Chapter 34

8.5K 239 11
                                    


***

           

"What's for breakfast?" ngiti nitong napakalapad kinaumagahan.

"Toasted bread lang, sabi mo hindi pa pwedeng gamitin ang lutuan"sabi kong di natingin dito dahil nahihiya pa rin ako sa nangyari kagabi.

"Okay lang" aniya.

"Ano to?" tanong nito kaya napalingon ako.

"Uhm, gumawa ako ng sandwich mo and graham cake" tukoy ko sa baunan niya.

Tumayo ito, at naramdaman ko na lang na nasa likuran ko ng yumakap.

"Thank you" aniyang bumulong sa akin na pumahinga ang baba sa aking balikat.

"J-jax, bitaw na, magbibihis na rin ako" sabi kong uutal utal sa hiya at kaba na naman sa dibdib.

Bumitaw naman itong natatawa.

"Sige na,bihis ka na,i'll wait for you, ihahatid muna kita bago ako papasok sa office" aniya.

Nagmamadali akong umakyat. Ang lakas ng tibok ng puso ko na naghuhurumentado sa kaba.

Pagbaba ko ay naghihintay na ito habang nagtitipa ng telepono.

"Let's go" aniyang baling sa akin.

Pansin kong sa ibang direksyon kami papunta at hindi sa eskwelahan ko kay lumingon akong nagtatanong.

"You want to visit right?"

Tumango lang ako.

Pagpark ng sasakyan ay di na ito bumaba.

"Jake kamusta na? "

"sorry, sorry at ngayon lang ako nakadalaw"

"Bakit pakiramdam ko ay nagkakasala ako sayo, mali ba jake?" bulong ko sa hangin.

Nagtagal ako ng kaunti. Pagdating ko sa sasakyan ay nadatnan ko itong nakapikit lang uli at nakasandal ang ulo sa upuan.

"Tara na" aya ko.

-------------
Naging maayos naman kami ni Jax pagkatapos ng pangyayaring yoon. Ilang buwan na uli ang nakalipas at bumalik na muli ang normal naming routine sa bahay.

Nakakapagluto na akong muli ngunit mas maingat na, medyo bawas na rin ang pagkakabasag ko ng hugasin, at sa paglalaba ay madalas si Jax na lang ang nagsasalang o kaya nagpapalaundry sa baba ng condo, medyo hirap na lang ako at di matantya sa pamamalantsa.

Masyado kaming busy pareho, siya sa kumpanyang hinahawakan niya at ako
nama'y sa pagaaral.

"Ba't ka naandito?" tanong ko kay Anne.

"Wala naman, may meeting ka ngayon sa partne rmo diba?" ngisi niya.

"HA? Oo, bakit mo naitanong? type mo no?" tukso ko.

"Huh, wala i- imean hindi , ang sungit nun eh pero gwapo sana" sabi nito.

Napailing na lamang ako.

"Ba't wala pa siya?" tanong uli nitong nakapangalumbaba.

"Lagi namang late yun" yamot kong sagot, nahuli na naman ng dating si Kier.

"Ayan na siya teh, ang gwapo talaga, bagay na bagay sa kanya ang bad boy look niya,nakakalaglag ng panty" ani nitong si Anne na di mapakali.

"Uuna na ako, nahihiya ako eh" sabi nitong nagmamadaling tumayo na di ko na napigilan.

"Hi partner!"

Scent of Heaven (Jax and Mara )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon