kaya I know hindi niyo alam ang tono. Hihihi. Sorna ^o^V)

Kaya't nandito ako.
Nanghaharana sayo.
Sa harap ng madaming tao.
Mapatunayan na ikaw ang mahal ko.

Ang nararamdaman
Huwag mong kalimutan
Huwag mo 'kong paasahin
Ang sakit na tawaging assuming

Sanay di ka manhid
Pansinin mo tong damdamin
Ang puso ko ay sabik na sabik
Para ako ay iyong sagutin.

"Wow! Ang galing naman. Ikaw gumawa?"

Nagulat ako ng biglang sumulpot si hanna sa gilid ko. Amfuta! Kinuha ko agad yung gitara at papel tapos nagmadaling pumasok sa room using my magic of speed pero nagulat ako nang makita ko siya sa katabing upuan ko. She use her Teleportation magic. Kumunot ang noo ko nung pilit niyang kinukuha yung papel ko.

"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"

"Unless you let me see your work."

"Ayoko nga!"

May bigla akong naramdaman nung tumingin ako sa mata niya. Parang inuutusan niya akong ibigay yung composed song ko kaya naibigay ko to sa kanya. May something that time kaya--- wait! What the heck!

"Hoy! Ibalik mo yan sakin!"

"Wahahaha! Naisahan din kita! Hahahaha!"

"Ibalik mo nga yan sakin eh!" Pilit kong inaagaw yung papel.

"Para kanino ba to?"

"Wala lang. Naisipan ko lang magcomposed. Bakit ba?!" And finally! Nakuha ko ulit yung papel ko.

"Parang manliligaw ka ah. Manghaharana ka?"

"Hindi ako papatol sayo noh!"

"Assuming ka rin eh noh? Nagtatanong ako kung manghaharana ka. Hindi ko sinabing sakin ka manghaharana!"

"Anong harana?" - I'm fvcking dead. Lounell is totally here. Pagkakaisahan nanaman ako nitong magkapatid nato.

"Manghaharana siya kuya. Hahaha! Ang korny nga nung compose niya eh."

"Kapag ako di makapagpigil sayong batuta ka , susunugin talaga kita!"

"LOL! I can escape your magics yah know. Hahaha." - Hanna.

"Batuta ka!"

"Assumero!"

"Batuta!"

"Assumero!"

"Can you guys stop?!" - Utos ni lounell. Oh yeap. We're totally fvcking dead--- I mean Just me.

"Tara na hanna. Uwi na tayo. Gusto ko nang makita si Granny. Pabayaan mo na yang assumerong yan." - That was I expected from lounell. Kung magaling mambara si hanna well looks like mas magaling si lounell. This two are teasing me.

"Oh yeah. Let's go."

And after that, they walk away. Nakunot yung papel ko kanina dahil sa pag-aagawan namin ni hanna. Taena ! Kung hindi lang siya maganda--- este! Gifted Kid ewan ko nalang. Bumalik ako sa upuan ko. Ako nalang mag-isa sa classroom namin kasi umuwi na yung iba pero may naririnig akong footsteps at parang papalapit ito dito. Pumunta agad ako sa likod ng door at pinatay yung ilaw. Pumasok yung nagmamay-ari ng footsteps at humarap sa window. Familiar yung likod niya sakin tsaka ko naalala kung sino siya. Fuck! What is he doing here!?

-----*

The Magical World [COMPLETED]Where stories live. Discover now