Chapter 4

201 5 0
                                    

"Good evening po senyorita. Gusto nyo po bang ipaghain na po namin kayo ng hapunan?" Bati at tanong kay Candice ng mga katulong pagkadating niya sa mansion.

"Si Lolo?" Tanong niya sa mga ito. Pero alam na niya ang sagot dun. Lagi naman itong halos inuumaga sa pag-uwi. Hindi na nga niya matandaan kung kailan huling beses niya itong nakasabay na kumain. Mag-isa na nga siya sa eskuwelahan mag-isa pa rin siya sa bahay. But still hindi pa rin siya masanay. Nalulungkot pa rin siya.

Imbis na kumain ay dumiretso na lamang siya sa kanyang silid at binuksan ang TV. Nagkataon namang balita tungkol sa mga militanteng nagrarally at nagsusunog ng effigy ang pinapalabas.

Naisip na naman niya tuloy si Victor. She keeps convincing herself na boredom ang dahilan kung bakit madalas itong nagsusumiksik sa isip niya. But she knows better. She was intrigued by him because he's different.

Sanay siyang hinahangaan ng mga kalalakihan. So she expected na isa ito sa magpapapansin sa kanya. But he never did. Abala siguro ito sa mga babaeng naghahabol dito. She cringed at the thought.

But then doon din niya narealized na kailangan niya ito. Dahil marami itong admirers kailangan niya ang impluwensya nito para mapabilis ang pag angat niya sa social ladder. Pero paano ba niya ito lalapitan without looking too eager for his help? And the fact na hindi naging maganda ang una nilang pagkikita theres a big possibility na tanggihan siya nito. Bahala na bastakailangan na niya itong makausap sa lalong madaling panahon.

Kinabukasan ay maagang pumasok si Candice para siguradong maabangan niya ang pagdating ni Victor. She has this inkling na iniiwasan siya nito kaya naisip niyang i-corner ito sa gate pa lang. Hindi naman naging matagal ang kanyang paghihintay.

Natanawan niya ito na naglalakad papalapit sa kanya. Dahil sinadya niyang magtago ay di siya nito napansin. Kaya nang magpakita siya ay halata ang pagkabigla nito. Sandali itong napahinto sa paglalakad. Dun na siya kumilos.

"Hello." bati niya agad dito. Naningkit ang mga mata nito. Sandaling tumingin sa paligid bago binalik ang atensyon sa kanya.

"Ako ba ang kinakausap mo?" Tanong nito.

"Meron pa bang iba? Eh Sayo lang naman ako nakatingin."

"Anong kailangan mo sa akin?" halata ang duda sa boses nito.

"Wala ka rin talagang paligoy ligoy. But I like that. Puwede bang mag usap tayo somewhere private?"

"May klase pa ako. Sa loob na lang tayo ng eskuwelahan mag usap." Suhestyon nito.

"Okay." at sumunod na nga siya dito.

Nang nasa lugar na sila na medyo malayo sa mga estudyante ay tsaka siya nito hinarap.

"Magsalita ka na. Anong kailangan mo sa akin." Kahit ramdam niya ang indifference sa boses at pakikitungo nito ay hindi siya nadeter.

"I have a proposition for you."

Medyo tinaasan siya ng kilay nito. "Nakikinig ako."

"Well napansin mo naman siguro medyo nahihirapan akong mag adjust dito. So I was wondering if you can help me get acclimated here. Don't worry ill pay you one thousand pesos a week. Ang gagawin mo lang kunyari close tayo. The students here like you at pag nalaman nilang magkaibigan tayo hindi na sila maiilang sa akin. What do you think?" mabilis niyang paliwanag at tanong dito.

"AYOKO." Walang pag-aalinlangang sagot nito.

"What?!" Tinatanggihan mo ako? B-bakit?" Hindi makapaniwala si Candice. Ni hindi nito pinag-isipan ang isinagot sa kanya.

"Linawin nga natin ang mga bagay-bagay. Gusto mo maging magkaibigan tayo at kapalit noon eh babayaran mo ako. Tama ba ako?" tanong naman nito sa kanya.

"Oo, kailangan kita para hindi na maintimidate ang ibang estudyante sa akin. They like you at dahil magiging magkaibigan tayo they will eventually like me." sagot niya dito.

Iba ka rin talaga ano? Gusto mo akong bayaran pero ni pangalan ko hindi mo tinatanong. At hindi ka man lang nagpakilala sa akin."

"Oh I'm sorry akala ko alam mo na. I'm Candice Benitez. At di ko na tinanong ang name mo dahil alam ko na. You're Victor, student council president. I've done my research."

"Kaanu-ano ka ni Don Teodoro Benitez?" Tanong nito.

"Apo niya ako."pagmamalaki niya dito. Kilala ng mga estudyante ang lolo niya dahil isa ito sa benefactor ng eskuwelahan. May building pa ngang nakapangalan dito. "So you see kaya kitang bayaran. Hindi naman mahirap yon. Kailangan mo lang samahan ako lagi. Tapos ipakilala mo rin ako sa mga kaclose mo."

"Kulang ka sa research kung iniisip mo na mabibili mo ako ng pera."

Sagot nito.

"Fine kung mababa ang one thousand pesos per week dodoblehin ko pumayag ka lang."

Napailing na lamang ito sa sinabi niya at tinalikuran na siya nito para umalis.

FOR KEEPSWhere stories live. Discover now