I Love My Bestfriend

413 25 29
                                    

ENTRY #1 Enjoy po kayo sa pagbabasa ngayon pa lang nagpapasalamat na po ako sa inyo sa mga babasa at nagbasa sobrang thank you po ❤

---



      Bestfriend yung taong kasangga mo sa lahat ng bagay yung taong andiyan lagi para sayo pero paano kung isang araw marealize mo na hindi na bilang kaibigan ang nararamdaman mo para sa kanya? Lalayo ka ba para matago yung nararamdaman mo at para mapangalagaan yung pagkakaibigan na matagal mong iningatan o susugal ka sa laban na walang kasiguraduhan at may chance na pareho kayong masaktan?


ARIA'S POV



      Bakit? Ayan ang paulit ulit na tanong ko sa sarili ko. Bakit siya pa? Bakit hindi na lang si Carlo na classmate ko nung first year highschool o kaya naman si Vincent na nanliligaw sakin ngayon. Ugh Napasabunot na lang ako sa ulo ko at napabuntong hininga dahil sa gumugulo hindi lang sa isip ko pati na din sa puso ko. I shake my head para mawala kahit saglit si April sa isip ko sabay ayos ng upo at tingin sa paligid. Andito ako ngayon sa favorite coffee shop namin ng barkada, ako lang mag isa dahil na din sa pag iwas ko kay April hindi na ako masyado nakakasama sa mga lakad nila. Malungkot kong tinitigan yung upan sa harap ko. "Tama ba tong ginagawa ko?" Mahinang tanong ko sa sarili ko.

      "Kausap mo nanaman ba yang sarili mo A?" natatawang tanong ni April habang dahan dahang umupo sa bakanteng upuan sa harapan ko. Nawala naman ang ngiti sa mga mapupula niyang labi ng hindi ako sumagot sa tanong niya.

      Mag sasalita na sana siya ng matauhan ako at dali daling inilagay sa bag ang mga gamit ko na dapat ay gagamitin ko. " Hmm.. Mauna na ako Ma-may aayusin papala ako. T-Tawagan na lang kita mamaya" pagtayo ko hahakbang na sana ako paalis ng hawakan niya ang kaliwa kong kamay, napapikit na lang ako dahil alam ko na napapansin na niyang iniiwasan ko siya bago ako humarap sa kanya huminga muna ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko at dahan dahan siyang hinarap ng may pilit na ngiti.

      "A may problema ba?" Malungkot na tanong niya sakin pero bago ako sumagot marahan kong tinangal ang kamay niya at pinilit na ngumiti " Wala A bigla ko lang kasi naalala na may aayusin pa pala ako dahil sa sobrang busy kasi nawala na din sa isip ko." ngumiti siya ng pilit at alam ko na hindi siya naniniwala sa reason na sinabi ko sa kanya kahit na tinawag ko siya sa nickname naming dalawa. Mag sasalita pa sana ako ng bigla niya akong yakapin ng mahigpit at sa pagkabigla ko hindi ako nakaganti ng yakap at bago pa man ako makapagreact ay bigla siyang kumalas sa akin at pagtingin ko sa maamo niyang mukha mababakas ang lungkot sa mga mata nito alam ko na nararamdaman niyang may mali sa mga kinikilos ko.

      Ilang minuto kaming nakatayo ng walang nagsasalita, gusto ko man magpaliwanag pero kahit ako hindi ko alam ano at paano. Paano mo ba sasabihin sa bestfriend mo na mahal mo siya ng higit pa bilang kaibigan? Nag decide ako na umalis na lang at pag isipan mabuti kung sasabihin ko ba kay April o itatagoko na lang ang nararamdaman ko at iwasan na lang muna siya nagbabakasakali na mawala din itong nararamdaman ko para sa kanya. Umuwi akong pinipigilan ang mga luha na kanina ko pa gustong pakawala para kahit papaano gumaan yung pakiramdam ko, masakit man dahil alam ko na pareho kaming nasasaktan pero mas masakit na nasasaktan kami sa magkaibang dahilan.


APRIL'S POV


      Hindi ko alam pero nasasaktan ako iniiwasan ako ni Aria sa dahilan na hindi ko alam. Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang makalabas siya ng coffee shop. Namimiss ko na yung bestfriend ko pero wala akong magawa dahil siya mismo ang gumagawa ng paraan para iwasan ako. Pumikit na lang ako para pigilan yung luha na ilang araw ko nang pinipigilan simula ng iwasan ako ni Aria ang bigat bigat na ng pakiramdam ko lalo na ng puso ko. Pakiramdam ko unti unti na siyang nawawala sakin.

One Shot Stories ( Tagalog GirlxGirl )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon