-22-

14.3K 338 40
                                    

[*****************************************************]

PENELOPE’S POINT OF VIEW

 

 

Ramdam ko na iyong liwanag ng araw pero tinatamad pa din akong bumangon. Bumaling ako sa pwesto ni Robson at wala sa sariling niyakap ito. Matagal bago ko napagtanto na iyong mga binti ni Robson ang yakap-yakap ko ngayon.

Tinatamad na nagdilat ako ng mga mata. Napahikab pa ako bago unti-unting tiningnan ang mukha ni Rob. Anong oras ba ito pumasok sa kwarto kagabi? Hindi ko na kasi ito naramdaman. Sobra akong napagod sa kakaisip sa pinag-usapan namin ni Daisy at ni Chance.

Nakasandal siya sa head board ng kama namin at hawak-hawak ang cellphone niya. Titig na titig lang siya dito na para bang ayaw niyang mawala sa paningin iyong aparato. Teka… Sheet! Cellphone ko iyong hawak niya.

Napabalikwas ako ng bangon. Sumilay agad ang kaba sa dibdib ko. Nalaman niya na kaya? “Rob.” Alanganing tawag ko dito. Matagal bago niya ako tiningnan. Sobrang lamig ng pagkakatitig niya sa akin na nanunuot na ito sa kalamnan ko.

Nawala na parang bula iyong antok ko at napalitan ng takot. “Sino tong numerong sinagot mo kagabi?” Napalunok ako. Gusto kong mag-iwas ng tingin pero ayokong dagdagan pa ang nararamdaman nito sa akin. Hindi ko nga alam kung galit ba ito o ano dahil wala siyang pinapakitang emosyon. At mas nakakatakot siya kapag ganito.

“Si..ano---” Sasabihin ko na sanang si Chance nang magsalita ulit ito.

“Rule # 2 Penelope. Nakalimutan mo?” Nanliliit ako sa ginagamit niyang tono sa akin. Pakiramdam ko sorbang taas niya. Para akong isang Langgam na nakayuko sa isang Leon. “Tatlong numero lang ang laman ng cellphone mo; kay Amelia, kay Daisy at sa akin. Klarong hindi sa kanilang dalawa ang numerong to, at mas lalong hindi sa akin.”

 

“Rob..I’m sorry kung sinagot ko yung tawag.” Napayuko ako dahil hindi ko na kayang salubungin ang klasi ng pagkakatingin niya sa akin. At isa pa, alam kung mali iyong ginawa kong pagsuway sa kanya.

 “Tatanungin ulit kita Penelope. Kanino tong numerong to?” Kahit na nakayuko na ako, kusang nagsisitayuan ang mga balahibo ko sa katawan dahil sa tinging binigigay nito sa akin.

Nag-angat ako ng tingin. “Kay Chance.” Hindi nakatakas sa paningin ko ang unti-unting pag-iba ng ekspresyon nito sa mukha. Kahit sobrang hina ng pagkakasabi ko, ramdam ko pa din ang naging epekto nito kay Robson. Napatuwid ito ng upo. Nagsimula na niyang lunurin ang pagkatao ko sa pamamagitan lang ng tingin.

Napahugot ako ng malalim na hininga noong hindi ito nagkomento o nagtanong. Magpaliwang ka kaagad Penelope.

 

“Pangako Robson hindi ko alam na siya pala iyong tumatawag. At saka hindi ko talaga ginustong sagutin iyong tawag niya. Naisip ko kasing importante.” Pabulong kong sinabi iyong huli. Nahihiya ako sa ibinigay kung rason pero wala akong magagawa dahil iyon ang totoo.

In His Hands (Reading it again)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ