Chapter 14

522 19 1
                                    

Author's Note: Hi Ainon! I know you're reading :) Thank you ikaw lang ata nagbabasa nito haha



C h a p t e r F o u r t e e n


Rem and Lisa are secretly in a relationship.

~ * * ~

Kinabukasan, may TV guesting kami ng Style kasama ang dalawang sikat na artistang sina Lisa at Dars sa isang afternoon show. Ang tema nila ngayon ay about sa friendship. Noon ko pa kilala ang dalawa, ngunit ngayon ko lang sila nakasalamuha. They were nice though. Binibigyan nila ng compliment ang grupo namin at nakikipagbiruan pa sa amin.

But that was when infront of the camera. The moment na matapos ang show at nagpatayan na ang mga camera, napansin ko ang pag-irap sa akin ni Dars. Hindi ko nalang pinansin.

"Inom tayo," anyaya ni Yna. "Nakakamiss uminom kasama kayo eh."

"Baka magalit si Manager. Bangag na naman tayo bukas sa napakaagang voice lesson," ani Iasha.

"Hindi 'yan. Ngayon lang naman," giit ni Yna.

"Oo nga! Paminsan minsan mag-enjoy naman tayo. We deserve it for all our hardworks. Let's celebrate! Kampaii!!" masayang sabi ni Talia.

Nagpaalam kami sa mga staffs. Sinabihan ko rin si Rose na mauna ng umuwi sa dorm ko para ayusin ang mga gamit ko. Yung tatlo naman, binalaan ang mga PA's nila na huwag magsusumbong kay Madam G.

"Hayaan mong siya ang makatuklas." At tumawa ng pangdemonyo si Talia.

Palabas na kami ng stuido. Nauuna ang tatlo at ako ang nasa hulihan. Mabagal akong naglalakad dahil binabasa ko ang mga text messages ni Rem.

Bakit umalis ka nang hindi manlang ako ginigising? *crying emoticon*

Hey, Amea! Pinapanood kita sa TV! Ang ganda ganda mo talaga :)

Ang kukulit niyo jan ah! Hahaha mishuuu :*

It's time. Kanina pa ako tinatawagan ni Manager hehe kailangan ko nang pumunta sa Wings Ent bldg. Magpapaka-busy muna ako :D See you later, Amea! Wait mo ko sa bahay natin hahahaha ano pala gusto mong pasalubong?

On my way to the blg. Tanong ko lang kung bakit di mo ko pinapansin kagabi? Akala mo ba kung sino yung baby ko? Eh si Shiro lang naman yun. Yung aso ko :) baby ko yun. Kung gusto mo baby mo na rin :D

Natatawa talaga ako kagabi sa ginagawa mo! Hahahaha hihingi ako kay Direk ng copy nun at ipapa-burn ko sa disc. Alam ko may CCTV sa labas ng bahay eh. Baka nakunan yung ginagawa mo kagabi. Cute cute mo magselos eh. Nakaka-turn on.

Namula ako sa huling text niya. Nagreply agad ako in a not deffensive way!

HINDI AKO NAGSESELOS. ILUSYUNADO KA TALAGA ENO? OA MO! BAKLA!

Waaah. Hiyang hiya ako! Siya kasi eh! Pinaalala na naman yung kagagahan ko kagabi. Alas otso na kasi ng gabi wala pa siya eh hapon siya umalis. At oo, aaminin ko nag-alala ako kaya hinintay ko siya sa labas ng pinto. Nakaupo ako habang nakatulala sa may gate. Hinihintay kong may kotse na tumigil. Higit isang oras akong naghintay nang sa wakas may dumaang kotse. Tumigil ito at mayamaya, bumukas ang pinto ng van.

Napatayo ako at agad na lumapit sa may gate. Nagtago pa ako. Tumingkayad at tumingala ako para masilip ko siya.

Lumabas si Rem. Naningkit ang mga mata ko nung pinasok niya uli ang half body niya sa loob ng sasakyan. Para bang may kinukuha.

Naningkit ang mga mata ko nang maisip kong humahalik siya sa babae niya. At naramdaman ko nalang na kumuyom ang kamao ko. Tama nga ang nasa article na hinding hindi ko kailanman malilimutan. REM IS A PLAYBOY!

Be Mine Or Make Me YoursWhere stories live. Discover now