Chapter Twenty-Eight

17K 263 2
                                    


CHAPTER TWENTY-EIGHT

Am I

Kulay grey na spaghetti strap na dress ang nabili ko. Si Chanel at Klare ay pareho na ring nakabili ng dress nila para sa pupuntahan naming party mamaya. Si Erin na lamang ang walang nabili.

Nanliliit ang mata ko sa kanya na parang wala lang kung makaasta siya e gayong walang pa naman siyang nabiling damit. Probably there will be someone who'll bought dress for her. Si Hendrix.

Una akong inayusan nina Chanel at Erin at sumunod na rin si Klare. Inaadjust ko na lang ang aking damit nang may narinig naman akong kumatok at nakita kong si Hendrix 'yon. May dalang itim na damit at para nga kay Erin. Tama pala ako.

Based in my observation ay nililigawan ni Hendrix si Erin. Paano kaya napagdesisyunan ni Erin na payagan si Hendrix? Hindi ba niya alam ang tungkol sa tradition nila? O sa tingin nila ay pace lang ang magiging relationship nila kaya tinuloy pa rin nila?

But what I've seen from Hendrix's eyes is different. Everytime he looks at Erin is really something. There was passion and I'm sure it was strong. Ano nang mangyayari sa kanila sa huli? I'm sure they'll get hurt.

Natapos na kaming mag ayos at nandito na rin ang mga boys na nangungulit sa amin.

Mayroong kumatok at pinagbuksan naman siya ni Josiah. Si Pierre iyon na naka tuxedo. Mayroon siyang dala dalang mga mask.

"Here's the masks." Malamig niyang sabi. Kinuha 'yon si Josiah.

"Thanks, bro." Ani Josiah.

Pinasadahan niya ng tingin ang loob ng kwarto. Akala ko ay hinahanap niya lang si Klare pero hindi naman doon nagtigil ang paningin niya.

Kinabahan ako nang sa akin natigil ang paningin niya. Pinsadahan ang buong suot ko at umiling. "Tss." Narinig ko pa yan na sinabi niya.

Kay Klare naman siya bumaling ngayon. "Text me if may kailangan ka pa." Aniya at nalilito namang tumango ni Klare. Umalis si Pierre nang hindi na ulit ako tinitignan.

Lumapit sa akin si Kuya Knoxx at makahulugang tingin ang ipinupukol niya. Parang alam ko na ang mangyayari.

Tumingin ako sa mga pinsan ko na pinagkakaguluhan ang mga mask.

"What's with the two of you?" Bulong ni Kuya.

"Nothing." Sagot ko.

Kuya smirked. "Defensive. Wala pa akong sinasabing pangalan ay may sagot kana." Aniya.

"Sino ba kasing tinutukoy mo?"

"That Pierre." Okay, I'll lied once again. God forgive me please?

"Wala nga, Kuya." Humalukipkip siya. His black polo suited him very vell.

"Don't lie, Dette. He looks at you like he ows you."

Kumunot ang noo ko. "What are you trying to say, Kuya? Hindi no!" Depensa ko. Ganoon nga ba ang mga titig ni Pierre sa akin? O pinapa amin lang ako ni Kuya? But when Kuya did say it, sumaya na parang ewan ang puso ko.

"Are you together?" Lalong kumunot ang noo ko.

"Kuya, no." Sagot ko.

"Or you two split up?"

"No!" Depensa ko.

"Really?" May panunuyang tanong ni Kuya. Dati rati kapag ganito ang usapanay siya ang nangungunang tumutol pero bakit ngayon?

Nagvibrate ang cellphone ko.

Pierre:

I don't like your dress. It's showing a lot of skin.

To LastWhere stories live. Discover now