Chapter 25: An Eighteen Year Old Student Girl

1K 24 0
                                    

Chapter 25: An Eighteen Year Old Student Girl


SHINOA MEI PONCE

Pilit hinahawakan ni Shou ang kamay ko habang palabas kami ng Inori Academy para maagaw ang atensyon ko. Gusto kong sumimangot at pagalitan siya ngunit hindi ko rin magawa dahil aaminin ko, ang cute niyang panooring nagpapansin sa akin.

Alam kong hindi pa rin nawawala sa isip niya ang nangyari kaninang lunch break. Ganoon din naman ako. Hinding hindi ko makakalimutan kung paano dumampi ang labi ni Tamara sa kanya. May kung anong bigat pa rin sa damdamin ko tuwing naaalala ko iyon pero isinasantabi ko na lang.

Wala akong karapatang magalit o kahit mainis man lang. We are not dating. We are not a couple. Nililigawan pa lang niya ako...

Napabuntong hininga ako. Gusto kong bawiin iyong sinabi ko sa kanya kanina sa harap ng maraming estudyante. You don't tell a girl you love her and kiss another girl. Napaiyak ko siya sa sinabi ko.

Bigla ay nag-init ang buong mukha ko. Nakakahiya.

Palihim ko siyang sinulyapan ngunit agad ko ring binawi ang tingin ko nang makitang nakanguso niya akong tinititigan.

"Anong pinag-usapan niyo ni Miko, Senpai?" naiirita niyang tanong.

"Captain Miko, Shou. You should address him like that," I corrected him.

Suminghap siya. "Matagal ko nang tinatawag si Miko nang Miko lang... Ba't ngayon mo lang ako pinagsabihan? Bakit ngayon mo lang ako pinuna? May pinag-usapan talaga kayo na hindi dapat, Senpai, e."

"Ano ba ang dapat sa hindi dapat para sa'yo?" Tumingala ako sa kanya. His playful and childish expression was gone. Medyo bumagal ang paglalakad niya. "Ang paghahalikan niyo ni Tamara... dapat ba iyon? Kung hindi ka natuwa sa pag-uusap namin ni Miko kanina, gusto kong sabihin sa'yo na mas lalong hindi ako natuwa sa paghahalikan niyo."

"Senpai..." napapalunok niyang tawag. "Siya ang humalik sa akin. I swear, I didn't kiss her back."

Nang mapagtanto kong mali na naman ang lumabas sa aking bibig, napakagat ako sa labi ko at mas binilisan ang paglalakad para hindi kami magkasabay.

I saw Izaya in front of us looking at Shou, his eyes were filled with tears. Nangunot ang noo ko saka binalingan ang katabi niyang babae. Patip toe siyang naglalakad habang nakangiting kausap si Izaya.

Hindi ko alam na may kapatid pala silang babae. Shou said she's their half-sister. Kung ganoon, anak siya ng Mommy niya sa ibang lalaki?

Nang makalabas kami ng gate, natigil ako sa paglalakad nang umiiyak na bumalik si Izaya sa paglalakad patungo sa kanyang kuya. Shou stopped walking too. He stayed beside me.

"Nii-chan..." Pulang pula ang mga mata niya. Kahit matangkad din si Izaya, nakatingala pa rin siya kay Shou.

The height of the guy I like is a monster. Bagay sa kanya ang pagiging basketball player.

Sumagi bigla sa isip ko iyong pakiusap ni Miko. Maybe I could convince Shou for staying in the basketball team. Gusto ko pa siyang makitang maglaro... bilang captain.

Umiwas ng tingin si Shou sa kapatid niya. Mukhang ayaw niyang makitang luhaan si Izaya. Nagkasalubong ang kilay niya.

Lumapit ang kapatid nilang babae kay Izaya at hinawakan ito sa braso para pakalmahin.

"I'm really sorry I didn' tell you..." Izaya's voice cracked. "Matagal ko nang alam, Nii-chan. Nasa grade school pa lang ako nang malaman ko kung sino ang Daddy natin. I was too young back then but I wasn't a naive kid. Kaklase ko siya simula pa lang elementary. Katabi ko siya palagi sa upuan dahil parehas kaming Santiago. She confessed to me that we are half-siblings. Ayaw ko siyang paniwalaan pero nasa harap ko na mismo ang ebidensya! Magkamukhang magkamukha kami, Nii-chan!"

Date Me, Senpai!Where stories live. Discover now