Si Araw at Ulan (One shot)

7.7K 211 32
                                    

Copyright © 2014 Si Araw at Ulan by littlemissselle | One shot story |

All Rights Reserved.

Credits to the owner of the picture used as the cover photo.

***

Ang pagmamahal ni Sunny sa ulan.

            Kilala si Sunny bilang isang masiyahin, makulit, at madaldal na bata. Sa paningin ng iba ay akmang-akma ang kaniyang pangalan sa kaniyang personalidad. Siya ay taga-paghatid ng good vibes sa mga nakaka-kilala sa kanya. Mukha siyang taong walang pino-problema sa buhay, positibong tao kumbaga, dahil hindi siya mabilis mawalan ng pag-asa. Kung nakikita mo lamang si Sunny ay gugustuhin mo siya maging kaibigan dahil mukhang masaya siya kasama.

            Naniniwala ba kayo na ang mga taong masiyahin ay lagi na lang masaya? May toyo sa utak? Oo, ‘yan si Sunny, may saltik. Isa siya sa mga taong gustong-gusto kapag umuulan. Kabaliktaran ng pangalan niya hindi ba?

            Kilalanin pa natin lalo si Sunny na ang gusto ay laging rainy.

            Hindi sa tamad pero parang ganoon na nga si Sunny. Malimit mo siya makita sa mall, sa park o sa kung saan man madalas tumambay ang isang teenager na tulad niya dahil isa siyang tambay sa bahay maliban na lang kung may kailangan talaga puntahan at kung papayagan siya ng kaniyang magulang sa kaniyang fangirl moment. Nakaupo sa harap ng laptop, nagpe-facebook, nagti-twitter, at nagwa-wattpad habang nagsa-soundtrip, ‘yan ang tipikal na buhay meron si Sunny kapag walang pasok. Eh bakit nga gustong-gusto niya ‘pag umuulan?

            Noon ‘pag pumapatak na ang ulan ay nagiging hyper na siya, agad-agad na tatakbo sa mataas at puting gate nila sabay sigaw ng, “Mama maliligo po ako sa ulan!” Papayagan naman siya pero may nagbabantay pa rin naman sa kaniya. Naka-unat ang kaniyang mga braso at magpapaikot-ikot na tila ba gustong-gusto niya ang pagbagsak ng ulan sa kaniya. Tatakbo siya at maliligo sa ilalim ng alulod na para bang sa shower siya naliligo. Madalas din siya mapag-trip-an ng mga kalaro niya. Isang beses nagtaka siya kung bakit parang walang pumapatak na ulan sa kaniya kahit na umuulan pa rin naman. Kumunot ang noo niya, “Ay, wala na bang ulan?” Nakarinig siya ng mahinang hagikgik mula sa kaniyang likod at nakita niya roon ang kaibigan niya na pinapayungan siya. Tinignan niya ito ng masama pero maya-maya ay bigla silang nagtawanan at naglaro na muli sa ulan.

Madalas sabihan si Sunny na masaya ang buhay niya dahil nag-i-isa siyang anak. Masaya raw kasi nabibigay lahat ng gusto niya. Masaya raw kasi solo niya yung atensyon ng magulang niya. Masaya raw kasi may sarili siyang kwarto. Masaya raw kasi wala siyang kaagaw. Masaya raw kasi wala siyang kaaway. Hindi lang nila alam na marunong din naman malungkot ang isang solong anak na tulad ni Sunny. Wala siyang kakampi. Wala siyang karamay. Nasa kwarto si Sunny at nag-i-internet nang marinig niya ang malakas na sagutan ng kaniyang mga magulang. Lumabas siya para silipin sila at nakita niyang nakahawak na sa dibdib ang kaniyang ina na may sakit sa puso. Agad siyang pumunta sa kusina para kumuha ng tubig ngunit nang i-abot niya na ito ay tinabig lang ‘yon ng kaniyang ina dahilan upang matapunan siya. Imbis na pagka-habag ang iparamdam sa kaniya ay sinigawan pa siya nito, “’Wag kang nakikialam dito! Bumalik ka sa kwarto mo!” Nagulat naman siya at pinatong na lamang ang baso sa lamesa at tumakbo papasok sa kaniyang kwarto. Patay ang mga ilaw, kinuha niya ang unan niya at inakap ito. Hindi na niya napigilan ang pagtulo ng mga luha niya. Rinig naman niya ang pagbagsak ng ulan. Lumapit siya sa bintana at napasabi na lang ng, “Hi Rainy.” Pakiramdam niya mag-isa siya. Walang masabihan ng problema. Walang mapagsabihan ng lungkot na nararamdaman niya. Walang nagko-comfort sa kaniya na kuya o ate. Ang tanging naging karamay niya ay ang ulan.

Si Araw at Ulan (One shot)Where stories live. Discover now