c. two

208 10 20
                                    

Break time na kaya nag-uunahan na namang makapunta sa canteen ang mga studyante. Ang sikip tuloy dito sa may hallway.


Sinarado ko na iyong locker ko pagkatapos kong itago ang mga libro ko, ng biglang nahagip ng mata ko ang isang walanghiyang nilalang, kasama ang kanyang mga alagad, si Jimin at Jungkook. 


Kapansin-pansin iyong damit nila, naka-tucked out ito at iyong neck tie nila hindi maayos iyong pagkakakabit. Halata talagang rebel at barumbado sila ng school.


Naglakad ako sa ibang direksyon imbes na sa daan papunta ng canteen. Ayoko kong makita nila ako.


"Yah!"


Paksheit.


Binilisan ko lalo ang paglakad ko.


"Lee Hyejin!"


Lumingon ako sa likod at nakita ko si Taehyung na tumatakbo palapit sakin. Pinagpawisan ako ng malamig.


Mabuti na lang talaga at malapit lang ang cr ng girls kaya agad akong tumakbo doon at nagtago sa isang cubical. Huminga ako ng malalim, rinig na rinig iyong tibok ng puso ko sa sobrang kaba. Gusto ko lang talaga siyang iwasan kasi lagi ako ng napapahamak dahil sa kanya.


Naghintay ako ng ilang minuto hanggang sa wala na akong narinig na ingay sa labas. Dahan-dahan kong binuksan ang cubical door at sumilip sa labas. Walang tao. Phew.


I tiptoes my way out. Pero nagulat ako ng may nakita akong mabilis na naglakad palapit sa akin.


Hinatak niya ako at isinandal sa pader.


"UGGG KIM TAEHYUNG ANO NA NAMAN BANG KAILANGAN MO," sabi ko sabay hilot sa elbow ko na nahampas sa pader. Huminga na naman ako ng malalim, ayan na naman iyong kaba ko.


Sana naman wala siyang hingin na request sakin na kung ano gaya noong dati. Noon kasi inutusan niya ako na maglagay ng napkin sa bag ng teacher namin, binantaan niya pa ako non.


"Nagawa mo na ba iyong assignment natin sa humanities?" tanong niya.


"O-oo," sagot ko.


"Let me copy it."


Tiningnan ko siya sabay irap.


"Really taehyung? Hinabol mo ko para lang sa homework? Kailan ka pa nagkaroon ng pake sa homework na binibigay satin?" tanong ko sabay cross ng kamay ko.


"Shut up and just give it to me. It's graded." sagot niya.


"Later," sabi ko sabay taboy sa kanya, pero hindi pa ako nakakalayo ay inihampas at isinandal na naman niya ako sa pader.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 15, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

mr. arrogant ➽ taehyungWhere stories live. Discover now