His Lie In April

94 10 24
                                    

The day we knew each other is unforgetable. Naitulak kita sa pool noong birthday party mo sa bahay niyo ng hindi ko sinasadya. Naka-formal attire ka pa noon at talagang nakaayos ka. Sobrang nahiya naman ako dahil hindi mo naman ako kilala noon in the first place at hindi rin ako invited doon. Isinama lang ako ng classmate mo na kaibigan ko, hindi naman ako makatanggi noon dahil may kasunduan kami. Sa sobrang hiya ko ay hindi na ako nagtagal doon.

Napansin mong magka-schoolmate tayo. Naiinis ka kapag nakikita mo ang mukha ko lalo na kapag magkasalubong tayo. Sumisimangot ka at nagwawalk-out dahil sa kahihiyang nagawa ko sa iyo. Lagi mo akong iniiwasan tuwing lalapit ako, magsosorry lang sana ako.

Minsang lumapit ako sa pwesto niyo ng mga barkada mo at aktong aalis ka nanaman para iwasan ako ay hinila na kita. Pinaalam kita sa mga kaibigan mo at nagtaka naman ako kung bakit ka nagpahila sa akin at hindi ka tumanggi. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga mo.

Nagsorry ako sayo ng nagsorry. Sincere 'yung sorry ko. Nagulat ako nang agad mo akong pinatawad kahit na sobrang naiinis ka sa akin. O kaya naman pinatawad mo lang ako para hindi na kita magulo sa sunod? O kaya para hindi na kita makausap pa ulit pa para humingi ng tawad?

Pero hindi. Papatawarin mo talaga ako. Sabi mo, gusto mo akong ligawan. Mapapatawad mo lang ako kapag nagpaligaw ako sa iyo.

Oo nagulat ako doon. Nagulat dahil hindi ko iyon inaasahan. Akala ko may inis ang pagpapatawad mo sa akin. Akala ko susungitan mo ako. Akala ko hindi mo ako kakausapin. Pero mali ako, dahil ang totoo ay nagtapat ka.

Sabi mo, matagal mo na akong gusto. Sabi mo, matagal mo na akong sinusubaybayan at ikaw pa ang nagpapunta sa akin noong party mo gamit ang kaibigan kong classmate mo.

Sabi mo, hindi ka nagalit sa akin noong hindi kita sinasadyang natulak sa pool. Sabi mo ay mas natuwa ka pa dahil nakuha mo ang atensyon ko. Sabi mo pa, ang saya mo noong nahawakan mo ang kamay ko noong tumalon ako sa pool para tulungan ka. At sabi mo pa ay kaya ka lang naiinis ay dahil hindi mo maitago ang kilig mo... which made my heart move and stepped closer to you.

Ang totoo ay matagal na rin kitang napapansin pero hindi ko alam noon na gusto na pala kita. Saka ko lang ito napagtanto noong nag-usap tayo, noong umamin ka sa akin.

Tatlong buwan mo akong niligawan bago kita sinagot. Sobrang saya mo noon at sinagaw mo pa sa building natin na tayo na. Marami ang napatigil doon pinalakpakan tayo noong niyakap mo akong ng mahigpit. Sa yakap mong ramdam ko ang salitang pagpapahalaga at pag-iingat.

Naging matagal ang relasyon natin.

Pinaramdam mo sa akin ang mga pakiramdam na hindi ko pa naramdaman bilang isang girlfriend. Hindi mo katulad ang una at pangalawa kong naging kasintahan. Malayong-malayo ka sa kanila. Sa inyong tatlo, ikaw ang pinakaaangat. Hindi ako aalis sa piling mo hangga't ako parin ang nasa puso mo.

Minahal mo ako sa paraang hindi ko malagpasan. Oo, mahal kita. Mahal na mahal kita. At handa akong maging iyo ng buong-buo gaya ng sinabi mong akin ka ng buong-buo.

Kahit na nag-aaway tayo ay hindi mo ako iniwan na mag-isa. Nandyan ka pa rin kahit na magkagalit tayo. Hindi ka umalis sa tabi ko at inaayos agad ang problema natin. Lalapit ka sa akin at yayakapin mo ako saka ka unang magsasabi ng sorry. Ikaw ang unang nagsosorry kahit na ako naman ang nag-umpisa ng away natin. Ayaw mo lamang itong palakihin at lumala pa. Napaka-understanding mo at hindi ko naman inaabuso iyon dahil mahal kita.

Nagtagal pa tayo.

Marami tayong pinuntahan. Marami tayong memories. Marami tayong pangarap na ginawan pa natin ng plano. Marami tayong promises... mga pangakong pinangako nating tutuparin nating magkasama.

His Lie In AprilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon