01:I don't even know your name

32 3 0
                                    

Her POV
"Waaah!! Nakakainis!! Ang lakas ng loob niya! Siya pa? Siya pa talaga eh noh? Walanghiya siya!! Aaah!!!"
"Oi? Kalma lang..di siya ang huling lalaki sa mundo noh! ..He's not worth it"
"Yeah! I know but... Dapat ako ang nakipagbreak ..not him! He's so.. Grrrr!"
"Oh! Kainin mo na lang tong ice cream para mawala yang badtrip mo"

Kinuha ko na ang ice cream and sinimulang kainin yun!
Hmpf! Hello pala .. I'm Alhena Zhelie Jedan,18 years old,only daughter,and an anime lover! And if nagtataka kayo kung ano ang pinag-uusapan namin? ..ang wala kong kwentang boyfrie-- I mean EX!! Well.. Break na kami 3 hours ago..and hindi ko matanggap na siya ang nakipagbreak at hindi ako! Yeah..I know it's nonsense but I don't care...

"Oh! Wow? Naubos mo bess..ang galing mo ha! Isang galon pa naman yan"

   Ayh! Nga pala si Bamby.. She's my friend since... I don't remember.

"Hala! Oo nga .. Ang sakit ng lalamunan ko Bambs"
"Hahaha! Mawawala din yan.. Heto na lang! May binigay na invitation ang cousin ko sakin"
"Para saan?"
"Di ko alam eh! Basta pupunta tayo. Ok?"
"Sige.. Game ako! Geh uwi na ako ha? See you mamaya"
"Ok!"

(Fast-Forward)

  Nakakabinging sounds,Crowded,Party!!
Hi..guys! Nandito pala kami sa party na sabi kanina ni Bamby.. And ako lang mag-isa ang nakaupo sa table namin ni Bambs .. Siya kasi andun nakikipag-usap sa isang lalaki na ..cute!

"Enjoying?"

  Napalingon ako sa nagsalita sa likod ko and... Thumbs down!!

"Yes! Leave me alone"

  Iniwan ko na siya dun and saktong kukuha na sana ako ng juice pero may nahagip ang mata ko! Isang anime character na nabuhay!! Joke! Pero seryoso..ang gwapo niya parang di na yata gumagalaw ang oras.. Ang ganda ng ngiti niya.. Those innocent eyes,tall height .. He's so.. Unexplainable! Di ko alam pero dinala ako ng mga paa ko palapit sa lalaking yun...ng biglang may humatak sakin!!

"What the??"
"Zhel! May gustong magpakilala sayo"
"Ano ba naman Bambs! I'm not interested"
"Wag ka nga dyan"

  Dinala niya ako sa isang table na may nakaupong dalawang lalaki..

"Here guys.. She's Zhelie,my bestfriend"
"Hi" sabi ko ng walang kagana-gana.. Nasan na kaya si Mr.Unknown?
"So.. He's Lorenz and the guy on your right side is Kino"
"Hi..nice meeting you"sabi ni Kino na nilabas pa ang kamay niya para makipag-handshake pero inisnob ko na lang siya..
Nasan na ba kasi siya?
"Ahem? Zhel? Wag ka naman masyadong snob!"sabi naman ni Bamby
"Ok..nice meeting you but I got to go!"

Umalis na ako dun kahit di pa sila nakakapagsalita! Eh..sa gusto kong makilala yung lalaki kanina! Pero..nasan na siya?...hinanap ko siya pero hanggang sa makauwi ako ay di ko na ulit siya nakita.. Tsk! This is not my lucky day! Sana kahit pangalan niya lang ... Pero wala! Wala akong kaalam-alam kung sino siya... Ayh-- there's only one thing pala.. His smiles! It was enough to make my heart skipped a beat.. I don't know but it's already tattoed on my mind.. I need to know you Mr.Unknown.. NO MATTER WHAT IT TAKES .and.. Although.. I don't even know your name .. I will know you!

(After 3 weeks...)
   
"Oi? Zhel...di maganda ang tama mo sa lalaking yun! Tignan mo...4/20 ang score mo ..sa favorite subject mo pa? .."
"Sorry po... Eh! Kasi naman kung di mo kasi ako hinatak nung time na yun..makakalapit na ako sakanya!"
"Aba? Ako pa pala ang may kasalanan ngayon? Malay ko bang lalapit ka sakanya!"
"Tsk..manahimik ka na nga lang! Sige na Bambs..babawi na lang ako next time ha? Uuwi na ako!"
"Ok! See you tomorrow"

  Umalis na siya kaya nagsimula na din akong maglakad pauwi..malapit lang naman ang bahay sa school namin eh..
  Pero..makikita ko pa kaya ang lalaking yun? Sa susunod pag ako ang magpapa-party..mag rerequire ako ng name tag! Para pag may gwapo ulit..at least kilala ko! Diba? ..*sigh* magkikita pa kaya kami ulit? Or maybe...hindi na talaga? Huhuhu! Naman eh..
Hindi pwede yun! An--

"Miss??"

  Napatigil ako ng may humawak sa braso ko.. Lumingon ako pero di ako tumingin sa mukha niya..

"Ano yun?"
"Sayo ba toh?"

  Tinignan ko ang bagay na hawak niya at...wallet ko yun! What the? Pano napunta sakanya yun? Tinignan ko kung sino ang may hawak nun and... One thing for sure!! Gwapo ..pero G*go! Tsk...

"Akin na yan! Sino ka ba?"

  Wala man lang bang tutulong sakin? .. Oh! I forgot ..sa shortcut pala ako dumaan kaya wala masyadong tao! Sa susunod di na ko dadaan dito! Hmpf..

"Abutin mo kasi!"
"Bobo!! Ka ba? Eh..di nga ako umabot sa balikat mo tapos..sasabihin mong abutin ko yan? Minamaliit mo ko ha? .. Wag mo nang ipamukha sakin!"

  Sinipa ko nga ang tuhod niya with feelings! Nakakainis eh! .. Napaluhod siya .. Kaya naman ..naabot ko ang wallet ko .. Tumalikod na ako pero nabigla ako ng hawakan niya ako sa braso. Ang bilis niyang makarecover ha? Pagtingin ko sakanya ay ...kinabahan ako bigla dahil nakataas ang braso niya na parang sasampalin ako.. Oh no!!

"Tama na yan bata!"

  Napalingon kaming dalawa sa lalaking nagsalita sa likod .. Lumapit ito samin and hinila ako palayo sa lalaking yun ..may kung ano-ano siyang sinabi at may ibinigay dito kaya umalis ito! Lumingon naman siya ulit sakin...

"Ok ka lang ba?" tanong niya sabay ngiti... And ... H-he's the guy!! Ang lalaking hinahanap ko!

"A-ahm.. Oo! Salamat pala.."
"Walang anuman .. Oh? Nagmamadali pala ako ..kaya mauna na ako ..ingat ka ha"
"W---wait"

   Hindi na niya ako narinig dahil tumakbo na siya palayo .. Naglakad na din ako pauwi ng bahay..

---

Ito na nga pala ako sa kwarto ko ngayon.. And alam niyo na kung anong ginagawa ko syempre! Iniisip ko na naman si Mr.Crush ko!! Waaah! For the second time.. Di ko na naman natanong kung sino siya! Pero bakit kaya andun din siya kahapon? Taga-dito din ba siya? Hmm... Sana nga!
I really hope so.

--The Next Day--

"Oh my? Talaga? Waaah!! Congrats Zhel..haha"
"Thanks...pero Bambs! Di ko man lang natanong ang pangalan niya"
"Hmm.. Oo nga pala nuh.. Ah! Mamaya na yan mag-lunch na nga lang muna tayo"
"Oo nga! Tara..nagugutom na din ako eh"

  Pumunta kaming dalawa sa Cafeteria and umorder then after nun ay nagsimula na kaming kumain
...

"Hoy! Zhel.. May sikreto akong sasabihin sayo mamaya..s-sana hindi ka magalit sakin"
"Hmm?? Ok.."

  Pagkatapos naming kumain ay naglakad na kami pabalik sa room namin ..

At dahil sineswerte kami ngayon ay ..wala kaming klase ..may meeting kasi! Yes!! Hahaha...

"Ahmm.. Zhel! May pupuntahan lang ako.. Wait for me here ok?"
"Hmm.."

  Nag-earphone na lang ako and after naman ng ilang minuto ay bumalik na siya ..

"Zhel! Let's go?"
"Saan?"
"Basta..remember? May sasabihin ako sayo!"
"Ok"

Bakit kaya parang kinakabahan ako sa sasabihin ni Bambs? .. Tsk!
Dinala niya ako sa mall and umupo muna kami ..may hihintayin daw kasi kami..

"Ahm.. Cr lang ako Zhel ha.."
"Ok .. Bambs..bilhan mo na dn ako ng shake oh?"
"Sige"

Umalis na siya kaya naman .. Nag-cellphone na lang muna ako.. Pero..maya-maya pa ay bigla na lang akong napalingon sa gilid .. And si Mr.Crush ko! He's coming..toward me! I can't be wrong! .. Di ko alam pero habang lumalapit siya sakin ay nakatingin lang ako sakanya..
Ng makalapit na siya ay sakto namang dumating na din si Bamby ..

"Oh? Nandito kna pala?" sabi ni Bamby kay Mr.Crush ko?..wait? Magkakilala ba sila? Lumapit naman ang lalaki kay Bamby at inakbayan ito...
"Do you know him Bambs?"

  Napayuko naman si Bamby and nakita kong parang kinakabahan siya!!

"Ahm.. Zhel.. I don't know where to start .. And I'm so sorry for keeping this from you but.. I want you to meet my b-boyfriend... Xypher!"

  ANO?...

I Don't Even Know Your NameWhere stories live. Discover now