Ouija

5 0 0
                                    

Ouija

Siguro naman halos lahat satin alam ang ouija? Spirit of the glass? Isa ako sa nagtest kung totoo nga ba ang larong yun. Ako ang nag-aya sa mga katropa ko na maglaro nun, di ko naman alam na ganun pala ang kahahantungan ng akala naming isang laro lang.

2013 yata nun nung nauso sa klase namin yung spirit of the glass, walang sumusubok pero usap-usapan. Dahil nga sa tapang-tapangan kuno ko, inaya kong magstay yung mga kaibigan ko, apat kami nun, dalawang lalake at dalawang babae

Talagang nagresearch ako kung paano gawin yung spirit of the glass na yun, kung ano yung ritual na sasabihin at kung anong pwedeng mangyari.

Sa labas lang kami ng school nun, sa may bakanteng lote ilang bahay ang layo dun sa school. So ayun naghanda ako nung board namin na desulat. Habang yung isa naman may dalang babasaging baso. Tas nagdala din kami ng chalk, semento yung lote dun kasi kakasira lang nung bahay na nandun. Nagdrawing kami ng star, yung dalawang triangle na pababa at pataas saka ilog sa gilid nun. Naglatag ng kandila sa may gilid. So ayun nilatag na namin yung kailangan.

Nagsimula na akong bumulong ng dasal, nakalimutan ko kung anong lenggwahe, matagal na din kasi saka makakalimutin ako. Skl. Bumuga ng malakas na hangin nung sabay naming binulong yung """"Spirit, spirit, join us, come with us, play with us.""""

Nung una ayos pa, sa naalala ko ang unang sabi namin nun """"Spirit, spirit, are you with us? If so, blow one of the candles"""" Ako pa yung unang nagtanong nun, namatay yung isang kandila na nasa likod ko pero biglang nagkaapoy daw ulit yun. Di ko makita kasi nakatalikod ako, pero based dun sa may reflection ko, namatay nga yung kandila.

We were just asking questions, hindi sentimental, yung mga tanong na, bata ka pa ba o matanda, personal questions. Hanggang sa dumating kami sa tanong na bat ka namatay. Ang tahimik ng paligid, kinikilabutan kami pero nag eenjoy kami sa ginagawa namin.

Gumalaw na yung baso, sa may M-Y-D-A-D-K-I-L-L-E-D-M-E-W-I-T-H-M-Y-S-I-S-T-E-R. Yung isa naming kasama nangangatog na sa takot, yung isang lalake naman yung naglakas loob magtanong. ""What happened to your sister after she died?"" Sumagot ulit yung mukto, S-H-E-W-A-S-E-A-T-E-N-B-Y-T-H-E-D-A-R-K-N-E-S-S or 'She was eaten by the darkness'. Nagulat naman kami, hindi kami nakagalaw masyado nun nung biglang magtanong si Lisa, yung takot na takot kanina. """"Are you with her right now?"""" Tanong nito nang biglang umurong yung baso.

Nang makita namin yung sagot bumitaw nun si Lisa and muntikan niya pang basagin yung baso, fortunately we gripped tight on it, kasabay nung sigaw niya eh ang bilis ng paggalaw ng baso. Ang nabasa ko na lang eh 'You will die, Lisa' Pero meron pa yung nauna. Bago pa man maghysterical talaga si Lisa eh nagpaalam na kami dun sa multo agad.

Ang sagot kasi ay, 'Yes.' Ilang araw matapos nun, nawala yata sa sarili si Lisa, kinabukasan pagtapos lang siya nakapasok, tapos nakatakip pa siya ng tenga at takot na takot sabi niya """"Papatayin niya ako, binulong niya sakin yun"""" paulit-ulit.

One week after nalaman naming nilaro niya yun mag-isa, hindi namin alam kung sinong nakausap niya at anong napag usapan dahil siya lang yung nakakaalam nun. Matapos niyang maglaro ang hinala namin binasag niya yung baso and committed suicide. Matapos nun di na namin pinag usapan yung spirit of the glass at si Lisa.

Jenna

Horror short storyOnde histórias criam vida. Descubra agora