Lakad, lakad.
Napaupo nalang ako sa grassland sa park na 'to, ang hirap naman kasi ng pinapagawa mo sakin Papa God.
Flashback
Isa lang ang mission mo, Aleyna. Alalahanin mo ang 7th Heartbreak mo. At kung paano ka namatay. sabi ni God
Ah-eh. Paano po? Wala po akong matandaan sa buhay ko po dati. Di ko po alam kung sino ako kung di niyo lang po sinabi sa akin. matanong kong sabi
Kung magagawa mo yan, may reward ka sakin. Maaaring maging angel ka na dito at mabuhay ng mapayapa. Sagot ni God ng di pinapansin ang mga sinabi ko kanina
Anla, paano po yu-- AAAAAAH! naputol ang sinasabi ko ng parang nalaglag ako sa kintatayuan ko at ang huling nakita ko? Ang pagkaway ni God.
Doon ako napanatag atsaka ko nalaman na sisimulan ko na pala ang mission ko.
End of Flashback
Kaya eto ako, nakaupo sa bench. Wala ngang nakakakita sakin eh. Konti ang tao ngayon, kasi weekday. Wednesday ata ngayon?
Napunta ako sa isang slide. Napaupo ako sa dulo nun. Tsaka ako nagsalumbaba.
Ang unang makakita sa akin--
Miss, pwedeng makitabi? Occupied na kasi lahat ng bench eh. tanong sa akin ni Kuyang Nakahoodie
Ah, okay sig-- TEKA!? NAKIKITA MO KO!!? gulat kong tanong
Oo naman! Ano ako, bulag!? nakikita kong napapatingin na ang mga tao sa kanya
Eh sino ba naman kasi ang matinong tao na nakikipag usap sa multo, diba? -_____-"
Oh, anong tinitingin tingin niyo!? sigaw niya sa mga tao
Mukha namang natauhan ang mga tao sa ginawa niya. Haay, buti nalang walang nagsabing multo ako.
Si Kuyang Nakahood ay may itsura, let me rephrase that, gwapo siya. Pang artista si Koya!
Kuya, pwede po bang magtanong? tanong ko kay Kuya in a really cute way
Nakita ko na nagblush siya. Yah~ Ang cute
N-nagtatanong ka na, d-diba!? sagot niya sa akin na namumula pa rin
P-pwede bang makitira sa inyo? mautal utal kong sabi kay Kuya
Mukha namang nagulantang siya sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi, diba?
A-ano bang pinagsasabi mo? gulantang na bulong niya sakin
Ah-eh, ganito kasi yun. Kailangan mo kong tulungan na malaman kung paano ako nama-- naputol yung sasabihin ko ng bigla kong maalala na baka di niya ako tulungan kasi multo ako
Kung paano ka--? Ano? sambit niya sakin
A-ano. Kung paano namatay y-yung kaibigan ko! Oo, tama yung kaibigan ko! sabi ko sa kanya
Paano kung ayoko? Atsaka isa pa, di kita kilala! Malay ko ba kung magnanakaw ka! sabi niya sakin
Promise, kuya. Mabait po ako! Kuya, kailangan ko lang po talaga ng matitirhan. pagmamakaawa ko sa kanya
Lumuhod ako sa kanya at kumapit sa paa niya.
Koyaaa! Sige na naman na po!
Nararamdaman kong ginagalaw galaw na niya yung paa niya para kumawala ako sa binti niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/11830741-288-k735821.jpg)