‡ANONYMOUS PRINCE‡

187 8 0
                                    

†DANIEL'S POV:†


Malawak at malamig ang hangin sa aking kinakasandalang puno. Tahimik lamang ako nakapikit habang dinadama ang hangin ng biglang may isang bagay ang tumama sa aking ulo.






Napatingin naman ako sa aking harapan at nakita ko ang nakakunot-noo na nakatayo na babae na siyang aking pinakamamahal habang nakahalukipkip. Tiyak manenermon na naman.







"Hoy tamad . hayahay ang buhay natin ... Tumayo ka nga diyan kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala. Hala tayo na at may gagawin tayo hinihintay na tayo ng mga members natin. Nagcutting ka na naman .."=  walang sawang sermon nito sa akin sabay hila sa aking kamay . Hindi naman ako mahilahila . kawawa. :)







"Nanahimik ako ginagambala mo na naman ako kahit kelan napakakulit mo kaya ito ang parusa mo ."= ngiti kong sabi sabay hila naman sa kanya. Isang hilahan lang napasubsob na agad siya sa dibdib ko at agad ko niyakap.







"Daniel , naman eh :3 ... Papagalitan  Na naman tayo ...sabihin naglalandian lang tayo dito .halika na tumayo ka na "=inis niyang sabi sabay pilit na kumalas pero mas malakas ako sa kanya kaya mas hinigpitan ko pa ang yakap.







"Hayaan mo sila doon kaya na nila yan. Bakit ayaw mo bang makasama ang boyfriend mo ?"= seryosong saad ko kaya napaharap siya sa akin.






"Aysus ang baby ko nagtatampo na naman . gusto kita kasama noh ..kaya ngiti na diyan .."= sabay kurot niya sa pisngi ko . Ginawa na naman akong bata nito.







"Sige nga kiss mo ko dito kung gusto mong kasama ako "= turo ko sa lips ko . napangisi naman siya sa inakto ko.







"San ba dito "= turo niya sa may pisngi ko pero napailing lamang ako ko bilang sagot at pag-ayaw.







Agad niyang tiningnan ang mukha ko at unti-unting lumapat ang kanyang labi sa akin. Maya-maya nilayo niya ito sabay ngumiti ng matamis....ngunit kasabay nito ang unti-unting paglaho ng kanyang ngiti na siyang napalitan ng mga luha at pangamba.










Life Against Death Donde viven las historias. Descúbrelo ahora