Chapter 1

7 2 0
                                    

Jewelle's POV

"Kyyaaahhh Jewelle!!!"

*boggss*bigla siyang nahulog sa lapag ng kaniyang kama at naalimpungatan

"Anu bakit hah!may sunog ba?. Sinong mag nanakaw tumawag kayo ng ambulansya! "
Bigla niyang naalala na yun pala ang alarm niya

"huhuhuhu anu bayan bwesit na araw to anshakit ng balakang ko ano ba 'yan."
Tumayo na siya upang maligo dahil ngayon ang araw na pupunta na siya sa Manila.

"Jewelle anak gumising kana ngayun ang larga mo papuntang maynila!"
sigaw ng kaniyang Ina

"Opo Inay gising na po"

Ay teka ang daldal ko di pa pala ako nag papakilala by the way highway ako si Jewelle Cruz 18 years old at ako ay isang probinsyana meron akong tatlong kapatid dalawang babae syempre kabilang na ako, at dalawang lalake. Isa lang akong mahirap na probinsyana.Wait lang haa kahit kailan talaga ang daldal mo Jewelle siguro sapat na yung pagpapakilala ko ano?ok mamaya naman tayo mag chika maliligo na muna ako  ngayon kase ang byahe ko papuntang Manila para mag aral dahil kapos kami sa pera doon muna ako sa mga pinsan ko tutuloy at syempre mag hahanap ng trabaho habang nag-aaral kung tawagin working student ay ano ba sabi ko nang mamaya na ang daldal ko talaga jusmiyo.

"~so love me like you do to-to-touch me like you do what are you waiting~"
nag coconcert ako lagi sa banyo habang naliligo

"Ate anu ba nag coconcert kana naman diyan kanina kapa tinatawag ni inay ngayon ang luwas mo ng Maynila"
sigaw ng kapatid kong lalaki

"Oo andiyan na!"
Sigaw ko na man sa kapatid ko. Pagkatapos kong maligo nag bihis ako malamang alangan namang mag hubo't hubad ako diba?. Ready to go na ako  papuntang Maynila pero maisip ko palang na mag kakalayo kami ng aking pamilya naiiyak na ako parang hindi ko kaya pero kailangan eh kapos kami sa pera at wala kaming ibang maasahan at syempre gusto ko rin namang makapagtapos ng pag-aaral para sa pamilya ko dahil hindi ko naman gugustuhing mamatay ng walang pagbabago sa takbo ng aking buhay.

Ilang sandali pa nga ay narinig ko ng kumakatok ang aking Inay.

"Anak tapos kana bang mag impake ng mga gamit mo?"
tanong ni mama

"Ah opo nay tapos na po"
lumabas na ako ng kwarto upang kausapin ang aking magulang

"Nay,Tay!"

"Anak halina't ihahatid kana namin sa terminal baka mahuli kapa"
ani itay habang nakangiti ang kaniyang labi ngunit may malungkot na mga mata

"Ah nay,tay wag na kaya akong tumuloy?"

"Anak ilang beses naba nating pinag-usapan na kailangan mong tumuloy para sa iyo rin naman yan para sa iyong kinabukasan, kung hindi nga lang sana tayo kapos sa pera anak hindi ko hahayaang malayo ka saamin ng iyong mga kapatid."
Tugon saakin ni Itay na hindi maitago ang lungkot at iyak sa aking pag alis

"Naiintindihan ko po kayo tay pero huwag niyo pong kakalimutan na tumawag at ingatan ang iyong sarili ha mamimiss ko kayo ng sobra!"
hinagkan ako ni itay at inay upang maibsan manlang ang sakit na aking nararamdaman dahil sa unang pagkakataon ng aking buhay ay mawawalay ako sa kanila.

Nasa terminal na kami nang bus hinihintay na lamang ang pag alis papuntang Maynila

"Nak mag iingat ka dun sa Syudad alalahanin mo wala kami sa tabi mo para alagaan ka wag na wag kang mag titiwala kahit kanino at maging matino ka doon. Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng iyong inay at mga kapatid mo."
sabi ni papa habang umiiyak at sa huling pag kakataon ay muli niya akong ikinulong sa kanyang bisig.

"Opo papa lagi ko po yang tatandaan mamimiss ko din kayo ng sobra-sobra"

Ilang sandali pa nga ay lumarga na ang bus na aking sinasakyan habang nakatingin ako sa aking mga magulang na nakatayo habang magkayakap na nakatingin sa umaandar na bus, habang papalayo sa kanila ay mas lalong naglalaho na sila sa aking paningin kasabay ng walang humpay na agos ng aking mga luha.

Miss na miss ko na sila kahit ilang minuto palang kaming magkalayo ngunit wala akong magawa dahil isa lamang kaming pobre na walang ibang hangad kundi makapagtapos ng pag-aaral at makaahon sa hirap ng buhay balang araw.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 24, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Undying LoveWhere stories live. Discover now