♡ freaky 49: Too much. Too much.

398 23 4
                                    

Napagod na akong magalit, napagod na akong sumigaw. Nawalan na ako ng lakas. Sobrang pagod ang nararamdaman ko. Kaya tahimik lang akong nakikinig sa usapan ng doctor, ng mga pulis, at ng mga magulang ko saka ang tita ni Eiko. Sunod na dumating si Krypton at Ched habang umiiyak sa gilid si Julie. 

Pansamantalang hinatid ako pauwi ni Krypton habang naiwan sina mama sa ospital para magbigay panayam sa mga pulis at media.

pagdating sa bahay, datnan pa rin naming may mga basag na salamin sa sahig, basa at may mga bahid ng dugo sa dingding kung saan tumama ang ulo ni Eiko. Pumulot ako ng isang dangkal na laki ng basag na salamin at tinimbang to sa kamay ko.. wala akong maramdaman, tila ba nagmanhid lahat ng ugat ko

saka ko lang namalayan na humihikbi na ako ng luha nang tinapik ni Krypton ang balikat ko at pinaupo ako sa sofa. sobrang tahimik ng bahay, at hindi kumikibo si Krypton.

Hindi ko na alam ang gagawin ko.. gusto kong tumayo at tumakbo palabas ng bahay, sumigaw sigaw sa bawat bahay , hanapin si Eiko.. isigaw ang pangalan niya.. pero sobra akong pinanghihinaan ngayon, sobrang daming nangyari sa loob lang ng ilang oras.

napakasakit isipin na kung kailan naalala ko na siya, ngayon namang nawala siya.

"Onyx". tinapik ulit ako ni Krypton, hindi ko namalayan na umalis siya at pagbalik ay may dalang tela. Saka ko napansin na dumudugo na yung kamay ko dahil sa pagkahigpit ng hawak ko sa basag na salamin.

Habang tinatalian niya yung kamay ko

"Hindi ko sinasadya.. hindi ko ginusto.."

nakatingin lang ako sa kaniya at nakikinig, masyado akong napagod hindi ko kayang magsalita

"patawarin mo ako at nasaktan ko siya.. hindi ako nag-ingat, hindi ko sinasadya"

akala ko ganun lang talaga boses niya, pero napansin kong tumutulo na rin ang mga luha niya

"tutulong ako hanggat sa makakaya ko, sabihin mo lang kung anong kailangan mo"

"hanapan mo ako ng kotseng itim, na may pulang marka sa gulong" sambit ko, napatingin siya at napa-kunot ng noo

"yung may-ari non ang kumuha kay Eiko" binigay ko ang plate number kay Krypton, sambit niyang asahan ko ang resulta ng paghahanap kinabukasan dahil may mga connections siya sa pulis para mas mapabilis ang paghahanap.

binuksan ni Krypton ang TV at biglang bumunyag ang balita tungkol sa pagkawala ni Eiko. Naging balita din yung ginawa niya kanina na nagsalita sa harap ng news office. wala pang 12 hours, pero kalat na sa buong mundo ang kwento ni Eiko. bigla nanaman nag-init ang ulo ko, sa mga balita sa TV pinamumukha nilang patay na si Eiko. May mga katrabahador siya na in-interview.

"Eiko is a very sweet daughter to me, although hindi ko talaga siya anak.. kaya pls Eiko, come back.. maraming nangmamahal sayo" sabi ng isang bakla. Tangina lang! Yan ang hindi kagandahan sa media! walang kaalam-alam ang mga tao binabaligtad lang nila ang kwento!

tumayo si Krypton saka isinara ulit yung TV

"Huwag ka nalang muna manuod, ipahinga mo nalang"

"Tingin mo makakapahinga ako sa lagay na to?!" pasimula kong pagsigaw nanaman sa kaniya. Inakala ko makikipagtalo ulit siya, pero nagbuntung-hininga nalang siya at naglakad patungo sa pintuan

"magpahinga ka, hhintayin mo tawag ko tungkol sa kotse"

lumabas na siya ng bahay at iniwan ako sa gitna ng dilim ng bahay na ang tanging ilaw ay ang papalubog na araw mula sa mga bintana.

wala na akong ibang magawa kundi makinig sa sarili kong pulso at magdasal nalamang.

inihiga ko ang sarili ko at nagpakawala ng isa pang luha.. bago ko ipinahinga


</3

Meet The WarFreak II [OFFICIALLY ONGOING NA!]Where stories live. Discover now