Lesson Twenty Part 1

1.9K 99 47
                                    

- - - - - - - - - Love you pretties. >_< sorry sa century tuna na UD. Nga pala may kasunod na chapter ito, pinutol ko lang kasi over na sa haba eh.

=Lesson Twenty Part 1=

Ilang minuto din akong naka-upo.  Akala ko hindi na titigil sa pagluha ang mga mata ko pero kusa din itong tumigil at natuyo sa mga pisngi ko. Ng mahimasmasan saka ko naisipang tumayo at naalalang nasa may hagdan pa rin ako. Bago tuluyang bumaba ay lumingon ulet ako para tingnan kung may nakakita sa pag-iyak ko. Inilabas ko ang kanina ko pa pinipigil na paghinga ng masiguro kong wala namang nakakita sa akin, o kahit isa man sa mga kasamahan ni Jeydee o siya mismo. Pumikit ako. Pilit na pinapatatag ang sarili ko. Dinadasal na sana ito na ang huling pag-iyak ko. At ng sa muli kong pagdilat alam ko na nahanap ko ulet ang sarili ko. Umalis ako doon na baon sa dibdib ko ang isang libong milyong determinasyon.

No one messes with me. Itutuloy ko ang plano. Pareho ko silang paiibigin. Ihuhulog ko sila sa patibong na hindi nila alam ay natapakan na pala nila. Huhukayin ko ang pinakamalalim na hukay at sisiguraduhing hindi na sila kailanman makakaahon doon. Sasaktan ko sila, iiwan. Hinding hindi nila makakalimutan ang pangalan ko. Sisiguraduhin kong magsisisi sila at sinaktan nila akong dalawa. Operation Teaching Iggy to love me will now start. This time I’ll make sure that on my process of hurting him, I’ll hurt his brother too. It’s a payment Jeydee should recompense for plotting his wicked scheme. I’ll make them fall deep-shit. I will never back-out. I will never stop until I saw them beg and cry. Until they kneel in front of me, asking for my attention and love. The war is ON. I will win. Defeat is never and ever will be an option, I swear!

Ng tulyang makalabas sa building na yun agad na bumungad sa akin ang preskong hangin. Pero hindi nun napalis ang init sa loob ng puso ko. Andun pa rin ang galit. Napansin ko ang hindi mabilang na dami ng estudyante sa loob ng school. Lahat kanya-kanya ng destinasyon. Bukas din lahat ng mga food stalls at booths. Lahat sila masaya. Grupo-grupo kung maglakad o minsan dalawahan, pero kapansinpansin ang mga mag-kasintahang pagala-gala sa ground ng campus.

I sigh deeply. Ako lang ata ang outcast dito. Nag-iisa. Pero kung tutuusin outcast naman talaga ako, diba? Wala akong gaanong kilala dito sa campus kundi ang mga kaibigan ni Iggy at isama mo na rin ang mga ka-grupo ni Jeydee doon. At dalawa lang ata ang maituturing kong kaibigan sa kanila, si Ishi at si Kim. Bukod tanging sila lang dalawa ang nakakasama ko sa school. At dahil wala sila ngayon kaya nag-iisa ako. Meaning- - - - - - outsider ako ngayon, loner,  walang kasama sa gitna ng mga taong may kanya-kanyang katabi. Kaya nga mas ginusto kong dumaan sa home-schooled program dati. Mula kasi nung iniwan ako ni Iggy sa Amerika alam kong wala na akong magiging kaibigan pa kundi bukod tanging siya lang. Kinaiinisan ako ng mga babae sa school at binubully naman ako ng mga lalaki. Bukod sa naasar sa akin at nagseselos ang mga babae kaya ganun ang trato nila sa akin, ang mga lalaki naman binubully nila ako kapag nalalaman nilang wala akong interes sa kanila. Hindi ko din naman kasalanan kung sa mga panahong yun, tanging si Iggy lang ang nakakuha ng interes ko.

I sigh again. Sa mga panahong nag-iisa ako mas lalo kong naalala si Iggy. Nakakaasar din pala kung nag-iisa ka. Hindi ko alam kung saan hahagilapin si Ishi, at mas lalo naman si Kim. Pero siguro naman andito lang ang mga yun. Kung hahanpin ko si Ishi baka makita ko lang si Iggy. Magkaibiga sila so syempre magkakasama sila dalawa. At sa tingin ko hindi mangandang makita ko ngayon si Iggy, lalo na sa sitwasyon ko ngayon. Baka lalo lang lumaki ang galit na nasa dibdib ko. I should calm down first bago ako humarap sa kanya. So that lead to- - - - - - - - - - - finding Kim first. Hmmmmm………….san ba usually tumatambay si Kim? Sa faculty? Malabo, wala namang pasok ngayon sa academics kaya siguradong wala siya dun. Sa mga benches kaya? Pero nadaanan ko na halos lahat ng benches at hindi ko naman siya nakita. Saan ko kaya siya hahanapin nito?

“Do you have a dress na ba?”

“Huh? Dress for what??? Oh em gee!!! Don’t tell me you make tanong about the dress na you’ll wear sa party ni Don Abelon? And don’t tell me din na you’ll gonna make punta doon? As in?”

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 04, 2012 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

OPERATION: Teaching Him to Love MeWhere stories live. Discover now