chapter 2:Ako si jushel

65 3 1
                                    

"Ako si jushel"  sinabi niya ito ng may kasamang ngiti pagkasabi niya niyon tumambay muna at nakipag kwentuhan habang tumatagal mas nababawasan ang takot ko sakanya sa totoo parang normal na babae lang pala siya

Tsaka para mga nagtataka kung bakit walang ibang tao sa banyo ayun ay dahil natatakot ng sila sa babae sa salamin kahit na di sila naniniwala duon pinapaniwalaan nila na nababaliw daw o mamatay ang nga nakakakita sakanya

Ako di ako naniniwala sa babae sa salamin kaya qko lang ang matapang na pumupunta dito pero nakikipag kuwentuhan na nga ako sakanya

Ironic no? Nang namalayan ko ang oras napansin ko na tapos na ang break namin at oras na nang susunod na subject namin

Nag paalam na ako kay jushel nagpaalam na rin siya at sinabing bumalik ka ah

Tumakbo na ako papunta sa room sa abot nang aking makakaya buti naman naka abot ako sa orasat di na late tunay ngang napaka swerte ko dahil pag na late sa klse na ito iikutin ang school ng tatlong beses ng nag lalakad at tatlong beses  na patakbo

Syempre alam nyo na ang subject na ito ano pa nga ba edi P.E. ang pinaka brutal na subject sa lahat

Hingal na hingal ako kahit na naka abot ako sa oras kaya umupo muna ako sa gilid pawis na pawis ako at medyo nauuhaw

Biglang may umabot saakin ng tubig
"Salama..." Di ko na matapos ang aking salita dahil nagulat ako saaking nakita

"Ma-ma-marc!" Tuwang tuwa ako dahil naka balik na rin sa pilipinas ang nag iisa kong best friend na si marc

Ang pamilya kasi ni marc ay mayaman at siya ay napaka talino kaya kahit sa batang edad isa na siya sa nag papatakbo ng kanilang companya

"Hoy bat ang tagal mo sabi mo saglit ka lang nag mukha tuloy akong loner" pabiro kong sinabi"Ayos lang yon kahit nandito ako mukha ka paring loner" pabiro rin niyang sabi

"Oh kamusta na ba ang panliligaw mo kay christina" sabi nya saakin oo nga pala di pa pala niya alam na...

"Wala pre bokya" sabi ko medyo nalunkot ako nung sinabi ko iyon dahil nga sa fact na satingin ko napamahal na ako sa kanya

"Aww wawa naman si pre geh wag kang mag alala hahanap nalang kita ng bago"sinabi nya iyon na parang madali lang maka move on

Siguro sakanya oo dahil sa 3 in 1 na taglay nya syempre eh pogi na mayamang matalino yan si marc oh tiba pinakyaw na nya mga magandang katangian

"Wag na di muna ako nag hahanap ngayon ng lovelife"sinabi kong nakangiti na parang pinapakita ko na ayos lang ako

"Sus siguro meron ka lang nakitang babaeng maganda no kaya nawala ka na nang interest sa ibang mga babae" nung sinabi nya iyon biglang pumasok sa isip ko si jushel

"Huh!? Ano ah ano wala kaya pre"habang sinasabi ko ito sinusubukan kong hindi mahalata

"Kung wala bat ka namumula?"

"Huh ano eh tiba mainit na ngayon"

"Anong mainit eh naka aircon tayo anlamig kaya"

*Ringgggg*

"Uy time na pala punta na ako sa susunod kong subject" sinabi ko iyon habang tumatakbo palayo

"Sige! Malalaman ko rin yang bago mong nagugustuhan" sinigaw niya mula sa malayo

Hays dapat ko nabang sabihin sakanya ang tungkol kay jushel matalino naman siya para maintindihan pero baka mabigla kasi sya

Hays sige na nga sasabihin ko na nga sakanya eh matagal ko na rin naman na syang kaibigan kaya mapapagkatiwalaan naman yata sya

~kinabukasan~

"Pre may sasabihin ako" sinabi ko iyon habang nag dadalawang isip kung sasabihin ko ba o hindi

"Ano yun?"

"Alam mo yung babae sa salamin na usap usapan?"

"Oo yung nasa banyo ng lalaki bakit nagpakita ba sayo?"

"Oo at nakakausap ko pa"

"Pre sabi ko kasi sayo magkaroon ka na ng kaibigan habang wala ako ayan tuloy kung ano ano pinag iisip mo"

"Tootoo nga pre"

"Hahahaha pre ano na bang nangyayari sayo sige nga kung totoo nga na nakakausap mo sya pakilala mo nga ako"

"Sige ba"

At yun na nga pumunta na kami sa may banyo at bago kami pumasok sinabihan ko siya na kung ano man ang makikita nya at malalaman ay dapat panatiliing secreto pumayag naman sya

Nung naka pasok na kami...

"Uy michael bat ba ang tagal mo"sinabi nya iyon na di ko malaman kung pabebe ba o nagtatampo

"Eto na nga ako oh! Ay oo nga pala may kasama pala ako si marc
Marc jushel jushel marc ok na ba"

"Hello marc ako si jushel"

"Musta" tapos bumulong saya saakin "oo nga pre totoo nga ang sinasabi mo sensya na at ang ganda pala niya noh, teka nga lang sya yun no yung babaeng nagugustuhan mo"

"Ganda na sana kaso bat napunta pa sa tukso"

"Huy ano pinag uusapan nyo jan sali naman ako "

"Sige" at nag kuwentuhan nanaman kami hangang matapos ang break time namin

To be continued

Bonus Chapter 2.5:Ako si jushel

Ako si jushel ang babae sa salamin ni hindi ko nga alam kung bakit ako nasa salamin pero isa lang ang alam ko kailangan kong makaalis dito

Ang buhay ko dito sa salamin ay sobrang nakakatamad at walang kwenta dahil dito sa loob ng salamin

Walang hangang kadiliman lang ang meron at ang nagsisilbing ilaw dito ay ang salamin na parang t.v. na iisa lang ang channel at iisa lang ang palabas

At ang palabas na iyon ay ang banyo ng lalaki sobrang nakaka inip talaga
Kaya gustong gusto ko na makalabas
Kaya kada pasok ng mga lalaki ay hinihingan ko ng tulong

Lahat sila iisa lang ang reaksyon takot,sigaw,at gulat at biglang tatakbo sanay na ako sa mga ganyang pangyayari

Pero nag iba ang normal na pauli ulit na pangyayari saaking buhay nang pumasok sa pintuan na yan si michael

Syempre sa una natakot siya saakin pero siya palang ang nag iisa na nag lakas loob para bumalik ulit sa banyo pagkatapos niya ako makita

At dahil dun umasa ako na baka matutulungan niya ako kaya tuwing babalik siya humihingi ako ng tulong sakanya

Paulit ulit nanaman ang mga pangyayari hangang nakiusap na ako sakanya at nagulat ako sa naging reaksyon niya dahil kinausap niya ako

At dun na nagsimula ang aming pag kakilala

End.

Ang Babae Sa SalaminМесто, где живут истории. Откройте их для себя