Chapter 55: The Real Adversary

1.2K 55 3
                                    

The Real Adversary

Hanggang ngayon naguguluhan pa rin ako. Anong meron dun? Bakit parang seryoso silang nagdarasal o anupaman 'yun?

Ang creepy ni Maam Ashyana. Naalala ko na naman siya. Shit.

"Oh Shakira, uminom ka muna," sabi ni Jane atsaka inilapag ang isang basong juice sa maliit na lamesa na nasa harapan ko.

Tumingin lang ako sa kanya. Wala na ang kaba sa mukha niya. Siguro kinabahan lang siya na baka may makakita sa amin na iba kanina kasi nga sagrado iyon. Pero, may nakakita sa amin. Si Ma'am Ashyana.

So, anong mangyayari?

"Alam kong maraming tanong ang nabubuo sa isipan mo... Huwag kang mag-alala, masasagot niya ito," bigla akong napatingin sa kanya.

Huh? Sinong masasagot niya? Sinong tinutukoy niya?

Maya-maya ay lumabas ang isang matandang babae na maputi na ang buhok. Si Manang Agatha, ang lola ni Jane. Siya na ba ang makakasagot sa mga katanungang gusto ko nang mabigyan ng kasagutan?

"I-Ikaw b-ba si Shakira?" Hindi ko alam kung bakit siya nauutal.

Tumingin ako ng diretso sa kanya.

"Opo. Ako nga ho," sagot ko.

"Sinong lolo't lola mo?" Hindi ko inaasahan ang tinanong niya.

"Ah. Hindi ko po sila nakilala, simula nung bata pa lang po kasi ako ay ang mga magulang ko lang po ang kasama ko at wala naman po silang nasabi tungkol sa lolo't lola ko," magalang kong sagot.

"Sino ang mga magulang mo?" Hindi ko alam kung bakit niya ito tinatanong. Pero wala naman akong magagawa, kailangan ko siyang sagutin.

"Shane at Keiro Sutherland po," sagot ko naman. Nakatingin lang ako sa kanya.

"Imposible," bulong ni Manang Agatha pero medyo napalakas kaya narinig ko.

"Ano pong imposible?" Hindi ko na napigilan pang magtanong. Sadyang naguguluhan na talaga ako.

"Isa kang Allied hindi ba?" Hindi niya ako sinagot bagkus ay binigyan niya lamang ako ng panibagong tanong. Tumango na lamang ako.

"Kung gayon, kilala mo sila Margareth at Alexander Twilight?" Tanong niya pa.

"Opo. Sila po ang hari at reyna sa Macedonia," sagot ko naman sa kanya.

"Alam mo iha... Pinsan ko si Margareth," literal na napanganga ako sa sinabi niya. So, bakit siya nandito? Ito ba ang sinasabi ni Jane dati na pinsan ng lola niya ang may-ari ng Twilight Academy at iyon ay si Queen Margareth.

"At nararamdaman kong may kinalaman ka sa kanila," sabi pa niya. Naguguluhan na ako.

"Ano pong ibig niyong sabihin?" Tanong kong muli. Puro katanungan na lang ang nasa isip ko ngayon.

"Ka-," naputol ang sasabihin niya nang biglang may kumatok. Agad naman itong pinuntahan ni Jane.

Binuksan niya ang pinto at bumungad ang isang lalaki. Si Dwayne? Anong ginagawa niya dito?

Twilight AcademyDonde viven las historias. Descúbrelo ahora