CHAPTER 10

11.6K 206 8
                                    

UNFAITHFULLY YOURS
CHAPTER 10








ANDREI'S POV

It's our wedding day, wala na yatang mas sasaya pa sa akin dahil sa wakas ay ikakasal na kami ni Samantha.
Nagsimula na ang kasal, naglakad na ang mga bridesmaids at groomsmen pati ang mga principal sponsors. Naglakad na rin ako at sinalubong ako nila mommy at daddy sa gitna at naglakad papunta sa harap ng altar. Inaabangan naming lahat ang pagpasok ni Sam.
Pagbukas ng pinto ay naluha ako nang makita ko siyang papasok sa simbahan at naglalakad sa aisle papalapit sa akin.

Sobrang ganda ni Sam habang suot ang puting wedding gown. Simple lang ang makeup niya dahil sa effortless beauty niya.

As I stand here before my woman
I can't fight back the tears in my eyes
Oh, how could I be so lucky
I must've done something right
And I promise to love her for the rest of my life

SAMANTHA'S POV

Habang naglalakad sa aisle ay nakangiti ang mga guests sa akin. Sinalubong ako nila mommy at daddy at naglakad kami papunta kay Andrei.

Kumaway sa akin si Cassie, Beatrice, Lauren at Kylie at nginitian ko sila, sila ang mga bridesmaids ko at hindi ko sinama si Stella kahit na pinsan ko siya.

**FLASHBACK**

"May bisita po kayo ma'am Samantha."

Pagtingin ko ay kasama ng maid namin ang malanding ahas na handang pumalupot kahit kanino.

"You can leave." Sabi ko sa maid.

"Hi couz." Bebeso sana si Stella nang iwasan ko siya.

"Why are you here?" Tanong ko.

"Grabe ka naman sakin, parang hindi tayo magpinsan ah?" Sarkastiko niyang sabi.

"I just want to give you this."
Inilabas niya ang sexy lingerie mula sa paper bag.

"I don't need that kaya makakaalis ka na." Saka ko siya tinalikuran.

"Believe me, magugustuhan ito ni Andrei lalo na kapag sinuot mo ito sa honeymoon niyo."

"I said makakaalis ka na." Mariin kong sabi.

Tumawa siya at naglakad palapit sa akin.

"Ang martyr mo din noh? Niloko ka na nga ni Andrei pero papakasalan mo pa rin siya. Bakit hindi mo na lang kami hayaang maging masaya?"

Tila nagpanting ang tenga ko at tumaas ang dugo ko. Muli akong humarap kay Stella at sinampal ko siya ng malakas, bakas sa muka niya ang pagkagulat.

"What the hell." Inis niyang sabi.
Ito ang unang beses na nanampal ako ng babae and I'm glad dahil ang malanding pinsan ko ang una kong nasampal.

"Ang kapal rin talaga ng muka mo noh? Ganyan ka naba ka-desperada?"

Hindi siya umimik at nagsalita pa akong muli.

"Kapag hindi ka tumigil sa kalandian mo isusumbong kita kina tito at tita pati na rin kina lolo at lola."

Tumalikod siya at madaling umalis ng kwarto ko.

**END OF FLASHBACK**

Naiinis ako sa tuwing maaalala ko ang pangyayaring iyon kahapon, but no, I won't give Stella the satisfaction of winning. If I give up on Andrei, edi magtatagumpay siya sa pang-aahas at kalandian niya. That's why I'm here, at magpapakasal ako kay Andrei.

Unfaithfully Yours - COMPLETED (For Mature Readers Only)Where stories live. Discover now