Glimpse

15 0 0
                                    

Ikaw na naman ang laman ng panaginip ko kagabi. Nakangiti ka pa rin tulad ng lagi kong nakikita tuwing lumalabas ka sa panaginip ko. Ikaw lang ang laman nito sa tuwing ipipikit ko ang aking mga mata.

Tinawag mo ang pangalan ko at sa tingin ko ito ang pinakamagandang salita na narinig ko sa buong buhay ko. Para akong inaagos ng malinis na batis at hinahalikan ng malamig na tubig.

Ang iyong bawat ngiti at mga mata ang nag-uudyok sa akin upang mahalin ang aking mga panaginip.

Ayoko nang magising pa. Gusto ko ay ikaw lang ang aking nakikita. Sa mundong ito na puno ng pait at sakit, ayoko nang imulat ang aking mga mata.

Mabuti pa kapag ako ay pumikit, mas nakikita ko ang liwanag. Liwanag na dinudulot ng matatamis mong ngiti.

Namasyal tayo sa isang malayong lugar. Hindi ko alam kung saan ito, basta ang importante ay kasama kita.

"Matagal ko nang gustong magpunta dito. Sa lugar namin, hindi nakikita ang mga bituin. Lagi kong hinahanap yung constellation ng zodiac sign ko."

Tinuro mo sa akin kung nasaan sa langit nakikita iyon. Minamasdan lang kita at ang repleksyon ng mga bituin sa iyong mata.

Masaya akong lagi kang lumalabas sa panaginip ko. Pero nakakalungkot kasi sana mahanap na kita.

Ngiti, mga mata, zodiac sign.

Ikaw ang paborito kong constellation at mahahanap rin kita.

//

Nagulat ako nang nag-text si Mama. Susunduin daw nila ako dito sa school at may pupuntahan kami. Hmmm, saan kaya? Eh may pasok na at tapos na ang bakasyon? Hay siguro na-miss lang ako ng pamilya ko. I'm so missable haha

"Anak, we'll pick you up at 5:30 sa tapat Green Tea Café, ha"

Ni-reply-an ko na si Mama at nag-ready na para sa susunod na klase. Grabe itong subject ko na 'to, sobrang interesting pero sobrang boring dahil ang weird magsalita ng Prof ko, ang hina hina at ang lumanay. Nakakaantok tuloy, 1 to 3 pm pa naman to.

Natapos na ng maaga yung klase namin ngayong araw at hindi naman kami sinipot ng Prof namin sa last class namin kaya naman 4:30 pa lang eh naka-tambay na ako sa Green Tea Café at um-order ng favorite drink ko which is Strawberry Milktea. Ewan ko, nag-try naman ako ng iba't ibang flavors dati pero ito lang talaga ang pinaka-nagustuhan ko. Or siguro ay favorite ko lang talaga ng strawberry in general. Strawberry-scented perfume, shampoo, lotion, face mask, fruit, drink. Lahat lahat na hahaha

"Hi, one large Strawberry Milktea with pearls and boba as add ons. Thanks," pagrerecite ko sa cashier at humugot na ng pera ko sa wallet. I make sure na saktong sakto yung bayad ko, ayoko kasi ng barya sa wallet eh ang bigat kasi.

"Not available po ang boba." Sagot ni Kuya. Napatingin naman ako sa kanya. Parang mejo familiar yung boses pero pagtingin ko sakanya, hindi ko naman mamukhaan. Ah siguro nakasabay ko lang sa bus or jeep pag buma-byahe. Pansin ko ay bago lang siya dito at mga 3 times akong a week akong nagpupunta dito.

Nalungkot naman ako sa boba. Ang saya kasi niyang putukin at kainin. Anyway, nagbayad na ako at naupo na sa malapit sa sliding door ng café.

Pagkabigay ni Kuya sa akin nung drink ko, nakatayo pa rin siya sa tapat ko. So di ko muna siya pinansin at baka kasi may tinitignan din lang siya sa labas. Pero nang mga 30 minutes na ang nakalipas at hindi pa rin siya umaalis ay nagsalita na ako. Ang weird naman kasi, diba.

"Kuya, ano po yun?" tanong ko habang inaalis yung isang earbud sa tenga ko.

"Ah sorry, you look familiar kasi. Magkakilala ba tayo? Parang there's this feeling kasi that tells me we're close. Really close." Wow. Nagulat naman ako sa kanya. Kasi yun din yung na-feel ko nung nakita ko siya. Hmmm, magkakilala ba kami? Parang hindi ko naman siya nakikita.

Omg.

OMG

OMG NAIISIP NIYO BA KUNG ANONG NAIISIP KO?

"Uhm.. this may sound absurd but.." sasabihin ko ba? Baka mapahiya ako eh hindi ko naman sigurado. Omg bakit dito pa sa café ko siya matatagpuan? I mean, not jumping into conclusions pero I'll give it a try? Ask him this one question I've been wanting to ask all my life kahit di ko naman sigurado kung siya ba talaga?

Hay this is so frustrating, totoo na bang nangyayari ito?

He told me to go on dahil mukhang naputol yung sentence ko..

"Okay so, I think.. maybe. Just maybe, you know. Haha. Like, are you---"

Ring.. ring.. ring..

Wow nice timing Mama! Very nice.

"Sorry, I need to take this. Maybe I'll ask some other time." Kinuha ko na yung mga gamit ko at dali daling lumabas ng café.

Shocks that was so embarrassing, what am I thinking. Pero buti na lang hindi ko nasabi. I must look and sound dumb in front of him.

Nahanap ko na yung sasakyan namin at pumasok na agad. Lumingon ako ulit sa café. Nasa labas na siya at parang hinahanap niya ako. He looks cute. Really. Really cute. Like wow. Look at that build. And face. Shocks bakit hindi ko siya tinignan ng maayos kanina.

Umandar na yung sasakyan at pinagdebatehan ko sa isip ko kung babalik pa ako sa café na yun. Nakakahiya kasi. Pano kapag regular worker pala siya dun at lagi ko siyang makikita. Pero mukha din naman siyang estudyante. Siguro estudyante nga siya. Hay sumasakit ang ulo ko.

He looks familiar talaga. Saan ko na ba siya nakita? Or nakasama? He feels and sounds so so familiar. Where have I seen him again?

Who is he?


//
xoxo
Guys, who is he nga ba? What are your thoughts? Comment it down below and don't forget to vote! Please support this story a lot.  Thank you :)

Dream CatcherDonde viven las historias. Descúbrelo ahora