● Casanova 9

370 6 0
                                    

*( Keita Lee POV )*

Madaming nakasabit na kung ano ano na banner sa paligid. Kasi madami ding booth ang nagkalat. Para na tuloy tong school fest. Kakatapos lang namin magpractice ni Coach Albi. Madami na ding tao sa labas kailangan ko nalang magpalit. Hindi ko naman kailangan magmadali dahil mga babae muna ang mauuna. Ako nalang ata ang nasa locker room kasi lahat ng kalalakihan nanunuod dun. Psh . Mga manyak.

Nalungkot tuloy ako. Hindi tuloy makakapanuod si Charity . Di bale , ibibigay ko nalang kay Charity yung medal na makukuha ko. Kailangan ko talagang manalo. Maya maya dumating nadin yung mga co-contestant ko. Siguro tapos nadin yung game ng babae.

"Grabe , ang bilis lumangoy ni Ciarra at ang sexy pa!"

"She look so perfect in her swimming clothe"

"Agree, She got the looks ."

Si Ciarra? lumaban? Seryoso ba sila? Yung malanding yun marunong lumangoy? 

"Ah? Pwedeng magtanong?" Pasintabi ko sa kanila. Tumungo tungo naman sila.

"Sinong nanalo kanina?"

"Si Ciarra Del Rosario ang nanalo. Grabe lang Dude . Dapat nanuod ka. Di mo tuloy nakita yung mga chix na contestant pero sympre , pinaka sexy si Ciarra." ang dami naman atang sagot nun? Simpleng Ciarra lang naman ang pwedeng isagot hindi yung kung ano ano ng ikinuwento.

"Ahh. Ganun ba?" tumungo tungo nalang ako. Sabay naman din ng pagtawag saming mga lalaki.

"Brad? Bat di ka pa nagpapalit?" tanong sakin ni Ian. Kasali pala tong playboy na to?

"Ito na. " Pumasok ako sa isang fitting room. Isinabit ko nalang yung shorts ko at pinaltan ito. dire-diretso nadin ako nagmamadali na kasi si Ian . Pinapalabas na ako. Ang weird niya lang kasi naka ngisi habang naglalakad kami.

"HAHA! Ano bang klaseng swimming trunks yan?" Ulit ulit ko yang naririnig. Hindi ko nalang pinapansin. Hindi naman siguro ako yung pinag uusapan nila. Maski pag pasok na namin sa lugar kung san kami maglalaban laban eh nagtatawanan na ang lahat. Ulti mo yung host nagtatawa. Bahala man yan. Pagtingin ko naman kay Sir Albi seryoso lang siya sakin nakatingin.

"Get on your position." ginawa ko naman iyon pero bago yun sinuot ko muna yung googles ko at yung sa ulo ko. Diretso lang akong nakatingin sa harapan. Medyo sikip ata yung suot ko.

"Hahaha.. Get on your position!" pag uulit nung referee. May intro pang tawa. Tsk. Tinignan ko yung mga nasa gilid ko. Nakaposition lang din sila. Pagkakaiba. Lahat naka ngisi. Ano bang nangyayari lintik naman.

"Pag narinig niyo ang putok ng baril mickey mouse...." Bakit nakatingin sakin tong referee? Sinabayan pa ng tawa ng mga katabi ko. Binaliwala ko nalang ulit. Okay . I have to focus for the win.

"Ibig sabihin nagsimula na huh? 3 2 1 *POK*" At yun na ang simula. Agad naman akong tumalon at nagsimula ng lumangoy . Buti nalang kahit wala si Charity meron namang nagchecheer sakin. Paki ramdam ko nga kalahati ng audience ako ang chinicheer. May kwenta din pala itsura ko.

"Keita Lee on the Lead!" rinig ko yung MC kahit nakaloblob ako sa tubig. Mas lalo ko tuloy binilisan. After several seconds nakarating din ako sa starting point.

"And our winner is Mickey mouse! I mean Keita Lee!" naghiyawan naman ang lahat. Nakakapikon na yung mickey mouse . Ano bang meron sa Mickey mouse na yan?!

"San mo ba nabili yang swimming trunks mo?" bulong sakin nung Mc. Hindi ko naman nagets.

"Keita babes!" biglang may sumulpot na linta sa gilid ko at niyakap ang braso ko. Agad ko naman tinanggal yun.

The Female CasanovaNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ