✓ Part 1- We're The Same After All

2.8K 81 1
                                    

We're The Same After All

(Chase POV)

Hawak ko ang phone ko na para bang may inaabangang magtext o tumawag. Sa single at di pinili na katulad ko, sino naman kaya ang maka-alala?
Binuksan ko ang Facebook account ko.
Casualy, swiping at the screen and looking at my news feed, but there's tension in me when I saw Angie's post. Nasa U.S. siya, ibig sabihin sinundan niya si Isaac.
Alam kong mahirap para sakanya yon pero sinundan niya talaga ang taong mahal niya kahit alam niyang ikakasal na ito sa iba.
She's not giving up on him. Mahal ko din si Isaac pero alam kong mahal niya si Angie kaya matapang na sumunod si Angie sakanya at ako wala akong lakas ng loob para sundan siya at pigilang magpakasal. I feel so pathetic.

Binuksan ko uli ang phone ko dahil naglights off ito sa tagal kong natulala. Tiningnan sa gallery ang mga pictures ni Isaac.
Nakatingin lang ako sa mga mata niya sa picture. Napabuntong hininga ako. Bakit siya pa ang pinili kong mahalin kahit alam ko naman noong una palang na hindi ako ang babaeng matitipuhan niya. Isa lang ako sa mga babaeng mahal na mahal siya at gusto siyang makasama.
He is a famous prince.
He occupied a lot of space in my heart and mind. Ikakasal na siya hindi ko man lang na-amin sa kanya ang nararamdaman ko, kung gaano ko siya kagusto. Damn!

I'm not sure of myself enough to speak to him about my feelings. I'm so scared. The fact na babae ako, nakakahiya umamin sa lalaking gusto mo at kaibigan ko pa siya. Malapit na kaibigan. So hard being a girl.

.. Isaac Calling..
Biglang nag-appear sa phonescreen ko kaya muntik ko na maitapon ang cellphone ko.

"Hello Sac? "Sagot ko agad ng tawag niya.

"Hi Chase." Damn, his voice so nice.

"Oh bakit napatawag ka? Nandyan na ba si Angie? Sabi kasi ni Gela sumunod daw siya sayo. Is she alright? "Alalang tanong ko. Making sure that Angie is with him.

"Angie is here and fine don't worry I'll take good care of her." He assured.

It hurts but feel relived knowing Angie is safe with him. They're still both my friends.
"Hmp bakit ka napatawag?"

"Please, help me. Gusto kong pakasalan si Angie pagdating namin diyan. Gusto ko sanang hanapin mo para saakin ang parents niya. " Halata sa boses ni Isaac ang excitement.

Natahimik ako. Isaac is my friend, my best friend. Model siya ng clothing business ko, kahit di naman niya kailangang mag model dahil mayaman na siya, pinagbigyan niya parin ako sa kagustuhan niya makatulong saakin.

May ari siya ng hotels at halos nasa kanya na lahat, pumayag parin siyang maging model ko.

What are friends for, hmp.

Minahal ko na siya noon pa, siguro dahil sa matagal na kaming nagkasama, gwapo siya at mabait.

Umasa pa naman ako sakanya, tapos ngayon, tinatawagan niya ako para ipaalam na papakasalan niya na ang matalik kong kaibigang si Angie.

It hurts huh. Malaman mong magpapakasal na ang lalaking mahal mo tapos sa bestfriend mo pa. Ang sakit parang nakakapanghina.

"Chase are you still there? "Rinig kong tanong ni Sac pukaw ng isip ko.

"Ah eh, yeah, yeah. Ako na bahala para doon. I'll go find her parents. " Yeah, ako na bahala sa feelings ko. I have to kill this feelings, I really have too. This must be, an unrequited passion. So sad. Mapait akong ngumiti.

"Sige, see ya Chase. I'll explain everything to you, paguwi namin ni Angie. "

"I see. No worries." Mahinang sagot ko.

Dapat lang magexplaine siya, dahil una, iniwan niya si Angie dahil mapapakasal siya kay Elaine sa States, tapos ngayon tumawag siya para sa planong pagpapakasal kay Angie. Anong nangyari?

Meant To Be YoursWhere stories live. Discover now