Twenty Sixth Teardrop

3.5K 183 10
                                    

-26-

NATE.

"Oh my gosh!" Sabi noong babae na nag-interview sa akin.

I faked a gasp. Tinakpan ko ang mga mata ko gamit ang kamay ko.

"Ow, sorry po mam, sir! Hindi ko po kayo nakilala! Sorry po talaga! Hindi ko po sinasadya!" Sabi ko.

Syempre chenes ko lang 'yan.

"Sorry po talaga mam and sir, hindi na po mauulit," sabi ko ulit. Aba mahirap na, baka matanggal ako sa trabaho.

Maglalakad na sana ako paalis nang magsalita 'yung babae.

"F-fine, fine! I won't fire you, unless ipagkakalat mo ang nakita mo ngayon." Sabi nya.

Napatigil ako. Ganun na nga ang gusto kong mangyari. Ipagkakalat ko ang nakita ko.

Pero first day ko ngayon. Hindi pwedeng ma-fire agad ako. At hindi rin naman justifiable 'yon. Baka mauna pa siyang matanggal kesa sa akin.

Isa pa, hindi ko pa nakukuha si Drew. Kailangan kong manatili dito.

"Y-yes mam, hindi po ako magsasalita. Kakalimutan ko po ang nakita kong kabastusan ngayon,"

"What did you say?!" Pasigaw nyang sabi kaya naman nagulat ako bigla.

"Wala po mam," sabi ko.

Inayos na nya ang damit nya at lumapit sa akin, "Isara mo 'yang bibig mo kung ayaw mong makatikim ng sapak," bulong nya sa akin.

"Sorry po." Plastik kong sagot. Umalis na sya.

Naiwan kami ni Drew dito sa loob ng CR. Tumingin ako sa kanya. Kita ko ang galit sa mga mata nya.

Lumapit siya sa akin at hinawakan nya ang kwelyo ng aking long sleeve.

"Ano bang problema mo?" Tanong nya. Napatingin ako sa mga mata nya. Sobrang itim nito.

"Ikaw ang problema ko, Drew. Ikaw. Hindi ka naman ganyan dati ah? Ano bang nangyayari sa'yo?" Sabi ko sa kanya.

Marahas nyang binitawan ang kwelyo ko at napapikit siya. Inilagay nya ang kamay nya sa kanyang noo.

Tumingin sya sa akin, his eyes still in anger.

"Bakit mo ako pino-problema? May ugnayan ba tayo?" Tanong nya.

Bahagya niya akong itinulak at umalis na sya sa harapan ko. Bago pa siya makalabas, tinawag ko siya.

"D-drew,"

Tumigil sya sa paglalakad. Hindi sya nagsalita.

"Drew, nasasaktan na ako."

Sabi ko. Pero parang wala siyang narinig at tuluyan na syang lumabas.

~*~

"Ayos na, Kimer eh. Nasa 8th floor rin ang room nya. Tapos katabi pa ng cubicle ko. Kaso, diring-diri naman sya sa akin. Parang kinalimutan na nya talaga ako. Pwede mo ba akong tulungan?" Tanong ko kay Kimer.

Nandito kami ngayon ni Khymer labas. Maigi at may bench dito na pwedeng upuan.

"Ayoko. May masasaktan lang." Sabi nya.

Pain ☑️Where stories live. Discover now